"Excuse me ha?" Tapos mabilis akong tumayo at naglakad papasok sa itinuro niyang cr. Actually halos takbuhin ko na nga ang pintuan nun. Hindi ko mawari ang naramdaman ko nung nakalapit na siya.

Pagkapasok ko ng banyo, agad dumiretso ako ng kubeta. Talagang napa ihi ako sa sobrang nerbiyos. Pagkatapos ay naghugas ako ng kamay at humarap sa salamin. Namumutla nga talaga pala ako, haist pwede bang umuwi na, sa ibang araw na lang ulit ako makikipag-usap sa kanya. Hindi ko pa pala naiready ang sarili ko.

Kaso ang panget naman ata kung uuwi na ako bigla. Baka magalit naman si Santiago, haist anong gagawin ko.

Tok.tok.tok

Narinig ko ang mahinang pagkatok sa pinto.

"Ms. dela Paz okay ka lang ba? Ang tagal mo naman d'yan sa loob!" boses niya 'yon. Wiwi lang kasi paalam ko pero inabot na ako ng kung ilang minuto.

"Ahmm okay lang ako,nag-aayos lang." Weeeh palusot!

Humarap ako sa salamin at kinompose ang sarili. Hindi dapat ako kakabahan sa kanya, dahil once naikasal na ako hindi pwedeng sa lahat ng oras ay ninerbyusin ako sa presensiya niya.

"Oh okay, lumabas ka na at dinner is ready."

"Sige, lalabas na!"

Huminga ako ng malalim, "kaya ko 'to. Fighting!"

Pagkabukas ko nang pintuan ay napatingin ako sa sofa wala na doon si Santiago. Hmmm baka nauna na sa dinning area.

"Are you looking for me?"

"Hay kalabaw!" Gulat ako ng bigla siyang nagsalita. Nasa gilid pala siya ng pinto at hindi ko kaagad napansin. Pakiramdam ko lumukso ang puso ko palabas sa gulat.

"Hey, why are you that surprise?"

"Ha? ah - eh, w-wala. Ano kasi a-akala ko nakaalis na kayo," hay umayos ka Gab.

"Bakit naman ako aalis, eh di hindi ka makakarating sa dinning area kung ganun." Mahina lang ang pagkakasabi niya. Nagtaka naman ako biglang nag-iba ang tono ng boses niya. Kanina ang bossy niya kung magsalita tapos ngayon parang ang bait niya. Bipolar ba siya?

Napatingin naman ako sa kanya, pero bigla din akong nagbawi ng tingin. Nakatitig na naman kasi siya sa akin. Bakit ba ang hilig nitong tumitig, naaasiwa kasi ako.

"Let's go, nagugutom na ako!" At nagpatiuna na itong naglakad. Ako naman ay nakasunod lang. Ipinagbukas din ako nito ng pinto, may pagka gentleman din pala kahit papano. Tapos nauna ulit siyang maglakad hanggang sa makarating kami ng dinning area.

Namangha ako sa laki ng kainan nila, tapos ang haba ng mesa na ang gara pati upuan. Sa tantiya ko mga labing walong upuan ang naroroon kasama na yung nasa magkabilang kabisera. Tapos may isang portrait ng magandang babae sa kaliwang bahagi ng dingding. Kulay brown ang lahat ng naroroon pati yung salamin na nasa likod nung pinaka-upuan sa kabilang dulo.

May katulong na nandodoon at nag-aabang na sa amin. Yumukod pa ito pagkarating namin. Binati ko naman ang katulong na bahagyang napangiti ng marinig ako.

Ipinaghila ko ang sarili ko ng upuan, hindi naman kasi nag-abalang ipaghila ako ni Santiago. Weather-weather ata ang pagiging gentleman nito.

"Lets eat Ms. dela Paz," anunsiyo niya ng nakaupo na ako ng maayos.

Nagsimula na kaming kumain, ininyayahan ko pa ang katulong pero umiling lang ito at napangiti. Tahimik lang kaming kumakain na puros lagitik lang ng kutsara at tinidor ang maririnig mo.

Nang makatapos kami, naunang tumayo si Santiago at inutusan ang katulong para iligpit na ang pinagkainan namin.

"Lets go sa veranda Ms. dela Paz, magpapahangin muna tayo doon," 'yon lang at naglakad na ito. Sumunod naman ako, mahirap na baka hindi ko marating ang veranda. Nagpasalamat muna ako sa katulong bago ako tuluyang lumabas ng dinning area.

Loving The BeastWhere stories live. Discover now