Mirror Three

37 2 0
                                    

3.

Malapit na. Natatanaw ko na. Nararamdaman ko na ring kumakapal ang talampakan ko. Nanginginig ang mga braso ko. Mabilis ang tibok ng puso ko. Kinakapos na ko ng Oxygen supply. Umuulan na rin sa sariling mundo ko.

Pagkatapak na pagkatapak ko sa entrance, nag-ring ang phone ko.

Ate MJ calling...

"Ate." Hinihingal pa ko ng sumagot.

'Asan ka na? Hinahanap ka ni mama.'

"Nasa... entrance na ko."

'Wag ka nang magtanong sa Information's desk. Dumiretso ka na sa second floor. Yung dulong kwarto.' Pinatay ko na ang phone at mabilis na kumilos papunta sa dapat puntahan. Ayoko ng tumakbo. Nakakaurat kaya. Pinaspasan ko na lang ang lakad ko. Papaliko na ako ng may makabangga ako, "Sorry miss."

Hindi na ako nag-respond o lumingon, di muna ako mag-e-evil queen. I have to be there now.

Di naman ganun kalayo dahil nahanap ko agad sila sa harap ng ICU. Naka-upo si ate MJ sa waiting area at nakabusangot sa phone niya. Binabaan ko kasi siya. Wala si papa pero nasa labas si kuya Harvey.

"Anak. Buti nakarating ka na." narinig ko si mama sa likod ko. May bitbit na mga pagkain galing sa 'Jabee' ayon kay Avie. "Ma." Kinuha ko ang bitbit ni mama at sinabayan sa paglapit kina ate MJ. "Dumiretso na agad ako rito pag-labas ko ng school."

"Hoy babae! Bakit mo ko binabaan ng phone? Ikaw ha! Nasasanay ka nang babaan ako ng phone." masungit na sabi ni ate. Nakikita ko na nga ang imaginary angry smokes sa tenga't ilong niya. I smirked at her, "Nakuha ko na naman ang info na dapat kong malaman para makarating dito. Bakit pa tayo mag-uusap ng mahaba? Sayang sa load mo." Nang-aasar na tumingin ako sa ate ko.

"Ikaw talaga!" Babatukan sana niya ko, kaso nag-butt in na si mama, "Kayo talagang dalawa, para kayong mga sira. Anlalaki niyo na kung mag-away kayo para kayong mga bata. Nanganganak ang ate niyo sa loob, nagtatalo pa kayo. Nakakahiya sa kuya Harvey niyo."

"Okay lang yun ma. They aren't MC and MJ if they're not fighting." sumabat na sa amin si kuya. I secretly stuck my tongue kay ate MJ. Naasar na naman siya.

Nasa harap kami ng ICU dahil nandoon ang Delivery room. My sister is in labor nung itext ako ni ate na nasa ospital ang panganay namin. Nagpunta ba naman ng mall kahit kabuwanan. Ayan tuloy. First baby kaya hindi predictable ang exact date ng panganganak. Kaya medyo mahirap. Buti na lang at may tumulong daw sa ate kong intern sa ospital na ito kaya nadala siya agad. "Tuloy ang normal delivery niya?" tanong ko kay mama.

"Sana nga. Hanggat kaya ng ate mo, normal ang procedure."

Nanahimik kami saglit. I silently pray that my sister will be fine. Pati ang pamangkin ko, lumabas ng malusog and in right shape.

Lahat kami ay napalingon sa pinto ng lumabas ang doktora ng ate ko, "Successful delivery, Mr. Torres. You may see your wife and healthy baby boy in a minute. We'll prepare her room."

Tuwang-tuwa ang lahat. Even I who is not really fond of kids is happy and excited. I can't wait to see our baby boy. But I don't want them to see me that. I am mean and a bad girl. I want them to see me that way. "Ma, ako na mag-aayos ng papers and billings. Kayo na muna nina kuya ang sumunod sa magiging kwarto ni ate."

Pumunta ako ng first floor para ayusin ang papeles ng ate ko. Mahaba-haba ang pila kaya umupo ako sa waiting area pagkatapos kong kumuha ng number. Maya-maya'y may tumabi sa akin. Hinihimas ko ang braso kong natamaan kanina. Ngayon ko nararamdaman ang sakit sa braso ko. Pamilyar nga ang lakas ng tama e.

H-Bond 1: When she cries (COMPLETED)Where stories live. Discover now