Kabanata 49

36.8K 686 49
                                    

Note: posted na po ang story ni Troy. Same Mistakes.

--

"Mama!" Halos matumba na ako sa kinatatayuan ko nang yakapin rin ako ng dalawang anak ko. Sabay-sabay nila akong niyayakap ngayon.

"H-Hindi na ako makahinga boys." Sabi ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa naman ng tatlo sa tabi ko at saka ako pinakawalan.

"Sorry.." Ani Zach na ngayon ay nakatingin sa dalawang anak niya.

"Kanina ka pa?" Tanong ko.

Umiling ito. "H-Hindi, kadarating ko lang." Aniya kahit na alam kong hindi naman niya sinasabi ang totoo. Nahihiya sigurong aminin na kanina pa niya kami inaabangan.

"Pasok ka?" Tanong ko.

Napatawa naman ako nang makita kong kamot-kamot niya ang ulo niya. "K-Kung pwede sana?"

"Oo naman.." Ngiti ko.

Wala pang ilang segundo ay kalong-kalong na niya ang dalawang anak niya.

"Mama! Si Papa, kaya kami mabuhat ng sabay ni kuya oh! Ikaw hindi." Ani Travis habang tuwang-tuwa na nasa ere.

"Papa! Dito ka ba matutulog?" Tanong naman ni Troy.

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko silang tatlo na masayang-masaya. Kahit na dis-oras na ng gabi, buhay na buhay pa rin ang dalawang anak ko pati na rin si Zach.

Magaala-una na ng madaling araw at ngayon ay masiglang-masiglang naglalaro ang tatlo kaya ako ay umawat na. Anong oras na rin kasi.

"Troy, tulog na kayo ni Kuya, anong oras na oh?"

Tumango naman ang dalawang anak ko at bago pumanhik sa itaas ay hinalikan ang pisngi ko.

"Good night Mama!"

Ngumiti ako at niyakap muli ang dalawa. "Good night, baby."

Bago sila umakyat ay ibinaling nila ang paningin nila kay Zach.

"Good night, Papa!" Chorus na sabi ng dalawa sa Papa nila.

Umakyat na ang dalawang anak ko at ngayon ay kami nalang dalawa ni Zach rito. Binalot ng nakakabinging katahimikan ang lugar, at tanging hangin na nagmumula sa electricfan ang naririnig naming dalawa.

"L-Liz.."

Itinaas ko ang paningin ko sa kanya. Hindi ko namalayan na naririto na pala siya sa tapat ko at hawak-hawak na ang dalawang kamay ko.

"T-Thank you.."

Pagak naman akong napatawa. "Thank you nanaman?" Natatawang tanong ko rito.

Umiling-iling naman ito nagulat ako nang itinaas niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan ako.

"Sorry.." Aniya habang paulit-ulit na hinahalikan ang kamay ko. Pagkatapos ay mataman niya akong tinignan, "Kung pwede lang na araw-araw kong pagbayaran ang mga kasalanan ko sa'yo."

Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti. "Aysus! Ikaw Zach ah.." Ngiti ko.

Mas lalo akong napatawa nang mapansin kong namumula-mula na ang pisngi patungo sa may bandang tainga niya, kumamot siya sa ulo niya bago sumagot. "Seryoso ako."

"Seryoso rin kaya ako.."

After almost seven years. Here we go again.

Marahil, matagal na nga talaga ang halos pitong taon na iyon at ang magpatawad ang isa sa mga bagay na gagawin ko ngayon.

"L-Liz." Iniangat ko ang kilay ko at tumingin muli sa kanya.

"What is it?"

"L-Let me hug you. Gusto kong maranasan na mayakap ka ulit, na naririto ka ulit. Gusto kong mapatunayan ang sarili kong totoo ang nararamdaman ko sa'yo. Gusto kong tumuloy ka na talaga sa buhay ko.." Sabi niya habang yakap-yakap ako.

Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak. "I'm so proud of you. Napalaki mo ang anak natin ng maayos. I'm so proud of you, kung sana ay nasa tabi mo ako habang naglilihi ka, habang nanganganak ka o kahit ano pa man."

Hinarap niya ang mukha ko sa kanya at nakita ko ring basa na nang luha si Zach. "H'wag ka na iiyak okay? Sana ito na ang huling beses na iiyak ka dahil sa akin." Sabi niya habang pinupunasan niya ang luha ko.

"N-Naiintindihan kita, i know the whole story Zach,"

Kumunot ng bahagya ang noo niya, "Who told you?"

"M-Magagalit ka ba kung sinabi ng Mommy mo sa akin?"

"Hindi. Ofcourse, hindi ako magagalit sa'yo. Kahit kailan naman hindi ako nagagalit sa'yo. Eto lang talagang nasa ibaba ko ang galit na galit na." Halakhak niya.

Loko-loko talaga kaya habang pinupunasan ko ang luha ko ay mahinang nabatukan ko pa ang isang ito,

"Ikaw, Zach. Hindi ka talaga nagbabago!"

Humalakhak naman ito kasabay ko at muli niya akong niyakap. "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon, Liz." Aniya at sa sandaling iyon ay naglapat na ang aming mga labi.

After a seven years, this is it. Sigurado ako na wala na akong pagsisisihan pa,

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay muli siyang nagsalita. "Hayaan mong itama ko ang lahat nang maling nagawa ko. Kahit anong parusa kaya kong tanggapin."

Suminol naman ang nakakalokong ngiti sa akin. "Kahit ano?"

Tumango ito at itinaas ang kaliwang kamay niya. "Promise, kahit ano."

Mas lalo naman akong napatawa kaya kunot noo niya akong tinignan. "Promise, ito na oh, naka-hand sign na ako." Aniya habang ang kaliwang kamay niya ay taas-taas pa rin niya hanggang ngayon.

Kinuha ko ang kanan niyang kamay at itinaas ito. "Ayan, pwede ka na mag-promise."

"Uhh, bakit? Mali ba ako?"

Tumango ako at tumawa muli. "May nangangako bang kaliwang kamay ang gamit?"

Ngumuso naman ito. "Inaasar mo yata ako."

"Hindi ah!" Pagpapatotoo ko. Kumunot ang noo ko nang mapansin akong kakkaiba mula sa kanya. "Okay ka lang?"

Tumango ito at masayang ngumiti. "Liz, Mahal na mahal pa rin kita." Aniya at ang seryosong mga mata ay tuumingin sa akin.

"Mahal din kita."

Pagkasabi ko 'non ay biglang lumabas ang mga luha niyang nagpapaunahang bumagsak. Itinaas niya ang paningin niya sa kisame na tila ba may pinipigilan 'ron. "Words can't explain, how much I love you. I love you so much, baby." And we kissed again.

"Zach?" Tanong ko nang mapansin kong hirap na pinakawalan niya ang labi ko. "You okay?"

Tumango ito at marahang hinaplos ang mukha ko. "Yes, baby. I love you so much."

"I love you---Zach!!" Napasigaw ako nang makita kong bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay.

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Where stories live. Discover now