Kabanata 35

31.4K 736 228
                                    



Muli akong nagpakawala nang isang malalim na buntong hininga habang tuloy-tuloy sa pag-alpas ang mga luha kong kanina pa nag-uunahang bumagsak.

Hindi ko rin namalayan na dahil sa kakaiyak ko ay inabot na pala ako ng madaling-araw. Past 2 AM na pero gising pa rin ako.

Pilit bumabalik sa isipan ko kung paano kami nagkakilala ni Zach, kung paano niya ako ligawan at kung paano niya ako mahalin. Hindi ko lubos maisip na aabot sa puntong ganito ang relasyon naming dalawa.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha kong nag-uunahang bumagsak nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto. Iniayos ko na ang higa ko at humarap pa-talikod sa pwesto niya. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero hindi ko magawa.

"Nakakapagod!" Pumikit ako ng mariin nang marinig ko ang boses niya, naramdaman ko ang paglubog ng kaliwang bahagi ng kama at pagyakap sa akin ni Zach mula sa aking likod. "Gising ka pa ba?" Tanong niya, hindi ako sumagot at pilit na ipinikit ang aking mga mata.

"Baby.." Naramdaman ko ang paghalik niya sa batok ko na lalong mas nagpapabilis sa tibok ng puso ko. "Pa-isa naman oh.."

Sa sinabi niyang 'yon ay muli nang tumulo ang mga luha kong kanina pa nagpapa-unahan na bumagsak. Patuloy na ako sa pag-iyak at kahit na sarili ko ay hindi ko na makontrol sa sakit na nararamdaman ko.

Nawala ang pagkakayakap sa akin ni Zach at hinarap niya ako sa kanya. Nagulat siya nang makita niya ang luhaan kong mukha. "Bakit ka umiiyak?"

Pilit kong inalalayan ang sarili ko upang maka-upo ng maayos. "A-Anong oras na ah?" Tila paos na tanong ko, pero pilit na iniaayos ang tinig ko.

Kumamot ito sa ulo niya at pinunasan ang luha ko sa mukha ko. "Uhh 'yung client ko kasi, nagpa-meeting.." Aniya, pagak akong napatawa.

Kumunot ang noo niya sa pagtawa kong 'yon. "Nang ganitong oras?" Tanong na sabi ko habang pilit na natatawa.

"Oo.. na-itext kita kanina natanggap mo ba?" Tanong nito habang kinukuha ang cellphone sa bulsa niya. "Ay, hindi ko pala na-send sa'yo.." Sabi nito kaya kahit na naiiyak ako ay natatawa na ako sa kasinungalingan ng isang ito.

"K-kailan pa?" Garalgal ang tinig ko, at kahit na anumang oras siguro ay pwede na akong bumigay sa posibleng isagot ni Zach sa tanong ko.

Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "A-Anong kailan pa?" Hinawakan niya ang kamay ko at pinaghahalikan niya iyon, binawi ko rin ang kamay ko nang makakuha ng kaunting lakas at tumayo na. "Si Christine ba ang kliyenteng tinutukoy mo?"

Nanlaki ang mata niya nang marinig niya ang sinabi ko. Tumayo na rin siya at sinundan ako, naramdaman ko na lamang ang mariing pagyakap niya sa akin habang tuloy lang sa pagbagsak ang luha ko. "Liz..."

Humugot ako ng isang malalim na hininga. Itinulak ko siya at kahit na nanghihina ay nagawa ko pa rin siyang sampalin. "Putangina mo! Niloko mo ako gago ka!"

Binabayo ko ng maraming suntok ang dibdib niyang nakayakap sa akin. Pilit kong ikinakalas ang sarili ko sa kanya pero mas malakas siya sa akin. "Liz.." Tanging pangalan ko na lamang ang nasasambit niya ngayon.

Kinuha niya ang kamay ko at marahang hinahalikan ito pero puro galit na ang nananalaytay sa isip ko kaya nasampal ko nanaman siya. "Z-Zach naman.." Hindi ko na mapigilang suntukin muli ang dibdib niyang nasa harapan ko. "Bakit mo pa ako niligawan? Kung lolokohin mo lang pala ako ay bakit mo pa ako niligawan? Nasasaktan ako..."

Hindi ko na alam kung anong posibleng maging itsura ko sa harap ng salamin. Wala na akong pakialam pa 'ron. "Liz..." Tinignan ko ang mukha niya, bakas ang kung ano mang emosyon doon pero wala na akong pakialam pa.

Muli niyang pinunasan ang luha ko gamit ang kamay niya, "S-Sorry.."

Tuluyan na akong nanghina sa sinabi niya, muli akong napaupo sa kama na kanina lamang ay hinihigaan ko. "Sorry...." Umiiyak na si Zach na rin ang nasa harapan ko ngayon.

Wala akong magawa kung hindi ang umiyak na lamang. Kinuha ko rin ang unan na nasa tabi ko at niyakap ito. "Ang daya mo naman eh," umupo na rin sa tabi ko si Zach at pilit akong pinapakalma pero masakit talaga ang nararamdaman ko at sa tingin ko'y kahit sino, walang makakapagpakalma sa akin. "H-Hulog na hulog ako sa'yo..." Inalis ko ang kamay niyang humahawak sa kamay ko. "Tapos ikaw nahuhulog na sa iba..."

Itinaas niya ang paningin niya sa kisame. Siguro'y may pinipigilan na kung ano. "I'm sorry Liz, I loved you... I want to still love you pero kasi..."

Umungol na ako at tuluyan nang napahawak sa dibdib ko. "P-pero kasi, may mahal ka nang iba?"

Ilang segundo ang lumapas nang marahang tumango ito. "Putang ina mo! Kung sana ay hindi mo ako niligawan! Kung sana ay hindi mo pa ako nakilala! Kung sana ay hindi mo ako niloko! Putang ina.." Lumapit pa siya sa akin pero puro sampal at suntok lamang ang natatanggap niya mula sa akin. "Malibog ka eh! Dahil sa kalibugan mo, hindi ka pa nakukuntento sa isang babae!"

Tumayo ako at kinuha ang bagahe sa cabinet ko. Wala na akong rason pa para manatili pa sa bahay kong ito, ayokong dito ako mamuhay kung iiwanan rin ako nang lalaking mahal na mahal ko. Mamatay lamang ako dito.

Iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay. Wala na rin si Zach. Tuluyan na rin akong iniwan. Mas nauna pa siyang umalis, kaysa sa akin.

Mapait akong napangiti at iniligay na ang mga gamit ko sa bag ko. Wala na rin akong rason pa para dito ituloy ang buhay sa bahay na ito, anumang oras ay kukunin na naman ng may ari ang lupang kinatitirikan ng bahay kong ito.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang bahay na ito. We made love here, dito mismo sa kamang ito, marami rin kaming memories na talagang tatatak sa puso at isip ko.

Lumabas ako sa bahay na bitbit ang mga gamit ko. Napatungo ako at saka pinunasan ang luha kong bumabagsak na naman. Marahan ko ring hinawakan ang tiyan ko.

"Kakayanin natin 'to baby, kahit wala si daddy...."

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon