Mirror Ten (C)

9 1 0
                                    

10 (C)

Kael's POV

Ilang araw na akong nagkukulong sa bahay ko. Routine ko na ang gumising, uminom, matulog, tapos gigising ulit, iinom at matutulog. Halos hindi ko na makilala ang bahay ko sa sobrang gulo at nagkalat ang mga can at bote ng alak na nilaklak ko sa loib ng iaang linggo. Lumalabas lang ako ng bahay kapag alas-seis na ng gabi para sundan si Mich pauwi. Maliban nung Friday dahil palagay ko'y pinagtataguan niya ko dahil nagsara na at lahat ang eskwelahan, wala akong mich na nakita. Pinagtataguan siguro ako. Sino ba namang gugustohin pang makita ang gagong katulad ko pagkatapos ng mga nalaman niya. But fuck!

I should have told her by myself. Bakit kung kailan ipagtatapat ko na sa kaniya ang lahat, saka pa ihahain ng pagkakataon ang katotohanan sa kaniya. And Milan, what the fuck is he doing there?

We never talked mula nung komprontasyon nung lunes na iyon. Even though he called for me, for the first time, I ignore my brother and I know that I hurtef him.

"Kuya..." I smirked. Speaking of my twin brother.

"I locked the door. Paano ka nakapasok?" at tinungga ko ang bote ng Jack Daniels na binawi niya, "what?!"

"Stop it, kuya."

Kuya... kuya... kuya...

Yeah. I am the eldest dahil ako ang huling lumabas. He came out from our mother's womb by 10:46pm while I got delivered by 10:50pm. Ganun naman talaga, kung sino ang huling lumabas, yun ang first born na inin-still sa utak namin ng parents ko. Dahil sa sakitin din si Milan kumpara sa akin, I should always took care of him and do everything for his welfare. Na dumating kami sa puntong namuhay ako bilang Ares Milan Quimora instead of me being Ares Mikael Quimora for a long time. Mas madalas pa akong maging siya kaysa sa kung sino ba talaga ako.

When he got sick, ako ang nagpapanggap na siya at pumapasok sa klase niya. Bata pa lang kami ay mahirap na kasing ma-distinguish para sa iba kung sino si Milan at si Mikael na ginamit naming advantage para pagtakpan ang isa't-isa.

Mas outspoken si Milan sa mga kakilala at kamag-anak namin kumpara sa akin mula ng maliit pa lang kami. Madalas siyang katuwaan ng pamilya because he is sweet and lovable. Yung kahit magkamukha kami ay ramdam kong mas siya sa akin. Mas mahal, mas napagtutuunan ng atensyon. But never akong namuhi sa preaence ng kapatid ko dahil kambal ko siya. Cells pa lang kami sa loob ng nanay namin, share na kami sa lahat. Kaya hindi na kaiba aa akin ang pagbigyan siya na madalas sabihin sa amin ni mama.

I still remember during elementary days, when he's scared noong araw ng declamation niya, I took his place and do his part. Luckily, I practice with him so I won. I won as Ares Milan. I don't mind because I do it for him. I was contented seing my brother and parents happy and proud. Ako ang gumawa, siya ang tumanggap ng award. Ganoon kami. Parang isang di mabali-baling routine na kinasanayan ko na. Gawa ko, tanggap niya.

He was always on top because he is the who got perfect attendance and perfect quizzes and exams than I. Madalas akong wala sa klase ko para pasukan ang klase niya. Without our parents knowledge, napabayaan ko ang pag-aaral ko. Napabayaan ko ang buhay ko. Those times, I just don't care. I love my brother and I'm happy doing those for him back then.

Ngunit saglit na nahinto iyon ng mahuli ako ni Ma'am Castres, my adviser and favorite science teacher noong Grade six. Science teacher din siya nina Milan sa section one. Nahuli niya akong nagpapalit ng paboritong black shoes ni Milan kapalit ng paborito kong blue rubbershoes sa gym para sa PE namin sa locker room. Noong time kasi na iyon ay practical exam ng basketball, dahil ayaw ni Milan ng sports at takot siyang makilaro sa mga kaklase niya dahil malalaki ang mga iyon lalo na si Jimmy the kapre, dahil ang laki at mataba, pumayag na lang din ako dahil gusto ko ring nasupalpal yun para sa pambu-bully niya sa kambal ko. Nanganatal ako sa kaba at pinagpawisan ng malamig ng makita si Ma'am Castres na nakatitig sa akin. Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kaniya sa children's library at makipag-usap. Kahit anong pilit kong sabihin na ako si Milan ay di siya naniwala. Alam niya na ako si Mikael. Si Mikael na mabuti niyang mag-aaral sa klase. Naiyak ako noon at humingi ng taaad kasabay ng paghingi ng pabor na wag sabihin sa iba ang nalaman. Para sa kapatid ko. Ayaw man niya pero dahil sa pakiusap ko, pumayag siya ngunit dahil aa hindi ako naka-attend sa practical exam, namiss ni Milan iyon at nahatak ang grades niya. Hindi na siya naging Valedictorian kundi naging Salutatorian na lamang.

H-Bond 1: When she cries (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon