Kabanata 10

36.3K 1K 34
                                    

"Isang libo 'yan..."sabi ni Ma'am Elaine pagkaabot ng perang hawak niya sa akin. Kasalukuyan kasi akong nandito sa opisina niya sa club kung saan ako nagtatrabaho. "Di'ba, nakuha mo na yung limang daan nung nakaraan?" tanong pa niya kaya tumango ako.

"Opo, Ma'am. Salamat.." Sabi ko, tumango naman si Ma'am Elaine at muling umupo sa upuan niya. Lumabas na rin ako ng pinto at nang iikot ko ang paningin ko'y nakita ko si Zach pati na rin ang grupo ng mga kaibigan niya sa isang mesa. Nakita ko ring may akbay-akbay itong isang babae sa kaliwa niya habang ngiti-ngiti lamang siyang binubulungan nito.

Napailing ako at nag-umpisa na sa trabaho ko. Lumapit ako sa ibang mesa at maayos naman ang pakikitungo nila sa akin. Maaga pa kasi ngayon at sigurado akong hindi pa naman lasing ang lahat ng nandito. "Lizette si Cedrick, tinatanong ka sa akin.."Sabi ni Myra nang makasalubong ko.

"Si Cedrick? Akala ko nangibang bansa na siya?" tanong ko pa. Nagkibit balikat naman si Myra.

Si Cedrick ay matagal nang nanliligaw sa akin. Bago pa nga yata ako makapasok sa trabahong ito ay nililigawanna ako ni Cedric, 'yun nga lang madalas kaming hindi nakakapagkita. Busy kasing tao si Cedrick lalo na ngayon na balita ko paalis na siya ng bansa.

Bagopa ako lumipat sa ibang table ay natanaw ko na si Cedrick na kumakaway malapit sa akin. Naglalakad ito papunta sa kinaroroonan ko. "Hi Liz.." Aniya. Napangiti ako nang makita ko ulit siya.

"Buti naman at nagpakita ka pa? Akala ko aalis ka na talaga.." Sabi ko habang inililista ang mga ino-order ng mga customer.

Tumawa naman ito sa tabi ko. May itsura itong si Cedrick, matangkad din ito at mabait. Matagal ko na kasing kilala itong si Cedrick kaya nakasisiguro akong mabait nga ang isang 'to. "Yup, Aalis na ako next week, dumaan nga talaga ako dito para sa'yo eh.." Aniya kaya napangiti na ako.

"Pasalubungan mo na lang ako pag-uwi mo ha!" saad ko habang tumatawang nakatingin sa kanya. Nagulat ako nang ilagay niya ang kamay niya sa balikat ko. Hindi na nga dapat na magulat ako dahil noon pa man ay inaakbayan niya ako kahit na hindi ko siya sinasagot. "Ano ba gusto mo?" Sabi nito habang akbay-akbay ako.

"Kahit ano naman, okay lang.." Sagot ko habang naiilang na tinitignan ang mukha niya, mukha namang napansin niya ito kaya agad niyang inilayo ang kamay niya sa balikat ko.

"Uhh Liz, hindi na ako magtatagal.." Aniya kaya tumango ako.

"Mag-iingat ka Ced, Pasalubong ko ha!"sabi ko pa t tinatapik-tapik ang balikat niya. Tumango lmang ito at nagulat ako nang halikan niya ang pisngi ko. "Sorry Liz, mamimiss lang kasi talaga kita.." Sabi niya pa.

Tumango naman ako at wala namang magawa pa. Ngumiti na lamang ako sa kanya at hinintay na ang pag-alis niya. Nang makaalis siya ay itinuloy ko na ang pagtatrabaho ko, hindi ko nga namalayan na nasa harap na ako ng table nina Zach. Hindi ko nga nakita si Aivan dahil siguro pinagbabawalan na siya ni Avy ngayon na mag-inom ng madalas.

Napunta ang paningin ko sa ngayon ay seryosong-seryoso na si Zach. Nawala na rin ang ngiti sa kanyang labi at halos hindi na pinapansin ang kaninang akbay-akbay niya na babae. "Oh Liz, Ikaw pala 'yan! Si Zach oh!" Sabi ng isang hindi ko kilalang kaibigan ni Zach.

Pilit ang ngiti ang ginawa ko kahit na naiilang ako, lalo na ngayon na parang badtrip na badtrip si Zach na nakatingin sa akin. Inilista ko ang mga inumin na gusto nila at nang matapos kong maglista ay nagpaalam na rin ako, pumunta ako saglit sa opisina para ayusin ang sarili.

Napahinga ako nang malalim nang maalala ko ang badtrip na mukha ni Zach, ano 'yon? Ayaw na niya akong makita kaya ganon?

Matapos kong mag-syos ng sarili sa opisina ay lumabas na rin ako. Tinignan ko ang paligid at ngayon ay napakaingay na. Napunta rin ang paningin ko sa grupo nila Zach. Pinaningkitan ko pa nga ng mata ang mesa nila nang makita kong wala si Zach.

Nagulat na lamang ako nang may humila sa kamay ko papunta sa banyo. Nanlalaki ang mga mata kong sumusunod lang sa kanya habang hila-hila niya ang kamay ko. Halos hindi ako makaimik at tila ako robot sa nakikita ko ngayon.

Hindi natutuwa ang mukha ni Zach at mukhang masamang-masama talaga ang timpla nito. Muntik na akong mapatalon nang malakas na ibagsak niya at pintuan ng banyo. Ipinasok niya kasi ako sa mga banyo ng lalaki.

Kinakabahan ko siyang tignan, bago pa ako makapagsalita ay sinuntok na niya ang pader dahilan para mas lalo akong kabahan. Naririnig ko rin ang mga malalakas na mura niya. Ngayon ay sigurado akong galit na gait si Zach. Hindi na ito ang kilala kong Zach na maloko, galit na galit ito at sa oras na kalabanin mo siya ay mukhang masasaktan ka lang.

Tumigil siya sa pagsuntok sa pader at hirap ako. hirap akong lumunok sa hindi malamang dahilan, siguro ay dala ng kaba kaya ako ganito. Tinignan ko ang mga kamay ni Zach at nanlumo ako nang makita kong may mga sugat dito. "Ano bang problema mo sa'kin?" Malakas ang boses niya, para ngang gusto kong lumayo pero hindi ko magawang makakawala lalo na ngayon na nakakulong ako sa mga kamay niya. Nakasandal kasi ang dalawang kamay niya sa pader.

Mabilis ang pagtibok ng puso ko at saglit na napapikit bago dahan-dahang umiling. "Tumingin ka sa'kin.." Sabi niya,, ngayon ay nasa mahinang boses na siya, siguro ay medyo kumakalma niya nang mapansin niyang kinakabahan na talaga ako.

"Sino yung lalaking 'yon?" tanong pa niya. Mabilis na naliwanagan ang utak ko. Si Cedrick? "gusto mo bang magselos ako?" tanong pa nito.

Mabilis na napatingin ako sa kanya at hinihintay ang mga susunod na sasabihin pa niya. "tangina nagseselos ako alam mo ba 'yon?!"

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon