Kabanata 23

30.1K 644 26
                                    

Napalunok ako at magsasalita na sana ako pero may sumingit sa usapan namin ni Zach. "Boss, yung aircon, ikakabit na ho namin.."Sabi nang isang lalaki, binalingan naman ni Zach ng tingin ang lalaki at muli naman niya akong sinulyapan ng tingin at pagkatapos ay naglakad patungong kwarto. Narinig ko pa nga ang malakas na boses niya na parang haring minamandohan ang mga trabahador.

"Babale ka na agad eh, 'yan palang ang nagagawa mo?" malakas ang boses ni Zach ang narinig ko, pumunta naman ako sa kinaroroonan niya at kausap ang isang lalaking tauhan niya.


"Opo boss, marami naman na ho akong nagawa, kailangan ko lang ho talaga ngayon.." Sabi ng lalaki kay Zach, hindi pa ako lubos nakakalapit sa kanila at nakikinig lamang ako sa usapan nila, hindi pa naman ako napapansin ni Zach.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Zach at pagkuha niya ng pera sa wallet niya. "Sige, pero h'wag ka na maingay sa asawa ko na nagbigay agad ako ng sahod magagalit 'yon.." Saad nito sa lalaki, napangiti naman ako nang marinig ko ang sinabi niya, ang lokong 'yon, asawa agad eh hindi ko pa nga siya sinasagot.

Napakamot ng ulo ang lalaki at tumango. Sa huli na nang mapansin ako ni Zach, "Oh kanina ka pa diyan?" tanong nito sa akin at mabilis niyang inilagay ang wallet niya sa bulsa niya.

Akala naman niya magagalit ako. "Oo, hoy! Sinong asawa? kaloka ka, baka mamaya may asawa ka na!" sabi ko rito, tumawa naman si Zach at nainis pa nga ako nang pisilin niya ang ilong ko.

"Hindi po Ma'am, Di'ba ikaw po ang asawa ko?" sabi nito habang pisil-pisil ang ilong ko.

Inis ko lang namang tinaboy ang kamay niya sa ilong ko. "Ano ba Zach, nakakainis ka naman eh!" reklamo ko, tanging tawa lang naman niya ang narinig ko.

Sa oras na iyon at hanggang mag-gabi ay nag-uumpisa nang mag-uwian ang mga nagtatrabaho sa bahay at tanging si Zach naman sa tabi ko ay walang ginawa kung hindi ang landiin lamang ako. kinikilig naman ako, kaya hindi ko na talaga kasalanan, kaloka.

"Sige na naman oh, akala ko ba okay na sa'yo?" nagtatampong tanong nito, ayoko na kasing sumama nang makitang magkukulang ang pera niya, nakita ko kasi ang laman ng wallet niya at ilang libo na lang ang nakita ko 'don, puro credit cards nalang.

"Ayaw mo ba dito? malamig kaya." Sagot ko.

Umiling-iling naman siya at niyapos ang likod ko. "Sige na naman oh, may natira naman sa pera ko di'ba?" sabi niya

"Oo, pero babalik pa yung mga nagtatrabaho bukas dito, 'tsaka hindi mo naman kasi dapat kailangang gumastos pa eh.." sagot ko.

Nakahiga kasi kami ngayon sa kama at nakatalikod ako sa pwesto niya, siya naman ay nakayakap sa likod ko. "May credit cards naman ako ah? Atsaka promise may pera pa talaga ako hindi ko lang nadala, gusto mo bago tayo pumuntang mall samahan mo muna ako sa bahay?" tanong nito habang yakap-yakap ako, dali-dali naman akong napailing sa kalokohang naiisip niya.

"Tumigil ka sa kalokohang mong 'yan Zach ha, 'tsaka 'wag kang umiyak diyan para kang tanga!" sabi ko, nararamdaman ko na kasi ang pag-iyak niya, ewan ko ba dito sa lalaking 'to at trip umiyak.

"Sige na nga!" nagulat ako nang padabog siyang nagsalita at parang tangang tumalikod na sa pwesto ko. ngayon, ako naman ang umupo at kumompronta sa isang 'to.

"H'wag kang umarte diyan, masasampal kita!" sabi ko riito, tumagilid siya patalikod sa akin at nagharangng unan sa mukha niya. "Bahala ka diyan, h'wag kang haharap sa akin ah, bwisit na 'to," inis na sabi ko at tumayo na para magbihis na. Ayoko nang humindi pa dahil baka tuluyan nang magtampo ang isang 'to sa akin.

"Talaga!" parang batang sabi niya, hindi ko na siya pinansin at kumuha na ako ng damit sa cabinet at dumiretso sa banyo para magpalit.

Pagkatapos kong magpalit ay naabutan ko si Zach na nakaupo na ngayon at nang makita niya ako ay muli siyang humiga at nagtakip ng unan sa mukha. Napailing na lamang ako habang lumalapit sa kanya. "Magbihis ka na, anong oras na oh!" sabi ko rito.

Inalis niya naman ang unan sa mukha niya at gustong-gusto ko talagang tumawa sa oras na ito dahil dito kay Zach. "H'wag na, ayaw mo di'ba?" tanong nito.

Nabatukan ko naman ang isang 'to dahil sa katangahang ipinapakita sa akin. "Nakabihis na ako, kaloka ka!"

Tumayo naman ito habang sisinghot-singhot. "Paiyak-iyak pang nalalaman, kaloka 'to.." pahabaol na sabi ko pa, mabilis naman na nagtungo sis a cabinet at nang makahagilap ng susuotin ay mabilis na naghubad ng damit niya.

Nanlalaki naman ang mata ko sa ginagawa niya. "Hoy, sa banyo ka magpalit!" sabi ko rito, tumingin muli ako sa knya at wala talaga siyang paawat, nakaharap pa talaga sa akin ang loko kaya tumalikod na ako.

"Sige na, tignan mo na, ayos lang naman sa'kin." Sabi nito. Kumuha ako ng unan at mabilis na inihagis sa kanya.

"Bwisit ka, manyak ka talaga ano! Bilisan mo diyan!"

Ilang minuto pa ang hinintay ko dito kay Zach at mabuti naman at natapos na siyang magpalit ng damit. ngayon ay naglalakad kami patungo sa kotse niyang nakapark sa may tindahan ni Aling Sena, hindi naman kasi niya maipark sa harap ng bahay namin dahil hindi na kasya ang kotse niya. Safe naman ang kotse niya rito kila Aling Sena dahil may mga asong nagbabantay at binibigyan rin ng Parking fee ni Zach si Aling Sena.

Nang makasakay kami sa kotse niya ay agad niya naman itong pinaandar. Ang ingay-ingay ni Zach, maraming kwento. Daldal ng daldal ang loko. "Kasi kapag lalaki 'yung magiging anak natin, magiging katulad ko, gwapo, pero pwede din namang babae eh, maganda tulad mo, 'tsaka.." Sabi niya, kumamot pa siya ng ulo niya at muling napatingin sa akin. "flat chested, pero okay lang naman 'yon, may laman na naman ng kaunti 'yang iyo, ipahawak mo kaya sa akin para lumaki talaga?" tanong nito, nabatukan ko naman ang loko sa inis.

"Aray naman oh!"

"Tumahimik ka kasi, nakakainis ka naman eh!"

Nang makarating kami sa mall ay dinala niya agad ako sa isang mamahaling restaurant. Habang kumakain kami ay masayang nagkekwento lamang si Zach sa harap ko. "Kapag nagkatrabaho ako, pwede bang sumama ka na sa akin sa Makati? Magkakabahay kasi ako 'don, ibibigay na sa akin nila Mommy kapag nangibang bansa sila.."

"Ano pang silbi nang pagpapaayos mo sa bahay ko.."

"Syempre kasi, hindi pa naman tayo agad lilipat, months pa ang hihintayin natin eh, kasi Hindi pa naman aalis sila Mama.."

Nagkibit-balikat naman ako at ako naman ang natanong sa kanya. "May nabasa ako sa cell phone mo kanina.." sabi ko. totoo naman kasi, may nabasa ako sa cell phone niya kanina habang naliligo siya nung hapon. Babae ang nagtext dito at nagpapasalamat pa. "Akala ko ba wala ka nang babae?" tanong ko, kunot noo naman siyang tumingin sa akin pati na rin sa cell phone niya.

Hindi pala niya nabasa. "Ahh eto? Si Marie 'to eh, 'diba nakekwento ko siya sa'yo? Pinsan ko 'to eh, binigyan ko siya ng regalo, gusto mo tawagan pa natin?" tanong nito. Hindi ko naman siya inimik at ipinagpatuloy ang pagkain ko. naramdaman ko na lamang na tumabi siya sa upuang nasa tabi ko.

Nang tignan ko siya ay seryoso siyang nakatigin sa cellphone niya habang dina-dial ang number ni Marie, at nang sagutin naman ito nang babae ay agad niya naman itong niloud speaker. "Marie, natanggap mo na 'yung regalo?" tanong ni Zach

Narinig ko naman ang sagot sa kabilang linya. "Oo kuya, Nandito ako sa bahay nila Tita Val, nasan ka? Hinahanap ka ni Kuya Makki, mag-inom daw kayo.." Sabi ni Marie sa kabilang linya pagkatapos ay pinatay na agad ni Zach ang tawag.

Napalunok ako nang seryoso akong tignan ni Zach. "Naniniwala ka na?" mahinang tanong niya at marahan naman akong tumango.

"Sabi ko naman sa'yo, ikaw lang ang babae ko eh.."

"Siguraduhin mo lang ah! Pipitikin ko 'yang itlog mo sinasabi ko sa'yo.." lokong sabi ko sa kanya, agad naman niya akong inakbayan habang tumatawa.

"Oo nga sure ako 'don, pero h'wag itlog ko, bahala ka.." sabi nito habang tumatawa, nakitawa na rin ako sa kanya at napaisip saglit.

"Zach.."

"Yup?" tanong niya habang kumakain.

"Sinasagot na nga pala kita..."

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Where stories live. Discover now