Chapter 64 [Part 4]

4K 116 1
                                    

MC: The revelation starts now..

****

MAMI

I still can't believe what I've heard just now, regarding Kayla. Bakit si Kayla pa? Of all people, why does she need to suffer like this? Just because of that ability.. bakit sobra-sobra naman ata ang kapalit? That was just unfair.

Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko habang inaalo ako ni Thomas, si Berry din namumugto na ang mata sa luha, same as Lindonne. Si Kamil nananahimik lang siya pero hindi ako nagkakamali nung may nakita akong pumatak na luha sa mata niya.

Kayla has a life-and-death disease na ang cause ay ang paranormal ability niya. Can you believe that!? Dahil lang sa nakakakita siya ng mga ghosts may sakit na siya at hindi lang ordinaryong sakit... isang nakakamatay pa! Parang ang kapalit ng mga kaluluwang nakikita at nakakausap niya ay ang pag-iksi ng life span niya.

"Pano niyo nalaman na may sakit siyang ganyan? Eh hindi naman naniniwala ang mga doctor sa mga ghosts and the likes kaya alam kong hindi sa ospital manggagaling yan." -Thomas

"Dati, about 5 months ago, first day niya sa Pran Celeste Academy.." -Lindonne

****

LINDONNE

It's time to tell them the truth para makatulong sila sa amin na pigilan si Kayla sa paggamit ng abilidad niya.

"Dati, about 5 months ago, first day niya sa Pran Celeste Academy.." Panimula ko.

[Flashback]

We were walking, and when I say 'we', siyempre kasama ko ang mga new friends ko. Sila Heyenne, Pran, Akeyla or K, si Kamil na tahimik, si Gello at si Kayla. We were walking habang kumakain ng mga binili naming streetfoods. Yum yum!

But still, nothing beats my peppero biscuits! Pero streetfoods will do, for now!

Papunta kami sa isang bar and resto, kung saan tutugtog ang banda nila Kamil, kasama ako as a bass guitarist, si K as the lead guitarist slash pianist, Gello as the drummer and Kamil as the lead singer and also a guitarist. We're called 'BlacKnights'. Its a weird and funny name but who cares.

"Ah!" Napatingin kaming lahat sa likuran at patakbo naming inalalayan si Kai na napaupo sa daanan at ganun din ang matandang babae na naka-balabal na sa tingin ko nakabangga ni Kai. She looks creepy and weird as I look at her direction, nakita ko na parang nagulat siya at mabilis na tumingin kay Kayla na nakatayo na ngayon. Inalalayan rin namin si nanay para makatayo.

Pero nagulat kami nung hinawakan niya bigla ang mga kamay ni Kayla at nanginginig na binitawan rin ito agad habang may kagulat-gulat at kagimbal-gimbal na ekspresyon ang mukha. What is going on with her? Why is she like that?

"Umm.. is something wrong at my face?" Walang buhay na sambit ni Kayla, while facing us all. Umiling naman kami. Tiningnan ulit ni Kayla ang matanda at marahang yumuko dito na parang humingi ng tawad tapos ay tumalikod na ito. We are about to walk past the elder woman when she suddenly said something that made us stopped our track.

"Mahina ang katawan mo hija, tama ba?"

Parang na-glue ang mga paa namin at hindi kami makalakad, so I turned around and the others followed. Agad na naglanding ang paningin ko sa matanda na naka-balabal ang kalahati ng mukha pero makikita mong seryoso nito. At dahil na-curious ako, nilapitan ko si nanay at nginitian ko siya ng alanganin.

"Hehe.. nanay, a-ano po bang sinasabi niyo?"

Tiningnan niya ko ng mata sa mata at kinilabutan ako sa pagkakatitig niya. "Hija, tama ako sa aking sinabi, hindi ba? Ang kaibigan niyong ito," sabay turo niya kay Kayla na nasa tabihan ko na pala. "..may sakit siya at mahina ang pangangatawan niya.. pero wala siyang sakit na kahit ano pero kapag napapagod siya o nasasaktan ay nagsusuka siya ng dugo hindi ba?" Napatingin ako kay Kayla, dahil hindi ko alam kung totoo nga ang sinasabi ng matanda o hindi. Kakakilala palang namin kay Kai nung last month, due to K and her boyfriend Gello, na pinsan ni Kayla. Pero hindi pa namin naririnig na may sakit ito.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon