Chapter 41 [Part 2]

4.4K 159 1
                                    

A/N : Part two guys! Then pakibasa ng Author's saying sa next update.

****

MAMI

WHAT IS HAPPENING IN THIS COUNTRY?!

Okay joke lang yon. Pero pwede ring tanong na totoo yan. Pero pass muna ako sa usapang country, hindi pa ako tanga para pahirapan ang sarili ko sa problema ng bansa na dapat gobyerno ang gumagawa. Pero aside from that, anong nangyayari kay Rodney? Why is he with that girl, again?! Tapos nakapulupot pa ang braso ng bruha and Rodney didn't mind at all?! Buti nalang talaga absent si Kayla.

Speaking of that woman, isa pa siyang nagpapasakit ng ulo ko(at nagpapa-worry sa akin). She's not answering any of my calls and texts. Even Berry and Kamil tried to call her pero wala ring nangyari. What is wrong ba talaga?

Parang ang saya-saya pa namin nung last na nagkita-kita, which is last week lang. Tapos ganito? Sana naman pumasok na si Kayla ngayon para matanong ko siya.

Napatingin ako sa pinto ng Mystery club na bumukas, inaasahan kong si Tatang ang papasok dahil inutusan ko siyang bumili ng lunch namin and he WILLINGLY obey, kahit na kunwari lang. Pero iba ang pumasok. Isang babaeng tuliro at parang gulong-gulo ang isip sa mga pangyayari sa buhay niya.

"Kayla! Thank goodness, pumasok ka na! What's wrong? Tinawagan ka namin kahapon kaso hindi mo naman sinasagot ang mga tawag namin.. we are worried na baka may sakit ka o di kaya may mystery na naman tayong kailangan i-solve. Anong nangyari sayo? At bakit para kang wala sa sarili? Alam mo parehas pa kayo ni Rodney na isang gago! Nakikipaglandian ba siya sa ibang babae dahil nag-away kayo?"

Nung sinabi ko yung 'Rodney' doon lang siya nag flinched, na parang nawala na siya sa dead air moment niya at nagising na siya sa katotohanan.... katotohanan na ang magaling niyang manliligaw slash kung manliligaw pa rin ba ay kasama ang dati nitong GF at dikit na dikit sila sa isa't-isa. Wait.. di kaya ang problema nito ay dahil doon?

"Oh my gee!! Nakita mo ba si Rodney kasama ang Ex niyang si Laira?! Kayla, swear magpapaliwanag si Rodney about it, don't jump into conclusions yet ah? May tiwala ako sa best friend ko." Sansala ko agad kahit wala pa man siyang sinasabi.

She looked at me without emotions.. parang nangingilid yung luha niya kanina tapos biglang nawalan ito ng buhay... parang..

Yung dating Kayla.

"He's with his ex-girlfriend? Yung ex ba na yan.... yung ex na mahal na mahal niya? Yung hinintay niya for two years? Bumalik ba ulit?" Habang sinasabi niya yon tumutulo yung luha niya pero wala pa rin akong makitang emosyon sa mata niya.

Naagaw ang atensyon ko sa kanya nung biglang bumukas ang pinto at pumasok si Berry at Kamil, na halatang tumakbo pa. Nilapitan kami ni Berry and there's panic in her eyes. "Mami, Kayla, si.. si Thomas saka si Rodney, nag-susuntukan sa labas.. "

Napaawang ang bibig ko at nagulat. "ANO!?" Sigaw ko. "B-bakit sila nagsusuntukan?!" Lumabas na kami ng head quarters namin at patakbong pumunta sa kung saan nagaganap daw ang suntukan. Si Kamil kasama ni Kayla sa likuran namin.

"Si Rodney kasi.. kahalikan niya si L-laira.. Nagdilim din ang paningin ko pero napigilan ko pa ang sarili kong sugurin silang dalawa at suntukin kaso si Tatang mo mainit eh." Paliwanag ni Berry. Natigilan ako pero tumatakbo pa rin. "Seriously, what's wrong with Rodney? At kaya ba ganyan si Kayla.. dahil alam na niya?"

"Sa tingin ko iba ang problema ni Kayla bago pa kayo dumating. Pero alam kong dadagdag ito sa problema niya at swear!! Malalagutan sa akin itong Rodney na hinayupak na 'to!"

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon