EPILOGUE - Part 2

4.7K 118 8
                                    


E 👑 P 👑 I 👑 L 👑 O 👑 G 👑 U 👑 E

PART TWO ▶️


PRAN

"Hmmm... Deniro wag mo kong yakapin mainit." Natutulog na ako naalimpungatan pa dahil sa asungot na tumabi sa akin.

At hindi ako nagbibiro nang sabihin kong mainit, kahit pa naka-aircon kami mainit pa rin.

Balewala lang naman yung sinabi ko dahil patuloy pa rin siyang nagsumiksik sa akin. He nuzzled my neck and it made me ticklish on that part kaya kinurot-kurot ko ang tagiliran niya. Magkaharap na kaming dalawa ngayon and he's staring at me lovingly.

"I miss you, wife." Tapos hinalik-halikan niya ang buong mukha ko. Natawa naman ako dahil sa kiliti at kinikilig ako. Paano nga ba kaming dalawa talaga ang nagkatuluyan? Hmm.. I guess he really have charms, tinablan ako. Ako? Si 'prim and proper' and like Heyenne always calls K, Kamil and I -- Poker face sisters -- nagkagusto lang sa isang makulit, isip-bata at mahilig kumain sa Mcdo na si Deniro?! Wow talaga. Kahit gaano pa ang pagkontra ko sa sinasabi ni mr. Hall noon I still ended up marrying this guy. Kakakasal lang namin last year at ito nga three-months na akong buntis.

Nginitian ko siya at naramdaman kong may nangilid na luha sa mata ko. "Hey, hey.. why are you crying wifey? What's wrong, may masakit ba?" Nagpapanic na siya at hindi mapakali kaya hinalikan ko siya sa labi.

"I love you, hubby." Ngumiti siya. Niyakap niya akong lalo at ganun din ako.

"I love you too, wifey.. alam ko gasgas na ang salitang 'forever', so until eternity nalang. Hahaha!" Natawa rin ako sa sinabi niya. Oo nga't gasgas na at sobrang cliche na kapag naririnig ang salitang iyon pero alam kong ganun ang nararamdaman namin sa isa't-isa. Until eternity pa.

"Tss.." Parang bata pa rin siya kapag tumatawa. Sabagay, napagkakamalan pa nga siyang college student kadalasan kasi ang baby-face ng asawa ko. Minsan nga napagkamalan akong ate niya nung namimili kami ng maternity dresses ko eh. Medyo nairita naman ako noon kaya medyo natarayan ko ang sales lady at sinabi ko talagang 'asawa ko yan at malapit na kaming magkaanak', may balak pa ata kasing landiin. Huwag lang silang magkakamali kung ayaw nilang malaman kung anong pwedeng magawa ng isang Pran Celeste. Ah, my whole name now is Pran Celeste-Martin.

"Hahaha. Nagsusungit ka na naman wifey, moodswing lang." Inirapan ko siya. Tinawanan lang ako. "Pero wifey, seryoso nga.. namimiss ko na sila. Lalo na si pareng Jefferson. Sana naman maging maayos na ang lahat." Ako din, namimis ko na si Kayla. Wala sila sa halos kasal naming lahat pwera lang kila Berry at sa asawa nito kasi nag-double wedding naman sila eh. Isa dito at isa sa america.

"Sana nga.. its been what? its been a long time since I last saw her at sa pangit pang sitwasyon." Parang gusto ko na naman maiyak kapag naaalala ko ang huling lagay ni Kayla bago umalis. Halos lahat naman ata kaming nagmamahal sa kanya masakit sa amin na makita siya sa ganung lagay, lalo pa kaya kay Rodney.

"Don't worry too much wifey, si Jeff nang bahala doon. Kaya nila iyon. Tiwala lang." He's right. I need to trust God for our best friend's safety. I know hindi niya pababayaan ang isang iyon.

And I know Leira won't let something bad happened to her 'best friend'.

"Den, sleep na tayo para mag-sunday na."

"Yep, lets go to sleep." Umalis siya saglit sa tabi ko para patayin ang lamp sa side table ng bed at tsaka tumabi ulit sa akin at niyakap ako. "Good night wife. Dream of my handsomeness." I chuckled.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now