Mirror Break

15 2 0
                                    

Epilogue:

One hundred and eighty-one days

Nakatingin lang ako sa vanity mirror habang inaayusan ako for the wedding. Sa wakas at natuloy din ang kasal na ito. Three months ago kasi muntikan nang di matuloy ang kasal na ito dahil sa tampuhan. Well, sabi nga ni ate MJ, normal ang kaartehan sa relationships. It adds spice ika nga nila.

"Tapos kana anak?" tanong si akin ni mama pagkapasok sa kwarto ko, "opo, ma." nagpaalam na yung make-up artist.

Hinaplos naman niya ang expose kong balikat because of my offshoulder white gown at nakabraid ang buhok na may maigsing veil. Nakatayo siya likod ko at nakatingin sa akin through the vanity mirror, "you're beautiful, anak. Bagay sa'yo ang mga kasal." I snorted at what mama said.

Nakita ko namang pinunasan ni mama ang mata niya, "wag ka nga umiyak, ma! Kasal ang meron ngayon, hindi burol."

"Ano ka ba naman. Panira ka ng moment anak. Siyempre masaya akong maayos kayong nagse-settledown. Malaking bagay yan sa amin ng papa niyo."

Hindi ko na lang inintindi ang drama ni mama dahil di ko talaga maintindihan, "sige na. Susunod na ako sa baba. Nandiyan na yung sundo naten."

Biglang umiling si mama, "hindi na anak. Kami lang ang sasakay doon. Susunduin ka niya. Siya ang manunundo sa iyo."

"Ma! Bawal yun. Bawal akong di sumabay sa inyo at magpahatid sa kaniya. Mapapagalitan na naman ako nung coordinator."

"Ayss... sakanya ka na sumabay para sigurado. Dalian mo na diyan. Hindi ka pwedeng ma-late sa kasal." at iniwan na ako. Naasar na tinadyakan ko yung kama na pinagsisihan ko kasi masakit. Naka-heels pa man din ako.

Pagbaba ko sa sala, wala na sina papa. Sakto namang dumating siya at bumusina ang sasakyan. Lumabas na ako at sinara ang pinto.

"Wow! Beautiful bride. What a sight!" I glare at him, "tigilan mo ako Milan. We both know that I'm not a bride."

Inakbayan naman niya ako, "Gusto mo pakasal tayo? Bagay ang suot mo sa suot ko."

Binaklas ko ang kamay niyang naka-akbay sa akin, "Don't make fun of me. Hayss... bakit kasi gusto pa ni ate MJ na naka-veil ako at ganito ang gown ko as if I'm a mini bride."

Yes. It is my ate MJ's wedding day. Bilang maid of honor sa kasal niya, pinattern niya ang attire ko sa wedding outfit niya kaya ako may suot na mini veil.

"Because your sister loves you that much. Baka daw kasi hindi kana ikasal kaya, why not feel it this day. Assume that your a true bride, my dear friend."

Sino ba naman ang magaakala that this man would turned out to be my friend after that night.

________________________

Nanlalaking matang napatitig ako sa taong nakatayo ilang metro ang layo niya sa akin.

Is this real?

"Long time no see, Mich..."

Natigilan ako. Kahit pa magkamukhang-magkamukha sila, I can easily distinguished who is who.

"Milan." siguradong pagkilala ko sa kaniya. Lumaylay ang balikat niya at napangisi.

Bakit ganoon? Magkamukha naman sila ni Kael pero mas gwapong-gwapo ako kay Kael lalo na kapag ngumingisi siya.

"How can Mikael do this easily while I, alam mo agad kung sino ako."

Lumapit na ako sa kaniya, "matagal kong nakasama ang kapatid mo kaya," hinawakan ko pa ang suot niyang leathered jacket na paborito ni Kael at ang buhok niyang nakaayos sa pormahan ng huli, "kahit gayahin mo ang itsura at outfit niya sa harap ko, alam kong hindi ka si Kael."

H-Bond 1: When she cries (COMPLETED)Where stories live. Discover now