Chapter 5

11.9K 390 12
                                    

Kayla's

"Sama ka?" Dapat yata hindi ko na sinasabi ito sa kanya kasi alam kong sasama na naman siya eh. Pero nanlaki yung mata ko ng tumanggi siya. This is new.. More than one month na ako sa PSA at ganun din ang pagsama sa akin ni Leira. Pero ngayon? Mukhang iba ata ang ihip ng hangin.

I asked her why. "Wala lang.. Nanghihina ako eh.." Naging alert naman ako sa sinabi niya at tatangkain ko sanang hawakan yung noo niya pero binawi ko rin yung kamay ko dahil useless palang hawakan siya.. you know, she's a 'ghost', a beautiful and mischievous one. Except lang ngayon.

Tinanong ko nalang siya. "Ayos ka lang ba? Kailan mo pa nararamdaman yan? Tsaka... nanghihina ba talaga ang mga kaluluwa?" Nagtataka ako eh. Ganun ba yun? Mamaya nga ise-search ko. Hindi ko rin kasi alam ang itatawag sa sarili ko eh. ESP ba? Esper? Ay iisa lang ba yun? See, hindi ko alam. -__-

"Hindi mo ba itatanong kung bakit ako nanghihina?"

"Bakit ba?" I asked.

"Kasi... hindi mo pa ako pinagbibigyan sa gusto ko! Yung request ko.. Meanie ka, you know? Meanie, meanie, meanie, meanie, mean--"

"STOP! Nanghihina ka ba talaga o niloloko mo lang ako?" Actually alam ko ang sinasabi niya. Yung tinutukoy niyang 'request' na yan. Hindi ko nalang pinapansin kahit sa totoo lang naiirita na ako at gusto ko na siyang batukan kung di ko lang alam na hindi ko siya mahahawakan... alam niyo na.

Naka-pout siya habang magkasalikop yung kamay niya at parang bata na nagmi-mid-swing pa. Gets niyo? Kahit ako di ko alam sinabi ko eh. Mid-swing? May word bang ganun? Basta para siyang batang may ginawang kalokohan.

and I guess I know the answer to my question. "Haay.. So I'll ask you again, sama ka?" Hindi pa nagbabago yung ayos niya kanina hanggang ngayon. "Umayos ka nga! Sasama o hindi? Bilisan mo, male-late na ako." Sunud-sunod naman na tango ang sinagot niya na parang maduduling na ako sa sobrang bilis niya sa pagtango. Napahawak tuloy ako sa temple ko and lightly massage it... nahihilo ako.

Kahit nahihilo ako ay tumalikod na ako sa kanya at naglakad papunta sa labas at para makapasok na. I know that she's following me so I don't need to turn around to look at her. Baka ma-weirduhan mga kasama namin sa bahay. Paglabas ko sa bahay ay inaabangan na pala ako ni mr. Jerry kaya agad na akong sumakay pati siyempre ang buntot kong kaluluwa. After few minutes, nasa harap na rin kami ng school....

Na maraming tao at maingay. Bakit kaya?

"Anong meron? Siguro masaya yan. Makiki-mingle ka na ba sa mga classmates mo?" Sunud-sunod na tanong ni Leira. When I look at her she looks happy and excited looking around. May mga banderas pa kasi dito sa hallway papunta sa 2nd floor, kung nasan ang room ko. Ano ba talagang meron ngayon? Sa pagkakaalam ko, wala naman holiday ngayong july, dahil may lists ako ng mga festivities dito. And I never saw any events na ginaganap ng July.

"Uy, makipagkilala ka na kasi sa kanila, Kayla.. para hindi na forever alone ang peg mo. Alam mo, masaya magkaroon ng mga kaibigan, yung lagi kang dinadamayan sa problems mo, patatawanin ka nila at ano pa... Ano pa ba.. basta! Masaya magkaroon ng friends!" Sabi pa niya pero hindi ko nalang pinapansin at binuksan ko yung pinto ng room namin.

Pagkapasok ko sa loob ay agad kong hinanap ang upuan ko pero wala akong nakitang upuan at sa totoo lang.. magulo ngayon sa room namin, ang daming kalat ng mga cartolina, crep paper, art paper na iba-iba ang kulay at may mga banderas din dito sa loob. Allowed ba 'to dito? Tsaka sa pagkakaalam ko... tapos na ang valentines at malayo pa ang december para sa pasko.

Dahil wala naman akong nahanap na upuan at nakikita kong lumalabas halos lahat ng mga kaklase ko, lumabas na lang din ako. Pupunta nalang ako sa likod ng HS building kung saan ang tambayan ko. Si Leira hindi ko alam kung sasama siya sa akin kasi nag-eenjoy talaga siya sa mga nakikita niya.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon