Chapter 20

9.9K 265 10
                                    

Nakaupo na kami pareho sa couch. Nananahimik lang kami, pero siya kumakain na ng food na inihatid pa ni Feli dito sa loob ng room. Parehas pa kaming nagulat kanina nung kumatok si Feli at parang nagising ang diwa ko sa katok na yun kaya humiwalay na ako sa pagkakayakap ng lalaking ito at pinilit kong ayusin ang expression ko.

I feel like smiling but I'm trying my best not to show it coz I don't want him to see me like that. It will only means that I like what we did earlier. Pero gusto ko naman---NO! Didn't say anything. Tss.

"Kayla, kumain ka na." He said. "Huwag mo nalang muna isipin ang sinabi ko kanina.. but that doesn't mean that I was joking either. I've really fallen and there's nothing I can do to stop this feeling.. Kaya wag mo sanang hilingin na tigilan kita. Anyway, hindi pa naman kita ganung ka-mahal. Nahuhulog pa lang ako... pero malapit na rin yon sa pagmamahal.. tsk, ang daldal ko."

Kahit na ang seryoso namin, lalo na ako, I still can't help but smiled.

Ako rin naman ganon eh. Katulad ng nararamdaman niya... nahuhulog na rin ata ako. Oo inaamin ko na. Parang ang hirap na rin kasi ng pagde-deny ng nararamdaman mo. Why not be true to myself? Sa sarili ko na nga lang hindi ko pa maamin?

Unconsciouly, napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin habang nakangiti.. napatingin naman ako sa sarili ko at ayon, kumakain na pala ako. Pati mga kilos ko hindi ko na alam? May sarili nga yata talagang utak ang katawan ko... nakakapanayo ng balahibo..

After we eat, nagsabi na rin siyang uuwi kaya ngayon naglalakad kami papuntang gate. Walang kibuan at walang kahit ano.. medyo nakakapanibago ang ganitong ugali niya pero naiintindihan ko naman kung bakit.

"Hey, hanggang dito na lang. O may balak ka pang ihatid ako sa bahay namin?" Sabi niya na may ngising mapang-asar. Nasa gate na pala kasi. Lutang nga ako ngayon..

"Tss." Narinig ko lang na natatawa siya kaya binigyan ko siya ng nakakatakot na tingin. Pero wala naman effect. Bakit pa nga ba? Siya lang naman ang lalaking siga at bully ng mga nerd.

Speaking of nerd.. bakit nga ba kasi siya galit sa mga nerd?

"Bakit ka nga ba galit sa mga... nerd?" Shit! Naitanong ko talaga? Tsk. Let it be. Naitanong ko na eh alangan naman bawiin ko pa? Hindi na naman pwede.

Natahimik naman siya bigla at parang napasimangot pa nga hanggang sa biglang lumungkot ang expression niya.. now I'm curious as to why is he like that.

Ilang minuto pa ang lumipas ng tahimik lang kami. Mukhang ayaw niyang sagutin.

"A-ayos lang k-kung ayaw mo s-sagutin.. umuwi ka na nga.. ingat ka." Tinulak ko siya ng marahan. Napatingin pa siya sa akin pero umiling lang ako na parang sinasabi kong ayos lang kahit di siya magsalita. Nung naglakad na siya palayo ay isinara ko na ang gate at nagdire-diretso ako sa garden.

I knew by his expression earlier that something happened. At hindi naman ako tanga para hindi malaman na may katulad kong nerd na nakapanakit sa kanya. Yun lang naman ang tanging sagot sa kung bakit siya galit sa mga nerd eh. Pero gusto ko rin sanang sabihin sa kanya kanina na porket nakasalamin ako at tahimik at mahilig sa libro hindi naman ibig sabihin na nerd ako eh.

Like I said before, hindi lahat ng nakasalamin ay nerd. Hindi ba pwedeng malabo lang paningin? Or fashion statement? Tss.. Saan nanggaling yung fashion statement na yon?

"Hija, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah.." Napalingon ako sa likuran kung saan ko narinig ang boses. Pero kahit hindi ako lumingon ay alam ko naman kung sino yun eh.

"Mr. Jerry.." I mumble. Umupo siya sa tabi ko at narinig kong bumuntong-hininga siya. Mukhang may pino-problema rin siya. Ano naman kaya yon?

"Ayos ka lang mr. Jerry?" Hindi ko maiwasan magtanong. He looks tired and restless.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon