Kabanata 39

31.3K 693 121
                                    


Nang iangat niya ang tingin niya sa akin ay napaawang ang labi niya, "Liz.."

Pitong taon. Halos pitong taon na ang nakalipas simula nag marinig ko ang linya n'yang iyan. Mariin akong napapikit at muling ibinaling ang tingin sa kapeng hawak-hawak ko at pinakiramdaman ang sarili ko at ngayon, masisiguradong kong kinalimutan ko na talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. "Liz, kilala mo siya?" Napatingin ako kay Dok.Alvin na ngayon ay iniinom na ang kape niya.

Tumango-tango ako. "Schoolmate ko ho siya, dok.." Sabi ko rito, nang tignan ko ang kinaroroonan ni Zach na kanina ay nasa harapan namin ay wala na ito. Nakita ko soya na nagbibigay ng serbisyo saniba pang costumer sa café na ito.

Sa loob ng halos na pitong taon ay wala akong ibang naisip kung hindi ang aking mga anak. Kung paano ko ito mapapalaki ng maayos at kung paano nila makakamit ang magandang buhay. Sa loob ng halos pitong taon na iyon ay hindi na rin nasagi sa ang kanilang ama. bagamat minsan, naiisip ko pa rin naman kung ano na kaya ang lagay ng ama ng mga anak ko ay hindi na rin sumagi sa isip ko kung ano na ang lagay ng estado ng kanyang buhay.

Wala akong kaide-ideya kung bakit naging crew na lamang siya ng café na ito. Labas na rin Ko 'ron at wala na rin akong pakialam 'ron. "Liz, sa wash room lang ako saglit.." Ani Dok. Alvin at tumayo na.

Kasalukuyan ako ngayong nag-iisa sa pwesto namin ni Dok. Iniinom ko rin ng paunyi-unti ang kapeng hawak-hawak ko nang maramdaman ko na may nakatayo pala sa harap ko. Itinaas ko ang paningin ko sa kanya at kita ko ang saya bagamat may lungkot rin sa mga mata nito. "G-good morning.." Bati ni Zach habang may hawak-hawak na tray.

Ngumiti ako. "Good Morning.." Sabi ko, sa itsura niyang nakikita ko ngayon ay batid kong lumaki nga ang katawan niya, mas nag-form ito kumpara sa noon, medyo long hair na rin siya at hindi na iyo katulad ng buhok niya noon.

Napakamot ng ulo si Zach habang napapatungo. "Uhh," batid ko na sa lagay niyang ganiyan ay tila ba siya nahihiya na sa harap ko. "N-nurse ka na pala ngayon? A-ayos pala ah?" Ngiting sambit nito. Saglit na napakunot ang noo ko nang makita kong may namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata pero pihado akong pinipigilan niya iyon.

Tumango ako.

Tumalikod si Zach at may kung anong ipinunas sa kanyang mukha, pagharap niya sa akin ay nakangiti siya bagamat hindi naman masaya ang mga mata nito. May pinagdadaanan ba ito sa buhay? "K-kamusta pala?"

Kibit-balikat ako. "Mabuti. Kamusta ka?" Balik na tanong ko sa kanya.

Itinuro niya ang i.d na nakasabit sa polo shirt niya. "Ito, crew ako.."

Kahit na wala akong ideya kung bakit naging crew na lamang siya sa café na ito ay hindi ko na magawang magtanong pa. Dumating na rin kasi si Dok. Alvin.

"Liz, may naisip na akong ireregalo sa mga anak mo.."

Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang sinabi ni Dok. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa lalaking nasa harapan namin ngayon at may kung anong emosyon akong nakita 'ron. Hindi ko alam. "Kahit naman ano, pwede mong ibigay.." Sabi ko kay Dok.

Ubos na rin naman ang kape naming dalawa ni Dok, kaya napagdesisyunan namin na bumalik na lamang sa hospital. Bago pa lamang ako makalabas sa café ay kita ko ang busy na si Zach. Marami kasing costumer sa café na ito.

Pagkarating namin sa hospital ay balik-trabaho na rin naman ako, hindi naman ganoong karami ang pasyente ngayon sa hospital na pinapasukan ko kaya medyo maluwag ang aking trabaho. Pabalik-balik lamang ako sa mga kwartong may pasyente at binibigyang update ang pamilya tungkol sa kalagayan ng isang pasyente.

Sa gitna ng aking pagtatrabaho ay hindi ko mapigilang hindi mapaisip. Kung bakit naging crew na lamang si Zach, Ang alam ko kasi ay CEO siya ng kompanya ng pamilya niya. Hindi ko lang alam kung bakit naging crew na lamang ito ngayon. Bakit hindi niya kaya gamitin ang pagiging engineer niya para makapag-apply ng iba pang mas magandang mga trabaho?

Ano na rin kayang nangyari sa kanila ni Christine? Sila pa rin ba kaya?

Mariin akong napapikit ng mata sa mga naiisip ko. Ilalabas ko na sana ang cell phone ko mula sa bulsa ng uniform ko nang wala naman akong makapang cell phone dito. Mabilis na bumili ang tibok ng puso ko. Saan ko ba nailagay?

Bumalik ako sa opisina namin sa 2nd floor pero wala naman doon, hindi ko naman magawang magtanong kay Dok. Alvin dahil nasa operating room siya ngayon. "Nurse, Liz! May naghahanap sa'yo sa waiting area!" Napako ang tingin ko kay Nurse. Thalia. Tumango ako at pumunta sa waiting area.

Pagtungo ko sa waiting area ay wala naman akong nakitang kakilala. Babalik sana akong opisina nang may magsalita sa tabi ko. "Uhh, naiwan mo.." Mabilis na nanlaki ang mata ko nang bumulaga sa akin si Zach na ngayon ay nasa harapan ko at inaabot sa akin ang cellphone ko.

Kinuha ko ang aking cellphone. "Salamat.."

Hindi man lang niya ako magawaran ng isang sulyap. Nananatili kasi itong nakatungo at tila ba nahihiya pa sa akin. "May mga anak ka na pala.."

Napatigil ako. Pihado kasing narinig ni Zach ang pinag-uusapan namin ni Dok. Alvin kanina, at sigurado akong nakita rin niya ang lock screen ko na may picture ni Travis at ni Troy na may nakaharang na unan sa kalahati ng kanilang mukha. "M-masaya ka na pala sa pamilya mo ngayon.."

Nananatiling tikom ang aking bibig. Hindi ako makasagot at tila ba napipipe ako at hindi ko maipaliwanag kung bakit. Tumatango-tango si Zach habang may pinupunasan na kung ano sa mga mata niya, nananatili kasi siyang nakatungo sa harap ko.

Napapikit ako at napatingin sa itaas. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. "N-Nahuli na pala talaga ako.." Kibit-balikat ito at itinaas na ang tingin sa akin. "M-Matagal na ang pitong taon, kaya hindi ako magtataka kung may pamilya ka na ngayon.."

Umiling naman ako. "W-wala akong asawa.."

Batid ko ang gulat sa kanyang mukha. "Gusto mong sumama?" Tanong ko rito.

Muling tumungo si Zach. Batid ko na talagang nahihiya siya sa akin kahit sa paglipas ng ilang mga taon. Pagak naman akong napatawa. "H'wag ka na mahiya.."

Tumango naman si Zach at hinarap ang tingin sa akin. "P-pasensya na.."

Lumunok ako bago magsalita. "Gusto mo ba akong samahan? Susunduin ko ang mga anak ko.."

Ito na siguro ang tamang panahon para makilala niya ang mga anak niya.

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Where stories live. Discover now