Kabanata 16

32.5K 722 13
                                    



#LovedYouFirstWP — official hashtag mga tsong para may ma-stalk naman ako. Hahahahahaha

———————

"Mag-iinom ako mamaya ah?" tanong nito sa akin pagkatapos ay mabilis na humalik sa labi ko. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. "Ano ba Zach!"

"Kiss lang pinagdadamot mo pa? Naman oh!" sabi niya at 'tsaka nagsuot na ng t-shirt niya. Ngayong araw ang graduation niya at maaga siyang aalis. "Sigurado ka bang hindi ka na sasama? Papakilala sana kita kila Mommy at Daddy eh.." Sabi nito.

Hindi naman sa natatakot ako sa mommy at daddy niya pero ayoko lang na sumama sa kanya. Napag-usapan na kasi namin ito noon pa. "Hihintayin naman kita dito eh, 'tsaka sabi mo mag-iinom ka?" sabi ko.

Tumango ito. "Oo, sumama ka na ah? Para may bantay ako.." Saad nito, muntik ko pang batukan ang loko. "Ginawa mo pa akong maid.."

Umiling ito at lumapit sa akin. "Hindi naman kita liligawan para maging maid lang, 'yung ganyan dapat pinapakasalan na!" Sabi nito at muli akong nagulat nang mabilis na humalik nanaman siya sa labi ko.

"Nakakaloka ka na Zach, tumigil ka nga!" Inis na sabi ko, ganyan kasi 'yan eh, hindi ko pa nga sinasagot ganyan na siya, mahilig siyang maglambing at mahilig rin siya sa kiss pati na rin sa yakap. Ewan ko ba rito.

Pinatigil na rin niya ako sa pagtatrabaho sa club, dahil ayaw niyang makitang nagtatarbaho na ako sa ganon, kapag naman tumututol ako nag-iinit ang ulo niya. Ayoko namang pag-awayan pa namin 'yon, may dahilan naman si Zach, ipagpatuloy ko nalang daw ang pag-aaral ko at siya naman ay magtatrabaho na sa sarili nilang kompanya.

Maganda ang tinapos nitong si zach. Engineer kaya siya, at habang nagr-review siya para sa board exams niya ay pwede na siyang magtrabaho sa sarili nilang kompanya. "Nakaka-addict talaga 'yang lips mo, pwede ba tayo ulit magkiss? Yung matagal-tagal naman!" sabi nito kaya nabatukan ko ulit ang loko.

"Alas nwebe na, nandito ka pa rin sa dorm mo, hindi ba't alas diyes 'yon? Maiigi na't maaga.." Sabi ko.

"Paalis na rin ako baby, pwede bang paisa lang sa'yo? Graduate na naman ako ah? Sige na naman bibilisan ko lang.." Inis na napapikit ako at napabuga sa hangin sa sobrang kakulitan ni Zach.

"Zach, Para kang hindi Magna Cumlaude diyan kaloka ka! Umalis ka na!" Sabi ko, ayoko lang na malate itong si Zach dahil syempre isa siyang magna cumlaude at proud na proud ako para kay Zach.

"Sa PICC ka na magsuot ng toga mo ah! Maiinitan ka lang.." sabi ko sabay lagay ng toga niya sa plastic na dadalhin niya, tumango-tango lamang siya. "Magpa-gas ka na rin sa may gas station diyan sa may taft, di'ba paubos na ang gas ng sasakyan mo?" paalala ko pa, muli naman siyang tumango at umupo sa tabi ko.

Inakbayan niya ako 'tsaka siya nasalita sa tabi ko. "Kung sana kasi sumama ka nalang eh di sana makikita mo ako mamaya sa stage.." bulong nito sa may tainga ko at maya-maya lang ay ramdam ko na ang init ng hininga niya rito, lumayo naman ako at nakotongan ko pa ang isang 'to.

"Magtetext nalang ako sa'yo, sige na, ayoko lang na malate ka. Mamaya ah? Dumiretso ka na dito!" Sabi ko. tumayo naman siya at tumango na, tumayo na rin ako at sasamahan siya palabas.

Nasa may pintuan na kami nang hawakan ko ang kamay niya, napatigil naman siya sa paglalakad. "Congrats baby ko. proud ako sa'yo.." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya at maya-maya lang takip-takip na ng kamay niya ang mukha niya.

"Shet naman oh! kinikilig ako eh!" Sabi niya habang ang dalawa niyang kamay ay nakatakip lang sa mukha niya, napangiti naman ako at hinawakan muli ang kanyang kamay.

Nakaalisna rin si zach at ako naman ay nakatangang naiwan lamang na nakasandal sa may pintuan niya at kilig na kilig, naloloka sa kabaliwang ginawa kanina. Mabilis na nagtungo ako sa kusina niya at inilabas ang mga lulutuin ko mamaya.

Lingid kasi sa kaalaman ni zach kaninang umaga habang natutulog siya ay bumili ako sa kabilang kanto ng mga gagamitin ko sa pagluluto. "Pansit, meduo, at may order pa akong leche pln kay Aling Elvie.." Sabi ko, mamaya paktapos kong magluto ay kukunin ko na ang inorder kong leche plan para kay Zach.

