Kabanata 32

28.8K 542 40
                                    

Naging maayos naman ang takbo ng relasyon namin ni Zach. Katunayan nga ay mahigit isang linggo na ang nakalipas nang bumisita kami sa bahay ng magulang ni Zach.

Wednesday ngayon ng umaga at kahit na-late ng mahigit dalawang oras si Zach sa trabaho niya ay pumasok pa rin siya. As usual, binilinan na naman niya ako ng mga kung ano-ano bago siya umalis. Sinabi ko rin sa kanya na aalis ako bandang tanghali para magliwaliw lang muna sa mall, Pumayag naman siya, gusto pa nga niya akong samahan pero sabi ko ay 'wag na, mabuti na lang at hindi na rin siya nagpumilit pa.

Hindi rin maalis ang ngiti ko dahil sa ka-sweetan na ipinaparamdam sa akin ni Zach. Patagal kasi kami ng patagal ay lansin ko ang pagiging sweet niya.

Inubos ko rin ang oras ko sa paglilinis ng bahay, pagpatak ng alas-dose ng tanghali ay i-tinext ko si Zach na kumain na siya. Mayamaya ay tumawag siya kaya sinagot ko rin naman.

"Kakakain ko lang.." Bungad niya.

"Mukhang tinatamad ka? Okay ka lang?" Tanong ko rito.

"Gusto ko kasing sumama sa'yo kaso may meeting ako mamaya-maya.."

"Sabi ko naman kasi sa'yo, okay lang ako mag-isa. H'wag ka mag-alala iingatan ko naman sarili ko."

"Okay. Text mo ako lagi ah? Kapag may problema sabihin mo agad sa akin.."

Napatango naman ako kahit na hindi niya ako nakikita. "Opo, Tatay!" Natatawang sambit ko.

"Lizette naman, h'wag mo naman akong asarin." Sa tingin ko'y bwisit na sabi niya mula sa kabilang linya.

"Hindi naman kita inaasar.."

Marami pa kaming napag-kwentuhan hanggang sa magpaalam na siya dahil may meeting siyang pupuntahan. Ako naman ay paalis na rin ang bahay. Sinigurado ko lang na malinis at naka-lock ang pinto bago ako umalis.

Pagdating ko sa mall, sumalubong sa akin ang napakaraming tao. Mainit kasi ang panahon ngayon kaya sa tingin ko ay dito nagpapalipas ang karamihan.

May dala akong mahigit isang-libo. Iniwan ko kasi ang mga pera ko dahil ayokong gumastos ng malaki. Naisipan ko na lang na magliwaliw at mag-ikot-ikot na lamang.

Halos naikot ko na nga ang mall at napagdesisyunan ko na mamili na lamang ng mga supplies sa supermarket. Mamimili lang ako ng mga de-latang ulam para sa amin ni Zach. Kumuha rin ako ng maraming choco-choco dahil favourite ni Zach 'yon.

Habang namimili ay narinig ko ang pagtunog ng cell phone ko. Nagtext pala si Zach.

kAkATap0s lHanG ng miTIng, wEr na U? :)

Napangiti naman ako habang binabasa ko ang text niya kaya nang mabasa ko ay agad rin akong nagtipa.

e, dI mAbUti! :D nAnDtO nA aq. mAy biNibiLi lng! :)

Nag-nagtext pa si Zach pero hindi ko na muna ni-replyan dahil busy ako sa pamimili. Nakamahigit limang daan din ako pero okay na naman 'yon dahil mapapakinabangan naman namin ang nabili ko.

"Lizette?" Nabigla ako at halos mapatalon nang may tumawag mula sa likod ko.

Nang lingunin ko kung sino 'yon ay agad na nanlaki ang mata ko. "Jacob!"

Lumapit pa si Jacob sa akin, may kalong-kalong itong bata na sa tingin ko ay anak niya. "Anak mo?"

Tumango ito. "Kamusta ka?"

"Ayos lang ako, eto namimili nga ako eh, ikaw? Yung asawa mo nasaan?"

"Nasa may meat section, nakita kita kaya hinabol kita eh.." Aniya

Ngimiti ako. "Sige n! Babayaran ko na ang mg ito.." Sabi ko. "Hi baby.." Tawag ko pa sa maaliit na batang lalaking kalong-kalong niya.

"Ingat ka ah!"

Masaya naman ako para kay Jacob. Mabuti nga at naisipan na niyang tigilan ang panliligaw sa akin dahil auokong makasira ng pamilya. Ang akala ko nga ay nadistino siya sa malayong lugar, nakabalik na siguro dito sa maynila.

Matapos kong mamili ay inilabas ko rin agad ang cellphone ko. Hindi ko naman akalaing aabot sa 20 messages ang texts niya. Hindi ko na iisa-isahin pa dahil masakit lang sa ulo ang text niya.

pAuWi nA p0e! :)

Hindi naman siya nagreply sa text ko. Siguro nga'y nagtampo ang loko. Natutuwa naman ako, charing

Mabilis rin naman akong nakauwi sa bahay, pero wala pa si Zach. Maaga pa naman kasi alas-tres pa lamang ng hapon at mamaya pang ala-singko ang uwi niya. I-tinext ko ulit si Zach pero hindi na nagreply, busy siguro.

Pero nakalipas ang halos dalawa hanggang sa mag-tatlong oras ay hindi pa rin umuuwi si Zach, kaya sobra-sobra na ang pag-aalala ko. Ala-sais na ng gabi at ngayon ay wala pa rin si Zach, kaya naisipan kong magpaload muli sa tindahan para naman makatawag ako. Unli text lang kasi ang promo ko ngayon.

Nag-aalala kong pinindot ang call. Ilang ring pa nga nang sinagot na rin niya ang tawag pero nabigla ako nang hindi pala siya ang sumagot sa tawag. "Sino 'to?" Tanong ng kabilang linya. Tila ba huminto ang paligid ko sa babaeng nagsalita mula sa kabilang linya.

"Hello, sino 'to?" Tanong muli ng babae sa kabilang linya. Saglit ko pang tinignan ang number na tinawagan ko pero sure na sure nga akong kay Zach ang number na ito.

"Tine, sino 'yan?" Tuluyan nang nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Zach. Siguradong-sigurado ako na siya nga 'yon.

"Wrong call yata? Hindi naka-save eh,"

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Where stories live. Discover now