Chapter 19

10.7K 304 5
                                    

A/N: Guys! MC here!! *kaway-kaway* manggugulo lang ako. Actually, its more on 'reminders'.. hehe. Well, as a starter, there are possibly 2 chapters to go... BUT BEFORE YOU REACT, hear me out first. There are possibly 2 chapters BEFORE THE SEASON 2!! Yehey!! Pipilitin kong pagkasiyahin sa two chapters itong new case nila kaya asahan na medyo mahaba-haba ang bawat chapter starting from this chapter 19. So, yun lang naman. Sana basahin niyo pa rin ang story sa Season 2, kasi doon niyo masasagot yung mga possible questions ninyo. At tsaka yun yung parang Peak of the story. The climax? Ah basta yung main point ng story! (Hindi ako galit, I'm just explaining things. Don't misunderstand the '!' Point. OK? 👌) that's all! ^_^

Let's start the story?..

************************************************************************
Saturday, Kayla's House...

"Ahh. Ganun pala yun.."

"Oo nga eh. Akalain mo yun?"

"Oo nga. Ganun lang pala kadali gumawa ng batter para sa tempura. Hmmm! I will try to make that later! O di kaya bukas nalang, tutal wala naman pakialam si mama sa akin kung anong gawin ko sa kusina. Baka nga matuwa pa yun kasi makikita niyang nasa kusina ako eh. You know naman, I'm not skilled when it comes to cooking.."

My eyes automatically rolled at the flow of their conversation. Kaninang 8:00 am pa silang nandito sa bahay at quarter to eleven na ngayon. Nakapangalumbaba lang ako while listening to their nonsensical talk. Talagang nonsense naman talaga yan. Sino bang interesadong matuto gumawa ng batter? Yung totoo? Well, not me. I stood in front of them at naghintay lang ako hanggang sa mapansin nila ako.. and they did.

"Anong kailangan niyo? Bakit ang aga niyo akong binubulabog?" Kalmado pero madiin kong sabi. Mukha namang effective ang ginawa ko dahil natahimik sila. Pero panandalian lang pala yon.

"Kayla naman.. Tinatanong mo talaga?" -Mami

"Oo nga Kay(read as 'kai').. siyempre ang pinunta ko dito ay si papa Jerry my labs ko! Ihh!" Kinikilabutan ako sa kilos at mga sinasabi ni Berry pero hindi ko nalang pinahahalata. Tumikhim ako at tinignan sila sa mata. Walang emosyon. Parang yung usual na ako.. living dead me.

Natigil naman sila. Nakita ko pang napangiwi si Berry at tinignan ng masama si Mami na katabi niya. Nagbubulungan pa sila na akala mo hindi ko maririnig.

"Aray, masakit! Mamilyn!"

"Ang landi mo kasi eh! May pa-papa jerry, papa jerry ka pang nalalaman."

"Pake mo? Tsaka nagmana lang ako sa'yo ng kalandian, wag kang magmalinis!"

Tss. Like earlier, nananahimik lang ako sa harap nila. Nung napansin ata nilang napapalakas na yung away nila ay tsaka sila tumingin sa akin at nag peace sign. Aaarrggghh!! Gusto kong sabunutan ang buhok ko at ibaon ang ulo ko sa unan. Inaantok pa ako! Kaya ako ganito kasi inaantok pa ako!! Grrr..!

But even if I'm really mad and I really wanna strangle myself or sila nalang sa imagination ko, nanatili akong kalmado.

"Tapos na kayo?" I asked. Tumango naman silang pareho. I sighed

"Ngayon, itatanong ko ulit.. anong kailangan niyo at maaga kayong nambubulabog?"

Mukhang hindi naman nila alam kung sinong magsasalita sa kanila. Nagtuturuan pa nga sila kasi yung mga tinginan nilang masama eh. Hanggang sa humarap na sa akin si Mami. With a smile plastered on her face. I look at her.

"Uhmm.. Kayla. Please wag kang magagalit sa sasabihin ko ah? Promise mo muna." Ano naman kaya yun? Wala naman akong choice kundi sundin siya at nag-promise nga ako.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon