Kabanata 8

38.6K 828 47
                                    

 "Hindi ko nga sabi type 'yon! Naman oh!" Sabi ni Zach habang inis na kakamot-kamot sa ulo niya. Kasalukuyan kasi kaming nasa dorm niya, dito na rin ako kumain dahi open naman ako dito at isa pa, siya na rin ang nag-aanyaya sa akin dito sa dorm niya.

"Sinasabi ko lang sa'yo! Kinukulit kaya ako ni Vanessa.." Sabi ko habang nilalagyan kong tubig ang baso ko. Noong isang araw pa akong kinukulit ni Vanessa, Ang akala kasi niya'y magkaclose na magkaclose kami ni Zach kaya ang akala niya malakas na malakas ako dito kay Zach. Ang gusto kasi ni Vanessa ay masolo si Zach mamayang gabi, eh ayaw naman nito ni Zach.

"Tsk, ayoko nga sabi, na-try ko na 'yon di naman ako nasarapan.." nanlaki ang mata ko at mabilis na nabatukan ko ang isang 'to. "Aray naman!"

"Ano ba naman kasi 'yang bibig mo, nakakaloka ka! Hindi ko naman tinatanong kung anong ginagawa n'yong bwisit ka!" sabi ko pa, humarap na ako sa t.v at hindi na siya pinansin.

"Mamaya may klase ka pa diba?" tanong naman nito.

Tumango naman ako bilang sagot, may laman kasi na pagkain ang bibig ko. "Anong oras tapos ng klase mo? May game ako mamaya eh.." sabi nito.

"Six pa tapos ng klase ko."

"Ba't six? Ba't parang ginagabi ka na ngayon? Eh di hindi ka na makakanuod sa game namin?" sunod na sunod na tanong pa nito.

"Oo, six nga diba, good luck na lang.."

"Sige, six din naman tapos ng game ko, dito ka nalang kaya matulog mamaya?" tanong pa nito kaya mabilis na umiling ako.

"May bahay ako, anong silbi ng bahay ko kung hindi ko naman uuwian.." Sabi ko pa, inilagay ko sa lababo ang hugasin niya para hugasan ito. "Sige, ako nalang kaya makitulog sa bahay mo? Okay lang kaya?" sabi pa nito kaya muli akong umiling.

"Ano ba Zach! Nakakaloka ka na, ang ganda-ganda ng dorm mo makikitulog ka lang sa bahay ko?" sabi ko habang hinuhugasan ang pinagkainan ko. kanina pa tapos kumain si Zach at isinabay ko na ang mga plato niya para hugasan ito. "Si Vanessa nalang ang kitain mo mamaya.." Sabi ko pa.

Hindi na naman niya ako inimik,hindi ko na rin siya naramdaman sa likod ko. mabuti naman at nanuod nalang siya ng telebisyon sa sala.

Matapos kong mahugasan ang mga pinagkainan ay inayos ko na ang sarili ko. "Papasok ka na?" tanong nito habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin ng kwarto niya.

Tumango ako. "Oo, isang oras lang naman ang break ko ngayon.." sabi ko, kinuha ko ang bag ko, pati na rin ang celllphone na naka-charge malapit sa t.v niya. "Sabay na ako.."

Hindi na namanako tumutol pa dito kay Zach, kaya ngayon ay magkasabay kaming naglalakd papunta sa eskwelahan. Malapit lang kasi ang dorm niya sa university. "Pasira nap ala sling bag mo?" tanong nito habang tinitignan niya ang bag na nasa balikat ko.

Tumango ako. "Pasira na 'to, paano nilandi mo nung isang araw, ayan pati zipper pasira na!" Sabi ko pa.

"Ako? hindi ah! di'ba hinawakan ko lang 'yan?" tanong pa nito, nagkibit-balikat na lamang ako.

Habang naglalakad papasok sa eskwelahan ay nakasalubong namin ang papalapit na grupo ng mga kababaihan kabilang na si Vanessa na todo ngiting papalapit kay Zach. "Hello Zach.." ngiti-ngiting sabi nito at ikinabit ang kanyang braso sa braso ni Zach.

Inis lamang na tinaboy ni Zach si Vanessa. "Hoy!" bulong ko sa kanya na siguradong napansin naman ni zach. Tumigil si Zach sa pagtataboy kay Vanessa. "Tuloy ba tayo mamaya?" tanong ni Vanessa kay Zach.."

Tumango naman si Zach. "Oo, mamaya na lang!" sabi ni Zach at nagpatuloy sa paglalakad habang hila-hila ako. Ako naman ay gulat sa sinabi niya. "Oh, akala ko ba hindi mo type si Vanessa?" tanong ko pa.

Nagulat ako nang hinarap ako ni Zach at seryosong nakatingin sa akin. "Ayaw mo naman akong pasamahin sa bahay mo, ano naman kasing gagawin ko sa dorm ko?" tanong nito kaya nabatukan ko.

"Hindi ba talaga makukumpleto ang buhay mo kapag walang babae? Nako Zach naloloka na talaga ako sa'yo.."

Nang makalapit na sa klase ay agad na akong nagpaalam. "Itetext kita mamaya ah?" sabi nito kaya tumango ako. "Sige, magtext ka, kaso wala naman akong load.

"Edi paloloadan kita.."

Wala naman akong magawa kung hindi ang tumango na lamang sa kakulitan nitong si Zach.

Mabilis na natapos ang klase, hindi ko naman kasi namalayan na ganung kabilis pala ang oras na lumipas, ngayon ay pauwi na ako. naghihintay ako na masasakyang bus para makauwi na. natanggap ko na rin ang load na ibinigay sa akin ni Zach at kanina pa siya text ng text.


PAnAl0 AkO sA gAmE,,,, SaYanG dI mO nKtA nA nAnALo kami :(


Napahawak nanaman ako sa ulo ko nang mabasa ko ang text niya, nagreply naman agad ako.


SgE mMaYa Ka Na mAgTeXcKsZ KaSi nAsA bUzZz nA aKo :)


Yup. Dalawa na kaming jejemon ngayon. Sinasakyan ko lang ang trip ng lokong si Zach. Sayang naman, napagkagwapo-gwapo eh jejemon naman.

Syempre. Inabot nanaman ako ng isa't kalahating oras para lang makauwi. Traffic nanaman kasi sa Osmeña Highway. Hindi ko na nga rin namalayan na marami ng missed calls si Zach sa akin pati na rin ang marami niyang text. Nang makita ko ang pangalan niya sa screen ay agad ko naman itong sinagot.

"Kanina pa 'ko tawag ng tawag.." Aniya habang mahina ang boses sa kabilang linya.

"Nakatulog ako sa biyahe.." sabi ko. inilapag ko pa ang bag na hawak ko sa mesa at umupo sa kama ko. "Ano? Nandyan na si Vanessa sa dorm mo?" sabiko.

"Yup..." Sagot nito. Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang kumirot ang puso ko. hindi ko alam.

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Where stories live. Discover now