Chapter 4 - Fingerstyle

Start from the beginning
                                        

"Parang ngayon ko nga lang siya nakita dito sa West right?" Oo nga parang bagong lipat ata siya sa lugar na to. Buti napansin mo Marrian :) .


"Uwi na tayo, malapit na mag 7 pm." Anyaya ni Fletch. Okay uuwi na kami, inihatid ako ni Fletch samin gamit ang scooter niya. Ako lang naman kasi ang pinaka malayo samin, malapit sa Hill Top eh.


"Bye Chloe! Bukas ulit :)" Paalam ni Fletch tapos umalis na siya.


Hay! Hinihintay na ata ako nila Mama, hapunan na kami ng ganitong oras eh.Pagpasok ko sa bahay...




O___O


ATE CLAIRE!!!! OMG! Nakauwi na siya :D. "Chloe! Kanina pa kita hinihintay!" Sigaw niya habang niyayakap ako. "Ba't napaaga uwi mo?" Tanong ko. "Napaaga, kasi yung nagaalaga sa tinuturuan ko eh pinatigil na ako, basta madami siyang paliwanag pero ang laki ng binigay niya saking pera." Woah ayos yun ah! Sobra kong namiss tong ate ko :D.

"Pano ba yan! May beef steak na sa hapag kainan!" Sigaw ni papa kaya pumunta na kami sa dining room at kumain. Yum! Sarap talaga magluto ni mama kahit pagod na sa trabaho.



Grabe busog na busog ako :3 . After non, nag hugas muna ako then humiga na sa higaan ko. Salamat may hihiga na din sa taas! Double deck kasi. :) magkasama kami ni ate sa iisang kwarto. At ngayon? Kwentuhan kami.


"Kwento ka naman ate oh!" Sabi ko. Ayun madami siyang kinukwento about sa pagtuturo niya. "Yung studyante ko, mabait, tapos pogi at matalino pa. Music lover din. Sana makilala mo." Sabi niya sakin. Naku eh taga south yun eh. Hopeless.


"Lumipat siya dito sa West Village pero diko alam kung saan dito." Ows? Waaaah! Sana makilala ko :D . Music Lover daw eh. Hay kung tatanungin nyo ko about sa LoveLife ko? May ex suitor ako ayaw ko sa kanya eh -_- . Gusto ko music lover din. Choosy pero yun ang gusto ko eh. Hay makatulog na nga. ^^


•••



(Jazz' POV)

After two days na pagto-tour, talagang napagod ako. Ang lawak ng Village na to. Sabi sakin ni Kuya Axl, may di pa daw ako napupuntahan. Yung part ng Hill Top. Natatamad nako kaya next time na lang. Maghahanda na din ako para sa school. Next week na kasi ang pasukan dito at natour na din ako ni Axl sa magiging school ko. Mag aadvance review na lang. Pero gusto kong bumalik sa Cafe. 2 days since First time ko pumunta don at nakilala si Chloe. Wala namiss ko yung kape don at yung girl band. Hindi naman sila aalis, sabi nga ni kuya Axl everynight daw sila nandon. Siguro bukas na lang ako pupunta.

Now? Nandito sa bahay ko si Kuya Axl. Tinuturuan ako ng basic sa guitar kahit alam ko na, baka medyo bumilis ang kamay ko eh.

Wait magsisimula ako ng conversation dito...

"San nakuha ang name mo?" Sinulat ko at pinakita kay kuya Axl. Napatigil siya sa pag strum.

"Sinabi sakin ni tito na siya ang nagrequest ng pangalan kong to sa parents ko Jazz. Because of Axl Rose. Favorite daw yun ni tito eh. Rock talaga hehe." Agree lang ako. Ayos huh?! Music lover din ang mga relatives niya. Dami niya nang kinukwento sakin about sa sa buhay at family niya.

Guess what? May gf pala siya ngayon at nakatira sa City. Twice a week siya bumibisita sa gf niya. Mahirap talaga pag Long Distance.



"Pero Jazz? May crush ka ba kay Chloe?" Hay! Kahit kailan na lang. Kahapon at nong isang araw pa tinatanong na niya sakin yan di ko lang sinasagot. Ang kulit eh. Sinamaan ko na lang ng tingin.

Ayun buti at tumahimik naman. Back to guitar practice ako. Bigla akong may naalala at napapikit ako... [Yung buhay ko sa South. Sa mansion ni lolo. Tinuturuan ako ng teacher ko.] At yun biglang napamulat na lang ako...


O____O


Bakit ganyan ang itsura ni kuya Axl?


"Pano m-mo n-nagawa yun J-azz?" Huh? Pareho na kaming kinilabutan ni Kuya Axl. Di ko din alam kung ano yung ginawa ko. Pumikit lang naman ako kasi may naalala ako.

"A-akala ko ba di ka masyadong marunong sa guitar. Bro! Fingerstyle yung ginagawa mo! :D" Ano daw? Tinapik niya ako sa braso at umalis na siya, bigla kasing nagring yung phone niya.

Ano ba yun? Wala man lang akong alam sa nagawa ko. Ayun after ng call kay Axl nagpaalam na siya na uuwi na siya. Itinaas ko na lang yung dalawang kilay ko, pahirapan pa kasi kung isusulat ko pa sa notepad ko eh nagmamadali siya.

Inikom ko na yung guitar at sheets ko. Umupo naman ako sa sofa para magpahinga sabay hawak ko sa phone. Inorientate nako ni kuya Axl about sa internet dito haha luckily, nakaconnect nako.


"FINGERSTYLE ang ginagawa mo!" Yes Fingerstyle. Ano ba yun? Search ko nga sa google :) youtube na din para detailed haha



O___O

When My Strings SingWhere stories live. Discover now