Mirror Nine

31 1 0
                                    

9.
Magkahugpong ang mga kamay namin pagkatapos bumaba ng sasakyan niya habang tinatahak ang gate ng bahay. Maghahatinggabi na rin nang matapos ang party sa school. First time kong na-enjoy ang christmas party. Dati kasi, hindi big deal. Di tulad ngayon. Sino ba naman ang mag-aakalang makakapag-uwi ako ng boyfriend pagkatapos.

Boyfriend? I shrugged at the thought. Hindi ko pa rin akalain na ang isang Michie Coline Mendoza na gaya ko ay magkaka-boyfriend ng ganito. Higit sa lahat, ang ultimate crush ko pa nung college days. Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng PG pag nalaman?

"So?" pag-bubukas ko ng usapin.

Ngumiti naman siya sa akin. Kung napapapalit lang ng US dollars ang ngiti niya, milyonarya na siguro ako. Andami e. Kotang-kota na siya kanina pa.

"As much as I want to pay your parents a visit again and tell them the great news," huminga pa ng malalim at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko, "they are in deep slumber so maybe, lets tell it to them tomorrow... together!" Pahabol pa niya.

"Sus! Madali lang naman yun. Kahit ako na lang. Sasabihin ko lang naman na 'Good morning parents! Kami na ni Kael.' Yun lang." Tumawa naman ang sira at pinisil pa ang pisngi ko.

"Ang cute mo talaga! Please, don't deprive me of sweet bones. I want to be by your side when we're about to tell them na sinagot mo na ko. And I'm dead serious, Michi-KO." At may diin pa ang ko.

"Oo na sige na. Good night. See you tomorrow! Bye." sabay talikod.

"Wait," napalingon naman ako sa kaniya "huh?"

"wala man lang goodbye kiss?" At ngumisi pa siya. Okay! I forgot. Dali-dali naman akong lumapit at inulit ang pagbabye sabay kiss sa cheeks niya. "Cheeks lang?" at ngumuso pa ang huli.

"Nakakadami ka na kaya! Kakasagot ko lang kanina, nakabingwit ka na sa lips ko. May next time pa," biglang ngiting pag-asa naman si kael so I grinned at him, "Next year." dali-dali akong pumasok ng gate at ni-lock ito. Mukhang huli na ng nag-sink in sa kaniya ang sinabi ko kaya saka lang siya nag-react at tinawag ulit ako.

Sorry Kael! Even though you're my boyfriend now, I can't stop myself liking the thought of making fun of you. So cute...

____________________________________

Five months later...

Kinabukasan nung maging kami, ang aga agad ni Kael sa bahay. Halatang ayaw maisahan. My family is so happy upon knowing the news na kami na. At ang tatay kong maloko, nagtanong agad kung kailan ang kasal. Parang the flash lang? Then, We told the PGs too about us at kasamang muli si Kael nun. Tinanggap naman din ng PG but Avie cannot move on about the idea of Kael having a twin. Baliw talaga yun. At sa school, kagit hindi ko naman direct sabihin, mukhanh gets naman nila. Ayaw ko namang ibida ang lovelife ko. Though kapag may nagtatanong kung kami na, sinasagot ko lang nang simpleng oo.

"Sorry I'm late. Nagkagulo pa kasi kami ng PG kung paano ang set-up sa 24. You know, Avie's birthday." paghingi ko ng paumanhin kay Kael dahil late ako sa date namin. Gusto niyang mag-roadtrip kami ngayong araw. Bonding.

"It's okay. Nakapag-decide naman ba kayo?" sagot niya sakin habang pinagbubuksan ako ng pinto sa passenger seat, "Get in."

"Thanks!" nang makasakay naman na siya ay nagpatuloy kami sa pag-uusap. "Oo. Settled na. Tuloy ang beach party. Nga pala, free that day ha? Kasama daw ang boys."

"Lahat kayo may boys?"

Natawa naman ako sa response niya, "Grabe siya oh! Meron kaming mga bitbit. But not all are as official as us. Mga pakipot eh."

H-Bond 1: When she cries (COMPLETED)Where stories live. Discover now