Paborito kasi ito ni Zach, madalas kasi kapag dito ako natutulog ay dumadaan pa ito sa may shop para lang mag-uwi ng leche pla, hindi naman ako makahingi dahil alam kong kulang pa sa kanya ang isa.

Magluluto rin ako ng Menudo at pansit para sa kanya, para naman maicelebrate naming dalawa ito.

Matapos kong magluto ay lumabas na rin ako para pumunta kila Aling Elvie para makuha na ang leche plan na inorder ko. "Ay eto na Lizette, anim na leche plan ito at tiyak ako na magugustuhan ito ng asawa mo.." napangiti ako sa sinabi niya lalo na nang sinabi niya sa may bandang dulo, feel na feel ko naman ang sinabi niya kya hindi na ako umimik.

Pagbalik ko ay sumalubong sa akin si Avygail at si Aivan na naghihintay sa labas ng pinto kaya agad akong nagpakita. "Aivan!" tawag ko rito, mabilis na tumingin naman siya sa akin at tinuro ang pintuan na nasa harap niya, lumapit naman agad ako sa pintuan at binuksan 'yon. "Akala ko sabay kayo ng graduation ni Zach? Hindi ba?" salubong na tanong ko rito, pumasok na naman siya sa dorm sabay bukas ng t.v

"Nauna ang graduation ng Mechanical Engineer liz.." Sabi pa nito, "Wala pa rin siya? Gutom na ako.." Sabi nito, napatawa naman ako sa sinabiniya.

"Teka si Avygail?" tanong ko. Balita ko kasi Ikakasal na sila at imbitado kaming dalawa ni Zach sa kasalang iyon. Nakagraduate na rin itong si Aivan at tulad ni Zach ay engineering rin ang natapos na kurso. May girlfriend ito na kaibigan ko pa. Si Avygail ang kaso hindi ko naman makita ngayon. "Nasan si Avygail? Hindi ba dapat kasama mo?" tanong ko rito.

"Papunta na, bumibili lang ng regalo, tangina inaaway ako Liz, pagdating niya mamaya awatin mo ah!" Wika nito kaya humagalpak ako ng tawa. "Ano, under na under ka ni Avygail ngayon? Kaloka kayo!"

"Hindi, hinanap niya kasi sa akin yung pitong condom eh kulang ng isa hindi ko naman alam kung saan ko nalagay, hindi ko rin naman ginagamit sa kanya dahil ayoko ng may proteksyon.." Saad nito na siyang ikinalaglag ng panga ko.

"Nakakaloka naman kayo, grabe ka Aivan!" Sambit ko rito, tumungo naman ako sa kusina at tinignan ang mga pagkain. "Gusto mo na bang kumain?" tanong ko rito.

Umiling naman siya at muling tumingin sa labas pati na rin sa cellphone niya. "Hindi pa, hihintayin ko muna si Avygail.." Saad nito sabay tingin ulit sa cell phone niya. Nako, mukhang LQ ang dalawa kaloka.

Minuto lang ang lumipas ay dumating na rin si Avygail at sigurado akong hindi pa niya ako napapansin dahil mabilis niyang binatukan ang kawawang si Aivan si Aivan na nakaupo sa sofa. "Sweetheart naman oh.."

Napawi ang tingin sa akin ni Avygail at agad na nalaki ang mata niya, ako naman ay napangiti at mabilis na niyakap siya. "Kaloka ka girl yaman mo na talaga!" Sabi ko dito habang yakap-yakap ko ang kaibigan ko.

"Hindi ka naman pumupunta sa condo ko.." sabi nito napatawa naman ako. "Ano ka ba, wala akong time, kakaresign ko nga lang sa trabaho ko ngayon sa club, baka next time makadalaw ako sa condo mo."

Si Avygail ay ang pinakamatalik kong kaibigan sa lahat at makita ko siya sa ganiyang kalagayan ay masaya na rin ako, alam ko kasi ang kwento ng buhay ni Avygail noon.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ni Avygail, samantalang etong si Aivan naman ay naglalmbing kay Avy, napapangiti ako sa tuwing nakikita ko sila. Kinikilig rin ako sa kanila, boto rin kasi ako para sa kanil.

Hindi rin nagtagal dahil dumating na rin si Zach na pawis na pawis, nang makita niya ang katropa niyang si Aivan ay agad niya itong tinawag. "Tang'na pre ano? Buhay pa?!" Malakas na sabi ni Zach pagkatapos ay naghanap ng tingin at nang makita niya ako ay kumindat siya sa akin.

Mukhang reunion nga ito. Ako, Si Avygail at si Aivan pati na rin si zach.

"Uhh Liz.." tawag niya sa akin, lumingon naman ako sa kanya.

"Thank you.." sabi niya habang tinitignan ang mga pagkain sa mesa, ngumiti naman ako sa kanya 'tsaka siya niyakap. "Pag sinabi ko bang welcome, gusto mo pa rin ako?" tanong ko rito habang yakap-yakap ko.

Humarap naman siya sa akin at mabilis na hinawakan ang dalawang kamay ko. "Hindi lang gusto, mahal na mahal..."

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Where stories live. Discover now