Kabanata 4

38.3K 977 54
                                    

Kagabi pa sumasama ang pakiramdam ko, hindi ko alam pero nang makauwi ako sa bahay galing trabaho ay sumama na ang pakiramdam ko, Ngayon ay kasalukuyan akong naglalakad papasok ng klase nang may magsalita malapit sa akin. "Hi Lizette.."

Nilingon ko si Zach at marahang tumango ako. "Diba may klase ka?" sabi ko, para ban gang nahihirapan pa akong magsalita, tuyo pa nga yata ang lalamunan ko.

Tumango si Zach at sumagot, "Yup, nakita kasi kita eh, papasok na sana ako.." napatawa ako, "Sige na, pumasok ka na.."

"Ba't parang mabait ka yata sa akin ngayon?" nagtatakhang tanong niya, "May sakit ka no?" tanong pa niya kaya umiling ako.

"Sige na, papasok na ako.." sabi ko at naglakad na, hindi ko na siya nilingon pa dahil gusto ko na talagang makaupo sa klase ko. Masakit din ang puson ko at dahil dumagdag pa ang mens ko ngayon.

Matagal na natapos ang klase at matagal din akong nagtiis sa nararamdaman ko. "Lizette? Uwian na, okay ka lang ba?" tanong sa akin ng isa kong kaklase, hindi ako nakatango, sa halip ay itinungo ko lang ang sarili ko sa mesa ng upuan. "Mainit ka Liz, kaya mo pa ba? Halika sa clinic.." Aniya, hindi ako makatayo, bukod sa masakit na nga ang ulo ko'y masakit pa ang puson ko, pakiramdam ko'y matatagusan pa ako ngayon. "Lizette.."

Para bang napatigil ako sa paghinga ko nang marinig ko ang boses ni Zach. "Kaya mo pa ba?" mahianng tanong niya, itinaas ko ang paningin ko at nang makita ko siya'y para bang umikot na talaga ang paningin ko. "Halika, dadalhin muna kita sa clinic.."

Hindi ko na namalayan na buhat-buhat na niya pala ako, hindi ko rin napapansin kung may mga taong nakikiusyoso sa amin dahil nakapikit na ako, "Ang init mo.. sabi ko na nga ba may sakit ka eh.."

"Tangina, basa pa yung likod mo, nagpapapawis ka talaga?" hindi ko na siya sinagot, masamang-masama kasi talaga ang pakiramdaman ko.

"ihiga mo siya sa kama, doon sa loob.." rinig kong utos sa kanya ng nurse. "Tinagusan ka pa, may napkin ka ba?" sabi niya bago niya ako ihigay ay ipinatong niya muna ang bimpo niya sa kamang hihigaan ko. Umiling ako bilang sagot.

"Teka, ano bang sasabihin ko sa tindahan? Napkin lang?" tanong pa niya at hindi na yata malaman ang gagawin.

Kung siguro ay wala akong sakit ay baka mapagtawanan ko pa 'tong isang 'to. "With wings kamo.." mahinang sabi ko, tumango naman siya at muling nagsalita. "Pupunasan ko muna likod mo, pawis na pawis ka, kukunin ko na rin yung extrang shirt ko sa sasakyan ko, suotin mo muna.."

Umalis na siya pagkatapos, muli akong pumikit at pinilit matulog pero hindi ko naman magawang makatulog dahil sapo-sapo ko ang uson ko, "Pain reliever eto oh.." kinuha ko ang pain reliever para kahit papaano'y mawala ang sakit.

Maya-maya rin ay dumating na si Zach, nakasampay sa balikat niya ang isang puting t-shirt habang hawak-hawak niya naman ang napkin. "Eto ba yung with wings?" itinaas niya ang napkin na hawak niya at nang makita ko ay tumango ako. "Sabi sa akin nung tindera, para daw mawala yung sakit dapat palang maanakan.."

Para bang nawala ang sakit na nararamdaman ko at kung siguro ay malakas lang ako'y nabatukan ko na ang isang 'to. "Tumahimik na nga diyan.."sabi ko, kinuha ko ang napkin pati na rin ang t-shirt.

"Alalayan na kita.." sabi niya, hindi na ako tumutol pa. "Pabuntis ka na kaya sa'akin para mawala na 'yang sakit na 'yan?"

E

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Where stories live. Discover now