Kabanata 26

29.7K 579 32
                                    


"Gising ka naba?" Naalimpungatan ako nang marinig kong may nagsalita malapit sa akin. Pagbukas pa lamang ng mata ko ay sumalubong ang mukha ni Zach na napakalapit sa akin, kaya naman mabilis na idinilat ko na ang mga mata ko ng tuluyan.

Papungas-pungas akong umupo mula sa pagkakahiga at tumabi naman sa akin si Zach na may nakasabit na tuwalya sa balikat niya.

"Antok ka pa?" Tanong pa niya kaya nang balingan ko siya ng tingin ay inis lamang ang reaksyon na ipinakita ko sa kanya.

"Antok na antok pa! Ginising mo lang ako, bwisit na 'to!"

Tumayo naman ito at natatawang tinignan ako. "Chill! Chill, Anong oras na kasi oh.." Saad niya at itinuro ang wall clock na nasa itaas malapit sa amin. Nang makita ko naman ang oras ay tumayo na ako. Mag aalasiyete na pala ng umaga at nahuli na naman ako ng gising.

Pumunta muna ako sa banyo para mag-hilamos at paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Zach na inihahanda na ang susuotin niya para mamaya. Monday pala ngayon at ito ang unang araw ni Zach sa pagpasok niya sa kompanya nila. "Good morning pala.." Sabi ko rito habang inihahanda ang lulutuin ko para ngayon. Pagbabaunin ko kasi ng kanin si Zach dahil kagabi pa niya sinasabi sa akin na gusto niya raw na magbagon ng luto ko.

"Good morning mahal ko.." Sabi niya at lumapit sa akin para magnakaw ng halik sa pisngi ko. Wala naman akong nagawa pa at nag-umpisa ng magluto ng adobo para sa kakainin niya mamaya. Hindi rin naman nagkulit si Zach na nanunuod lang sa akin habang nagluluto ako.

"Maligo ka na kaya? Hindi kaya, malate ka niyan?" tanong ko rito matapos kong tikman ang nililuto ko.

"Sige, pero pwede ko bang tikman?" tanong niya pa sa akin kaya ibinigay ko sa kanya ang sandok.

"Hindi, ikaw sana eh.." Aniya kaya sa umagang ito ay may paunang batok nanaman siyang natanggap mula sa akin.


"Aray, Joke lang naman eh!" Reklamo niya habang hawak-hawak ang ulo niya pagkatapos ay tumikim na sa luto ko. "Sarap!" Aniya.

Habang naliligo si Zach ay inihanda ko na ang babaunin niya para sa ngayon. Inilagay ko sa lunch box ang kanin at sa isang maliit na tupperware naman ang uulamin niya. Matapos 'yon ay kinuha ko ang nakahanger na long sleeve niya at saka ito pinlantsa.

Natatawa naman ako nang biglang may sumagi sa isip ko. Hindi kaya magmukha kaming mag-asawa neto?

Pagtapos kong mamalantsa ay sakto namang pagtapos ni Zach maligo. "Okay na yung pagkain mo, tapos naplantsa ko na 'yung damit mo.." sabi ko rito, tumango naman ito at ngumiti sa akin.

"Yes baby.."


Umupo muna ako sa maliit na sofa at binuksan ang t.v habang hinihintay si Zach na matapos sa pagbibihis. "uhh baby.." Napalingon ako nang marinig ko si Zach na magsalita sa likod ko, hawak niya ngayon ang tie niya at nang makuha ko ang nais niyang iparating ay lumapit na ako sa kanya para matulungan siya.

"Hindi ka talaga marunong?" tanong ko rito habang inaayos niya ang kurbata niya, umiling-iling naman ito habang seryoso lamang na tinitignan ang ginagawa ko sa kanya.

"Kita ko cleavage mo.." Aniya kaya nanlaki naman ang mata ko at nahampas ko pa sa braso ang isang 'to.

"Ano ba naman Zach, lahat nalang nakikita mo!" Inis na sabi ko sa kanya at nang matapos kong ayusin ang kurbata niya ay lumayo na ako. Nakita ko naman ang pagngisi niya sabay halik muli sa pisngi ko.

"Zach naman,"

"Bakit?" sabi niya na tila inaasar na ako. Nakita ko pa ang pagkagat niya sa ibabang labi niya kaya mas lalo akong nainis.

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Where stories live. Discover now