Kabanata 41

32.5K 643 34
                                    

Muli kong pinunasan ang mga luha kong patuloy lamang sa pagbagsak. Walang tigil ang pag-iyak ni Troy at Travis habang yakap-yakap nito ang kanilang ama. Muli kong tinignan ang basang mukha ni Zach.

Tumungo si Zach at inabot ang buhok ni Troy. Marahang ginulo niya ito pero hindi man lang nainis si Troy sa Ama niya. "Papa! Bakit pala ngayon ka lang umuwi?" Inosenteng tanong ni Travis dito.

Itinuloy ko na ang pagluluto at naramdaman kong niyakap ako sa likod ng aking hita ni Travis. "Mama.."  Mahina at umiiyak na tawag sa akin ni Travis.

Ibinaba ko naman ang sandok at pinantayan ng taas ang anak ko. "Baby?"

Niyakap ako nito. Napangiti naman ako at mabilis na hinalikan ang pisngi niya. "Bakit hindi ka lumapit ulit sa Daddy mo?"

Umiling-iling ito habang yakap-yakap ako. "Mama! Di yata kami bati ni Papa kasi si Kuya lang nikakausap niya eh.." Umiiyak pa rin na sabi ni Trav.

Napangiti naman at tumingin kay Troy at kay Zach na nag-uusap na sa salas. Nakaupo sila pareho sa sofa. "Troy." Tawag ko rito pero parehas sila ni Zach na lumingon sa amin.

Saglit na napakunot ang noo nilang pareho. "Mama?"

"Si Travis oh," turo ko habang kalong-kalong ko na ang nakatulog na si Travis. Lumapit ako sa kanila at tumayo naman si Zach para kunin sa akin ang bata. Siya na ang nagkalong kay Trav habang pinupunasan niya ng pawis ito.

"Mama! natulog agad si Trav?" Ani Troy.

Lumapit ako rito at kinuha ang towel na nasa tabi niya. "Puro pawis ka baby.."

"Uhh, S-San pala kwarto nila?" Saglit na napatigil ako sa pagpupunas ng pawis ni Troy.

"Sa taas, nag-iisang kwarto.." Sabi ko rito.

Tumango naman ito. "Papa! Saan kayo?"

"Tara na baby, sa taas tayo!" Sabi ni Zach kay Troy habang buhat-buhat ang nakatulog na si Travis.

Bumalik na ako sa kusina at ipinagpatuloy ang pagluluto. Habang nagluluto ay wala akong iba pang mga naisip kung hindi ang nangyari lamang ngayong araw. Batid ko na masayang-masaya ang dalawa anak ko, base pa lamang sa nakikita ko. Lumaki kasi silang walang ama at alam ko ang kanilang nararamdaman.

"Thank you.." Napatigil ako at muntik pa akong mapatalon sa gulat nang magsalita sa tabi ko si Zach.

Pinatay ko na ang apoy sa kalan at inilagay ang ulam sa mangkok. "Ang dalawang bata?" Tanong ko.

"Nasa taas, nakatulog.." Sabi nito habang ang mga mata ay nakatingin lamang sa ulam na isinasalin ko sa mangkok.

"Gutom ka na ba? Mauuna ka nang kumain?" Tanong ko.

Umiling ito. "Hindi lang ako makapaniwala may dalawang anak na pala ako.." Hindi ko alam kung masaya ba ito o malungkot. Ngumiti ito pero hindi naman masaya ang kanyang mga mata. "A-Akala ko wala nang kwenta ang buhay ko eh.." Pagak itong napatawa at may pinunasan na kung ano sa mga mata nito.

"Sa kagaguhan ko, wala akong kamalay-malay may anak na pala ako.." Saad niya.

Binalot ng katahimikan ang lugar. Isinandal niya ang sarili niya sa lababo at ako ay nanatili sa aking ginagawa. Hindi ko siya magawang lingunin, "P-Pasensya ka na ah? Siguro hindi mo pa talaga ako napapatawad.." Pambabasag niya sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Tuluyan na akong napatingin sa kanya at nakita ko ang sunod-sunod na paglabas mg luha niya mula sa mata nito.

Itinaas nito ang kanyang polo shirt na puti at pinunasan ang mukha. Simple akong napatawa, wala pa rin siyang pagbabago.

Inilagay ko na sa mesa ang ulam. "Wala na 'yon.." Sabi ko. "Pagkasilang ko pa lang sa dalawang bata ay napatawad na kita.." Pagpapatotoo ko.  "Kung hindi naman kasi dahil sa'yo, wala ang dalawang anak ko.." Sabi ko.

Pagkasilang ko pa lamang sa dalawang bata ay napatawad ko na rin siya, kung siguro'y wala riya, tiyak akong wala rin ang dalawang anak ko ngayon. Hindi naman masamang magpatawad, wala rin sa bokabolaryo ko ang maghiganti. Tama na 'yung nasaktan ako at marealized na hindi talaga kami para sa isa't-isa, para sa akin kasi inisip ko na lamang na bonus lamang ang mga anak ko, dahil sa mga nagawa niya, sa akin noon.

Tumango-tango ito at inayos ang polo-shirt niya. "Pasensya na, napapaiyak na ako.." Sabi nito at muling itinaas ang polo shirt niya upang punasang muli ang mukha niya.

"Nadudumihan na 'yang damit mo, papasok ka pa yata.." Saad ko rito.

Umiling naman ito habang patuloy na tinatakpan ng polo shirt niya ang kanyang mukha. "Hindi, tapos na ang duty ko eh.." Sabi nito at muling inayos ang damit niya.

Napangiti naman ako. "Baka, umiyak ka na naman, may tissue sa tabi ng ref." Sabi ko.

Ngumiti na rin ito at nahihiyang kumamot ng ulo. "Ayos pala itong bahay n'yo ah? Matagal na kayo rito?"

Tumango ako, "May ilang taon na rin. sa Tita ko ito, pinaubaya na lang sa akin.."

"Liz.." Tawag nito. "Pasensya na ah?" Sabi nito,

Mas lalo naman akong napangiti. "Oo naman, Ako nga dapat ang humingi ng pasensya sa'yo.. Hindi mo agad nakilala ang mga bata."

Mabilis na umiling ito. "Hindi. Hindi mo naman kasalanan.." Saad nito.

"Mama!" Tawag ni Travis, mabilis akong napalingon sa kanya, kakagising lamang niya, "Mama! Gutom na po ako.."

Tumango ako at lumapit rito. "Si kuya mo? Kakain ka na?" Tanong ko.

"Ayaw pa kasi gumising kasi hindi ko alam, pero nagugutom na po pala ako Mama!"

Napatawa naman ako sa anak ko. "Okay sige, umupo ka na doon, Si Papa mo nan'doon oh." Ininguso ko si Zach na mukhang nakatungo na naman. Nahihiya yata sa anak kong ito.

Umiling-iling naman si Travis at saka ako mabilis na niyakap. "Hindi yata niya ako bati Mama! Si kuya lang nikakausap niya kanina eh.." Nakangusong sabi nito. Nagulat naman ako nang maramdaman ko si Zach na nasa tabi na namin at mabilis na niyakap ang anak niya.

"Bakit naman hindi tayo bati?" Masayang tanong ni Zach sa kanya, hindi naman sumagot si Travis at tuluyan na ring niyakap nang mahigpit ang ama niya. "Love na love ka ni Papa eh sobra.." Sabi ni Zach at kinalong na muli ang anak niya.

"Papa! Naglalaro ka pang basketball?" Biglang tanong naman ni Travis habang kalong-kalong siya nang Tatay niya.

Tumango naman si Zach, "Yes, baby.."

"Yes! Papa! Pwede bang kampi nalang kayo ni Kuya para minsan panalo naman kayo?" Masayang tanong ni Travis sa Ama niya.

"Ano 'yun Trav?" Napalingon ako kay Troy na nasa hagdan habang kinukusot ang mga mata. Binaling naman ni Troy ang paningin niya sa akin. "Mama, gutom na po ako."

Tumango ako at kinalong ang anak ko at dinala sa pwesto niya tuwing siya ay kumakain.

"Kuya! May kampi ka na! Papa, pwede na ba tayo maglaro ngayon?" Tanong nito.

Tumango naman ang Papa nila. "Boys, kain muna kayo.." Yakag ko.

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon