Chapter 13

9.4K 286 13
                                    

Kinuwento ko ang buong kwento na nalaman ko kay ma'am Elissa tungkol sa pagkakaibigan nila ni Abbigail, kung anong pangarap nila at kung paano rin ito nagtapos sa pagkawala niya. Habang nagku-kwento ay pinagmamasdan ko siya at wala naman akong nababanaag na lungkot o kahit anong emosyon sa kanya. She was just listening to evey word that I tell her.

Si Mami naman tanong ng tanong kung sino raw ang kausap ko. Kung yung kinuwento ko raw ba kaya tumango nalang ako bilang sagot. I also told her about yesterday so she knew quite about this.

Habang tumatagal, pahirap ng pahirap ang nae-encounter namin na kaso. Nag-angat ako ng tingin. "Bakit hindi ka matahimik kahit almost 8 years ka nang... patay?" Diretso sa mata niya akong nakatingin. No emotions attached or anything.

She sighed. "Sa totoo lang.. hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung may naiwan pa akong mission dito sa mundo o sa dami ng kasalanan ko dati ay hindi ako tinatanggap ng panginoon ngayon at kung ganun man, malugod ko naman yung susundin. I love God, and I love my family and friends as well.. so this is all for them."

My mouth parted a bit. That was.... pure honesty. And maybe reality. Wala naman makapagsasabi nang ganun, pero naniniwala ako. That God is a forgiving god. Hindi ko nalang sinabi ang opinyon ko dahil baka ma-offend ko siya. That's her own belief and each of us has our own religion and beliefs. Inirerespeto ko yun. Tumikhim si Mami.

"Hm?"

"Ano kasi... ang sabi ng mama ko noon about sa mga kaluluwang hindi natatahimik ng ilang taon, may hindi makapagpa-tahimik sa kanila.. katulad ng kaso ni kuya Fonse dati, hindi niya maiwan si amarie at gusto niyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya.. o di kaya naman ay may galit sila sa gumawa ng karumal-dumal sa kanila and they're after to avenge themselves. Yun yung mga napapanuod ko sa movies or sa TV, pero it makes sense."

"May nakalimutan ka.."

"Ano yun?"

"Pwede ring dahil sa may ibang tao na hindi sila pinapatahimik. Katulad ng mga pamilya nila o mahal sa buhay. Yun yung mga hindi nila tanggap ang sinapit ng mga mahal nila sa buhay. Denial."

The whole time I talked, nakatingin ako kay Abbigail. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun pero feeling ko gusto na niyang matahimik, it's just that may nakalimutan lang ihabilin. Maybe because they died too early than expected at kahit ang mga kaluluwa ay may denial stage din na pinagdadaanan.

Its just a gut feeling. But, who knows?

"Were you trying to tell me na may unfinished business pa ako o ang best friend ko sa akin?" She asked. Nagkibit-balikat lang ako. Inirapan niya lang ako at naka-cross arms pa siya. Tama nga si Ma'am Elissa, her best friend have a quite temper. I don't know why am I feeling excited about this case. maybe because its a new challenge? And probably harder than the last ones.

And Mami's face tells me that she's also excited too. Even Leira.

I give them my once-in-a-blue moon-smirk. Talagang once in a blue moon ko lang yan gawin. Si Leira alam niya yan kaya naka-smirk din siya sa akin. Si Mami naman medyo natatawa sa hindi ko malamang dahilan. Oo alam ko pangit ako mag-smirk. Baka mukha akong trying hard. Narinig kong tumikhim si Abbigail.

"So..?"

"So... we'll help you. Pero you need to cooperate with us. Wag kang magsusungit dahil kung ill-tempered ka, mas lalo ako. Better be careful, ate Abbigail."

Mukha naman nasindak sa akin si Abbigail pero kalaunan ay nanahimik nalang siya. Mukha kasi akong papatay ng tao sa paraan ng pagkakasabi ko nun eh. No emotions plus the fact that it came out naturally.. equals scary. Alam ko yan dahil kahit ako pag nakaharap sa salamin ay natatakot sa sarili ko. Kahit si Leira ganyan ang panakot ko sa kanya para tumahimik. Kay mommy ko ata nakuha ang ganitong ugali ko. Medyo masungit, suplada.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon