Kahit veranda bongga, may naka-pwestong mesa at upuan din doon. Ang mesa ay gawa sa kahoy na merung detailed design sa gilid. Yung upuan ay kahoy din pero mayroong foam sa bandang puwetan. Tapos tanaw mula dito ang garden nilang malawak, napatingin pa ako sa isang backyard gazebo na nasa pinakadulo ng garden. Malapit ito sa puno ng mangga. Naiilawan ito kaya kita kung gaano ka ganda. Pwede bang puntahan iyon? Nais ko sanang isatinig kay Santiago.

"Nais mo bang sa gazebo tayo Ms. dela Paz?" haist mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Parang ang sarap-sarap maupo doon at tumambay.

"Okay, tara!"

Natuwa naman ako, para tuloy akong bata na naexcite habang papalapit sa gazebo. Mayroon itong tig-iisang lantern sa bawat haligi. Mayroon din nakapasong bulaklak kaso hindi ako pamilyar kung ano ang tawag dito basta maliliit at kulay yellow. Bale mga tatlong paso na may tatlong lantern din sa bawat isa. Tapos 'yung upuan ay gawa sa rattan pati ang mesa. Yung bawat upuan ay mayroong di tanggal na foam na kulay brown.

Bahagyang malamig ang paligid, gawa siguro na nasa lilim ito ng punong mangga.

Nakita kung umupo si Santiago sa kabilang upuan kaya naupo na din ako. Baka masabihan ako kagaya kanina. Napasandal ako sa upuan, yung kaninang naramramdaman kung nerbiyos ay bahagyang humupa. Nakakagaan ang ambiance ng gazebo.

"Mukhang magugustuhan mo ang magiging bagong tahanan mo Ms. dela Paz."

Napatingin ako sa kanya, hindi ko kasi alam kung anong ekspresyon mayroon sa mukha niya. Masaya ba o hindi habang sinasabi niya iyon. Kaso parang kaswal niya lang na sinabi. Wala akong makitang emotion kasi.

"Yes po, maganda kasi ang mansion nyo Mr. Mariano. Habang naririto ako pakiwari ko nasa lumang panahon ako. Yung katahimikan na nais ko, nandito sa mansion nyo," thats true, kaso ang problema makakatagalan ko kaya ang pagtira dito kung siya ang kasama ko.

"That's good Ms. dela Paz, mukhang madali mong makakasanayan ang buhay dito. Anyways kapag nasa trabaho ako at busy at bibihira akong umuwi dito. Kaya malaya ka sa lahat ng oras, subalit kapag nandito ako, you must perform your wife duties."

Wife duties? Parang kinabahan ako bigla. Hindi ako bata para hindi maintidihan ang bagay na 'yon. Ngayon pa lang kinikilabutan na ako.

"I know Mr. Santiago."

"Good, mukhang madali kang kausap. Since a month from now ay magiging Mrs. Santiago Mariano ka na, we should be in first name basis. Call me Santi."

"Okay po, Gab na lang po sa akin. Iyon naman kasi ang nakasanayan ng lahat na itawag sa akin."

"Gab.... okay then please drop the po."

"S-sorry ," hinging paumanhin ko.

"This is our first meeting so i must call it a celebration." Tumayo siya at nagsalin ng inumin na nasa mesa na pala. Hindi ko kanina napansin na merun pala.

"S-sorry but i don't drink Mr. Mariano... este Santi pala."

"Ows? Dont worry light lang ito," at lumapit siya sa akin para iabot ang baso ng alak.

Hesitant pa ako noong una, pero tinanggap ko na. Sige na nga minsan lang 'to. Nakakahiya kung tanggihan ko siya baka magalit pa.

Itinaas niya ang baso niya at nagcheers.
Agad ko naman ininom ang alak na bigay niya. Napaubo ako ng sumayad sa lalamunan ko ang alak. Gush! Sabi light lang para naman napaso ang lalamunan ko. Feeling ko nag-init ang buong sistema ko.

Napatingin ako kas Santi, nakangiti lang ito habang nakatingin sa akin. Damuhong na to, parang pinagti-tripan ata ako. Napaubo pa ako ulit, dali-dali naman akong nagsalin ng tubig mula sa pitcher na nasa mesa. Ang sama talaga ng lasa.

"Grabe naman, sabi mo light lang. Bakit ang tindi ng guhit sa lalamunan ko!" Parang bata na reklamo ko. Narinig ko lang itong tumawa.

"Oo light lang to," tumayo ito at lumapit sa akin. Amusement on his face.

"Hindi ah, matapang kaya."

"Hmmm ang cute mong tignan habang nagrereklamo," nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko. Ayun kinabahan na naman ako pero slight lang. Hindi na kagaya kanina. Nagbawi kaagad ako ng tingin kakaiba kasi ang kislap sa mga mata niya.

"Look at me Gabrielle!" He said in his authoritative voice. Umiling lang ako, ayoko nga.

"I said look at me," may halong diin sa boses niya para makaramdam ako ng takot ulit. Dahan-dahan akong nagtaas ng tingin only to meet his gaze.

"You have a nice pair of eyes Gabrielle and a kissable lips na parang nanghihikayat para halikan." God anung sinasabi ng taong to. Nakadagdag lang lalo sa nerbiyos na nararamdaman ko.

Pilit kong iniyuyuko ang ulo ko pero hawak pa din ni Santi ang baba ko. I can't determine kung lust ba ang nakikita ko sa mga mata niya dahil hindi ko pa naexperience ang matitigan ng ganito.

"Santi, nangangawit na ang leeg ko."

Ngumiti lang siya, tapos dahan-dahan na lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Good Lord, hahalikan niya ba ako? Nangangatog ang tuhod ko, hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Napapikit ako hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.

I feel his lips touches mine. So soft and gentle and taste sweet. God, bakit hindi ako makakilos, basta ko na lang hinayaan na makuha niya ang first kiss ko. Huhuhuhu..
Hindi pwede to. Come on Gab think!

Naitulak ko na lang bigla si Santi, napaupo ito sa semento. Gulat siyang napatingin sa akin. "Hey what's wrong?

------------------------------------*******--------------

Wew naitawid ko din.hahaha.
NBSB kasi ang bida nating babae kaya ayun. Sino relate na yung first kiss ninyo naibigay sa taong hindi mo naman gusto.hahahah.

Happy reading po at salamat.

Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon