Kabanata 18

31.6K 716 20
                                    

"Hindi ko alam.." Sagot ni Zach 'tsaka uminom ng alak na nasa harapan niya, nananatili lamang ang tingin ko sa kanya habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa kanang kamay ko.

"nung lunes lang siya nakabalik dito, hanep pre. Paganda ng paganda!" Sabi pa ng lalaking hindi ko naman killa. Muli akong nakatingin ngayon kay Zach na nakikinig lamang sa nagsasalita.

Hindi ako nakisali pa sa mga usapan nila. Nahihiya kasi ako at isa pa, kilala na nilang lahat ang isa't-isa samantalang ako, ngayon lang naman ako dinala ni Zach dito. Hindi ko rin maiwasang hindi maisip ang mga pinag-uusapan nila ngayon.

"Hanep sa laki ng boobs pre, nakakahinayang nga kung bakit mo pa iniwan eh.." Napatikom ako ng bibig sa sinabi ng nagsasalita. Ilang beses rin akong napalunok at hindi ko alam kung bakit may kirot ang aking dibdib ngayon.

Nananatili lamang akong nakaupo at walang magawang nakatingin lamang sa kanya, habang hindi naman niya pinapakawalan ang kamay ko. "Uhh nagugutom ka?" tanong nito, umiling naman ako bilang sagot.

"May problema ba?" tanong pa nito kaya muli akong umiling.

Hindi ko naman dapat pang gawan ng problema pa ang mga naririnig ko dahil ang alam ko ay matagal na silang tapos ni Louise, siguro naman past is past na nga para sa kanilang dalawa. "Gusto mo na umuwi?" mahinang tanong nito sa akin.

Tinignan ko siya. "Ikaw?" sabi ko.

Umiling naman ito 'tsaka ako inakbayan. "Mamaya-maya na, uubusin ko lang 'tong isang beer na 'to.." Saad niya, tumango na lamang ako at muling tinignan ang paligid.

"Lizette pala ang pangalan mo.." Naptingin ako sa nagsalitang babae sa harapan ko. hindi ko naman siya napansin kanina, siguro dahil nakapokus ako sa pakikinig sa usapan ni Zach pati na rin ng kaibigan nito.

Ngumiti naman ako sa babaeng kaharap ko. nakaakbay naman sa kanya ang lalaking kausap ni Zach ngayon. Siguro ay mag-boyfriend sila. Tumango ako sa kanya at 'tsaka ngumiti. "Andie.." Sabi niya at iniabot ang kamay niya sa akin. Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya.

Matagal-tagal na rin kaming nagk-kwentuhan ni Andie dahil busy naman sa pag-uusap ang mga lalaki. Nalaman ko rin na matagal nap ala silang magkakakilala. Boyfriend niya rin ang kausap ni Zach na si Lemuel. "talaga? Grabe, hindi naman ako niligawan ni Lemuel nang ganyan.." Sabi nito, kinwento ko kasi kung paano ako nililigawan ni Zach at kilig na kilig ang isang 'to.

Tumango ako. "Oo, hanggang ngayon nga, hindi ko pa maubos-ubos ang chocolate sa bahay, kadalasan naman siya na ang kumakain.." Sabi ko pa kaya tumawa na siya. Totoo naman kasi na hindi ko maubos ang chocolate na binili sa akin ni Zach, ang totoo nga nito ay si zach na ang kumakain ng mga chocolate na pinamili niya dahil hindi ko na naman makain pa sa dami.

Masaya kaming nagkekwentuhan ni Andie nang halikan ako sa pisngi ni Zach. Lumayo naman ako kaunti sa gulat. "Baby..." Mahinang sabi nito habang isinasandal ang ulo niya sa balikat ko.

Pinunasan ko naman ang pawis sa noo niya gamit ang kamay ko. "Lasing ka na? Tama na 'yan magpahinga ka muna.." Sabi ko rito, tumango naman siya at sumandal lamang sa balikat ko habang nakakulong ang palad niya sa mga palad ko. "Grabe girl! Kung hindi ko lang kayo kilala, mapagkakamalan ko na kayong mag-asawa!" Sabi ni Andie kaya napatawa naman ako.

Inirekomenda ni Andie na matulog na lang daw kami sa guest room nila dito. napag-alaman ko na dito pala nakatira si Andie, mayaman pala siya! Hindi na naman ako humindi pa sa kanya dahil hindi naman pwedeng magmaneho si Zach ngayon dahil sa kalasingan.

Tinulungan naman ako ni Lemuel dito kay Zach, siya ang nagdala sa guest room. Nagpasalamat naman ako pagkatapos 'non. Nang maihiga ko na nang maayos si Zach ay 'tsaka ko siya inis na sinapok sa braso niya. "Gumising kang bwisit ka!" Inis na sabi ko. naalimpungatan naman ito at papikit-pikit na tinignan ako.

"Sabi ko 'wag kang maglalasing para makauwi naman tayo ng maayos!" Sabi ko pa dala sa sobrang kainisan dito sa lalaking 'to. Sabi naman kasi niya hindi siya maglalasing pero eto't lasing na lasing siya.

"Uggh sakit ng ulo ko.." Sabi niya pagkatapos ay hinawakan ang ulo niya, umupo naman ako sa tabi niya at tinignan lamang siya. "Ayan! Ayan, ano masakit na masakit? Makulit ka kasi!" sabi ko kahit na ang totoo ay nag-aalala ako sa kanya.

Hindi naman niya ako pinansin, sa halip hawak-hawak niya lang ang ulo niya. "Ano kaya mo ba?" mahinang tanong ko rito. "Mahiga ka, pupunasan kita..." Sabi ko. kumuha naman ako ng bimpo at binasa ito ng kaunti, naabutan ko siyang nakahiga sa kama habang hawak-hawak ang ulo niya.

"Sa susunod na maglalasing ka, pwede bang sa dorm na lang? nakakahiya dito kila Andie.." sabi ko habang pinupunasan ko ang mukha niya, pina-tanggal ko rin ang damit niya para mapunasan ko ang katawan niya.

Tumango ito at hinawakan ang kamay ko. "Opo, sorry na po baby ko..."

Magkatabi kaming natulog ni Zach, at naalimpungatan na lamang ako nang maramdaman kong hinahalikan niya ang leeg ko. "Zach naman, umagang-umaga eh!" Sabi ko rito at umupo na mula sa pagkakahiga, tumawa-tawa lang naman siya. "Okay ka nab a?" tanong ko.

Tumango naman siya. "Opo, pero galit ka ba kasi naglasing ako?" balik na tanong naman niya, napasimangot naman ako.

"Oo, imbis na nasa dorm tayo ngayon.." Sabi ko.

"Kahit naman nasa dorm tayo ayaw mo pa ring mag sex tayo.." Saad nito kaya napamulagat ako.

"Ano ka ba naman Zach, umagang-umaga puro kamanyakan 'yang nasa bibig mo!"
Inis na sabi ko dito.

"Totoo naman ah! Kapag nga natutulog tayo hindi mo nararamdaman na tinitigasan ako, pinapalayo mo pa ako!" Sabi niya kaya sa gulat ay nabatukan ko na ang isang 'to.

"Aray naman baby naman oh!"

"Tumahimik kang gago ka, umagang-umaga ah!" Sabi ko at muntik pa akong mapatawa sa pagsimangot niya. "Ang panget mo, h'wag ka nang sumimangotndiyan!" Natatawa kong sabi. Nagulat naman ako nang bumalik na siya sa pagkakahig at tinalikuaran lamang ako.

Natatawa ko naman siyang tinignan. "Uy.."

Hindi niya ako inimik. "Zach.." tawag ko sabay tusok ng daliri ko sa tagiliran niya pero wala namang pekto. Napangiti tuloy ako, nakakatuwa at kinikilig kasi ako kapag nagtatampo siya.

"Baby.."

"Tsk.."

"Galit ka na niyan?" tanong ko rito habang pinipigilan ang pagtawa. Hindi niya ako inimik, sa halip ay nananatili lamang siyang nakatalikod sa akin. "Hinding hindi na kita papansinin kahit kailan kapag ipinagpatuloy mo pa 'yan sige..." sabi ko at pagkatapos 'non ay mabilis naman siyang humarap sa akin.

"Oh ayan na, ayan na!" bwisit na sabi nito, mas lalo naman akong napatawa. Nagulat naman ako nang hilahin niya ako, dahilan para mapahiga ako sa tabi niya. Napatitig ako sa mga mat niya at ktulad ko ay ganoon din siya. Tanging tunog ng aircon ang naririnig ko pati na rin ang hininga naming dalawa, hanggang sa sumibol ang nakakalokong ngiti niya. Mas lalo kong naramdaman ang pag-init ng katawan ko nang idikit niya ang labi niya sa labi ko.

Mabagal ang halik na 'yon at awatomatiko na yatang lumapat ang mga braso ko sa leeg niya. Tila ba hindi kamihinahabol ng panahon sa bagal ng mga paghalik niya. Naramdaman ko na ang tuloy-tulloy na pag-iinit sa katawan ko at aaminin ko nagugustuhan ko rin ito.

Unti-unti kong naramdaman ang paghaplos niya sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Mas lumalim pa ang halik niya at nararamdaman ko na nga ang dila niya sa loob ng bibig ko. Hindi naman ako propesyonal sa ganitong gawain pero kinakabahan ako, first time naman kasi ito. Mas lalong lumalalim ang halik niya at hindi ko naman mapigilang hindi banggitin ang pangalan niya. Hindi na rin namin namalayan na matagal kami sa ganoong sitwasyon at pareho kaming halos mawalan na ng hininga, pareho kaming hingal na hingal nang bumitaw kami sa aming paghahalikan pero nananatili lamang kaming nakatitig sa isa't-isa.

"Base two na ako, tangina ang sarap!" Sabi niya at nagulat ako nang pisilin niya ang kaliwang dibdib ko.

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon