Chapter 30

6K 197 7
                                    

KAYLA

"I'm going to school now, Leira." Paalam ko. Hindi naman siya umiimik kaya hindi ko na lang pinansin. Nagtatampo siya dahil hindi ko na siya kinausap kagabi. Malay ko ba namang makakatulog na ako.

I was feeling exhausted last night and all my body wanted was a good, as in really good night sleep. Hindi ko naman alam na may sinasabi pala siya sa 'kin dahil nga sa nakatulog na ako. Ayan tuloy, humingi na rin ako ng patawad kaninang umaga hanggang ngayon pero wala pa rin. Hindi niya ako pinapansin kahit tapunan man lang ako ng sulyap, none of that happened. Kaya nagpasya nalang akong umalis. I'll just talk to her later when I get home.

Pagkalabas ko sa bahay ay nag-aabang na ang kotse kaya sumakay na ako. Nginitian pa ako ni Kuya Jerry sa rearview mirror pero parang wala ako sa mood gumanti ng ngiti sa kahit kanino kaya tumango na lang ako sa kanya. He's looking at me worriedly.

"Are you alright, Kayla? Baka masama pa ang pakiramdam--"

"I'm alright. Take me to school, now." I know how I sounded. Cold and emotionless.

May sasabihin pa sana siya pero tinuon ko na ang atensyon ko sa labas ng bintana kaya wala na siyang nagawa kundi paandarin ang sasakyan papuntang PSA. Mabilis din naman ang naging byahe na sobrang tahimik. As soon as the car stops, bumaba na agad ako not saying anything to him dahil hindi ko alam. Basta wala akong gana.

I feel empty and broken inside, plus the fact that I have something to solve all by myself and not with everybody. Hindi ko nalang ipapahalata when I see him.. basta kung sino man siya.

Naglalakad na ako sa corridor ng second floor pero napahinto rin ako sa nakita ko. He's leaning againts the wall beside the door of our classroom while facing the floor na parang may pinapanuod siya doon. Hindi ko nalang siya sana papansinin but before I even step my foot inside ay nahawakan na niya ako sa braso. I tried to pull it but he's strong. Hindi nalang ako kumikibo ng dalhin niya ako sa mystery club room.

"Kayla!"

"Kayla, what happened? Bakit di ka pumasok kahapon?"

"Bakit hindi mo rin sinasagot ang mga calls namin?"

"Galit ka ba sa amin?"

Oh great. Nandito rin pala sila. Ang mga taong na-miss ko kahit ilang araw palang silang hindi nakikita. Naramdaman kong lumuwag na ang pagkakahawak ng lalaking humila sa akin dito kaya tuluyan ko nang hinila ang braso ko.

I faced them with an even colder expression. "May klase pa, di ba? Absent na ako kahapon at hindi ko na maa-afford pang umabsent ngayon so better hurry if you're going to say something."

Tumayo si Mami sa pagkakaupo niya at tinitigan ako. "What's wrong with you? B-bakit parang.. nilalayuan mo kami? Bumisita kami sa inyo kahapon, hoping na nandun ka lang at masama lang ang pakiramdam pero right after we get there, nalaman naman namin kay kuya Jerry na umalis ka. Simula ng linggo ka pang tahimik at ganyan.. parang bumalik sa dating ikaw. Tell us what's wrong. Kung may nagawa ba kaming mali."

"Huwag mo naman kaming pigilan na ayusin 'to, Kayla. Kaibigan mo kami, di ba?" Nakatayo na rin sa tabi ni Mami si Berry. I grin. Nagtataka naman sila sa inasal ko pero I let them.

Mali ba kung magalit ako dahil may hindi sila sinabi sa akin? Oo, para sa iba mababaw na bagay lang yung nangyari pero sa akin hindi. Dahil sa hindi nila pagsabi ng totoo ay magmumukha pa akong tanga sa lalaking mahal ko pero hindi naman pala ako ang mahal at ginagawa lang akong pang-rebound. Funny, eh?

I let out a sigh. Hindi ko naman sila matitiis eh. Lalo na kung tititigan ako ng parang pinapasok niya ng tingin ang kaluluwa ko.. si Kamil. Wala siyang kibo sa isang tabi pero sa paraan ng pagtingin niya naman sinasabi ang mga hindi niya masabi sa akin. I let out another sigh and finally look at them with a soften expression.. "I'm sorry.."

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon