Mirror Six

19 1 0
                                    

6.

Kulang na lang ay magkaroon ng butas ang kisame sa kwarto namin sa tagal ng pagtitig ko habang nakahiga sa kama na nakaspread ang kamay't paa. Iniisip ang mga nangyare. Inaanalisa bawat salitang binitawan niya kanina.

Gusto niya ako? Ako't hindi ang kuya Harvey?

Napabangon ako sa naiisip. Napu-frustrate na naman ako. Matalino akong tao. Madali akong maka-gets ng lesson sa Science class namin noon at ngayon kaso madalas na nahihirapan akong i-execute pero naintindihan ko. Tapos ang simpleng sinabi niyang 'Instead of me having that so-called crush of yours to your brother, it is more possible for me to adore and like you romantically. Kahit pa mahilig kang magpunas ng babywipes sa underarm'

Ginulo niya ang kaninang organized kong pag-uutak.

Maya-maya'y nakarinig ako ng tawanan sa baba. May bisita ba? Nagpalit ako ng damit dahil naka-uniporme pa pala ako. Tamo! Dahil sa kaniya, hindi pa ko nakakapag-palit ng uniform.

Pababa pa lang ako ng hagdan ay alam ko nang may ibang nilalang-este-tao sa baba. Una ko talagang na-spot-an ang ate kong may ka-holding hands. "Anong meron dito?" lumingon naman ang mga taong ito sa akin. Ngiting-ngiti naman ang nanay ko habang ang tatay ko'y neutral lang.

"Anak, nandito si Michael. Boyfriend ng ate mo." Boyfriend? Talaga? Edi wow!

"Talaga?! Nakabihag ka rin sa wakas ate!" nang-aasar na komento ko. Biglang tawa ang tatay ko at nakipag-appear pa sakin habang ang nanay ko naman ay sinasaway ako. "Bakit ma? Nilalambing ko lang ang paborito kong ate." halata na sa ate MJ kong naaasar siya sa akin. Tiningnan ko yung lalaki na medyo natatawa. Michael? Pamilyar. "Ikaw yung boyfriend niya nung college di ba? Yung three months na kayo kaso dahil nabuko ko si ate, napilitan siyang makipag-break sayo."

Kroo-kroo

Natahimik naman sila. "Akala ko ba, magkatrabaho kayo?" tanong ni mama.

"Ah. Opo tita. Magkatrabaho po kami at doon muling nagkita. Pero totoo rin pong ako ang boyfriend niya nung college." matapang na pag-amin niya. Sumingit ako sa sofa para tumabi kay mama at papa. "Dahil pinakilala ka na ng ate ko, it means, seryosohan na kayo?"

"Michiko, natural. Never kong nilalaro ang relationship." Ay! Beastmode na si ate.

"Bakit? Masama bang magtanong? Malay ko ba," binalik ko na lang ang atensiyon ko kay kuya, "If that's the case, edi wala na kayong sikreto sa isa't-isa. I mean, kilala niyo na ang bawat isa."

"Siy--"
"Oo naman! Ano bang klaseng tanong yan?" nanggagalaiti niyang sagot na instead ang boyfriend niyang tinatanong ko ang sumagot, siya ang gumawa.

"Hey. Kalma lang." this is exciting, "so, alam niya na yung muddiest point mo sa cr noon?" at pasimple kong isiniwalat ang nakakahiyang kwento niya noong college pa lang kami at pang-asar sa kaniya ni ate Marylle.

"Oy! Di pa ko tapos!" tawag ko sa ate kong nag-walk out nang nasa climax na ako ng kwento. Natawa na lang ako sa reaksiyon niya. Kahit kailan talaga, napaka-asar talo nun.

"Hindi mo dapat ginawa yun Coline. Pinahiya mo ang ate mo." iniwan din ako ni mama. Hey! Kj naman ng mga to.

Tiningnan ko si papa, "Pa?" tumikhim lang siya at si Michael ang kinausap, "Pasensiya ka na. Sa tingin ko, hindi maganda ang kinatapusan ng pag-uusap natin."

"Okay lang po iyon. May next time pa naman po."

"Bakit ka humihingi ng pasensiya papa? Nag-uusap lang naman tayo ah?"

H-Bond 1: When she cries (COMPLETED)Where stories live. Discover now