Chapter 12

10.6K 317 14
                                    

I wanna laugh. I really want to, right now. And so I did. I laugh till I'm tired of laughing. Tapos nung na-realize ko na may mga kasama akong nakatingin na sa akin ngayon like I'm some kind of weird/crazy lady that they saw on the streets, namula naman ako. Nanahimik nalang ako.

"Wow~ may ganyan ka palang side, KM.. I really see you in a new light now.." Napapangangang palakpak nung si Thomas pero Tom nalang daw. I gave him my cold stare.

Natahimik siya.

I shifted my look to my right side. Tumayo kasi yung main reason ng lahat ng ito. Kung bakit ako nasaktan kanina, kung bakit ako nahihibang, nababaliw, natatanga at hindi ko talaga gusto na i can feel variety of emotions that's new to me.

"Can you look at me, for once? You are my girl, you are suppose to be looking at me.. " nanlalaki ang mata ko ng nilapit niya ang mukha niya sa akin. "... and only me.." Sinabi niya sa malamyos at nakakahalinang tono. Pero hindi ako nahahalina. I don't want to.

Natigil lang ang pagtitig niya sa akin ng bigla siyang umaray-aray at nang tignan ko ay piningot na pala siya ni Mami palayo sa akin. I sighed, really, really deep. Yung parang may nawalang bara sa esophagus ko. Tama ba, esophagus ba yun? Ah ewan. Hindi ako fond sa science.

"Ano ba, Mamilyn?!"

"Ano, ano?! Lalaban ka?! Tss.. Umayos ka. And stay still.. baka masaktan na naman si Kayla." Pabulong lang yung sinabi niya sa dulo, but I heard it.

Nasabi ko na kasi sa kanya ang nangyari sa akin kanina. Nagulat nga siya pero at the same time natatawa daw siya. Kahit ako natatawa eh. Pero magkaiba kami ng dahilan ng pagtawa. Siya natatawa kasi hindi niya akalain na pati multo nagkaka-interest kay Rodney. Ako naman, kasi si Leira inaasar-asar niya yung multong nanulak sa akin kanina dahil nagseselos sa akin dahil kay Rodney.

There's nothing to be jealous about.

I held no interest to the guy. Pero bakit parang gusto kong sumimangot sa sinabi ko? Ah nevermind.

After ng sigawan ng dalawa.. nanahimik nalang ulit kami. Kami nakatahimik pero yung dalawang babaeng multo, talakan ng talakan sa likuran. Si Leira inaasar niya talaga yung babae tapos yung babae naman naaasar.

"Aish! Will you stop that childish acts?! Hindi na nakakatuwa ah.."

"Eh kung ayoko tumigil ah? Ah? May magagawa ka ah? Blehh"

"Argh! Paano mo natitiis ang isip-batang ito?! Ha, babaeng hindi naman kagandahan?!" Nakatingin siya sa akin, so she's pertaining to me.

"Woooo~ ganda mo teh! Woot, woot~" may patakip-takip pa ng ilong si Leira tapos bubungisngis siya na nang-aasar.

Napahinga nalang ulit ako ng malalim. I got their attention dahil dun kaya naman pinandilatan ko sila ng mata. Nagkibit-balikat lang yung dalawang magkaklase habang yung kaklase ko namang lalaki at self-proclaim "boyfriend" ko daw. Ngi~, kinikilabutan ako when I say that. Ayun nga, ngumiti siyang parang aso. Tss.

Nawala lang yung tinginan namin ng mag sound yung bell, ibig-sabihin lunch break is over. Nagpaalam na agad yung dalawa, leaving me with this guy.

He held my hand. I got startled but I could not pull it because he suddenly pulled me palabas ng mystery club room at tinakbo namin ang papuntang room ng magkahawak pa rin ng kamay. I tried to pull my hand pero mahigpit ang hawak niya. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga nadadaanan naming mga students, especially the girls. May mga naka-smile at parang kinikilig sila, may iba naman na nakasimangot at nakatingin sa akin ng masama at meron naman mga dedma lang, aka the boys. Ayoko ng attention pero mukhang itong isang ito naman natutuwa siya, kasi he's smiling.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon