EPILOGUE - Part 3

Start from the beginning
                                    

"Gusto mo samahan na kita?" Alok ni Rodney. Umiling ako.

"Kaya ko, Rod. Magtetext nalang ako sa inyo pag nakauwi na."

Wala na rin silang nagawa kundi umalis. Nung hindi ko na sila nakikita ay saka ako tumakbo paibang direksyon. Kasama ko naman si Leira kaya alam ko kung nasaan ang kapatid niya. Hindi kami nagkakausap ni Leira dahil sa kagustuhan rin niya dahil baka raw atakihin na naman ako sa puso at magsuka ng dugo. Delikado na sa akin ngayon ang kumausap ng kahit sinong kaluluwa dahil nari-risk ang buhay ko. We just look at each other and through that, we can communicate. Pero kahit ganun lang, minsan nanghihina ako.

Sumakay ako sa napara kong taxi at sinabi sa kanya ang direksyong sasabihin ko. Hindi ako mapakali sa kung saang direksyon kami dadalhin at kumakalabog ang puso ko sa bilis sa hindi ko malamang dahilan. Makikipag-usap lang naman ako kay Laira.

"Eh miss, sure ba kayo sa daanan?" Tanong ng taxi driver.

Tumango lang ako. "Tama po, kuya."

"Eh miss, parang alam ko na kung saan ang punta niyo. Daanan papuntang 'Southwest Cemetery' po 'to miss."

"Po?" Cemetery? Sementeryo? Lalong dumagundong ang puso ko na parang nahihirapan na akong makahinga.

"Southwest Cemetery miss." Ulit ni kuyang driver. "Oh nandito na po tayo." Tiningnan ko ang paligid at nakita ko ang entrance na may 'Southwest Cemetery' na nakalagay.

Agad na akong nagbayad kay kuya at bumaba. Nakita ko ang sasakyang gamit ni Laira kanina kaya natitiyak kong nandito siya.

"Kayla.. p-parang alam ko itong lugar.." Parang may hinala na rin ako kung bakit nandito si Laira sa sementeryo.

Hindi ko na siya nilingon at dahan-dahan akong pumasok sa loob. Naharangan pa nga ako ng guard pero nung sinabi kong kasama ako ng babaeng huling pumasok, which is Laira, pinapasok naman nila agad ako. Nilibot ko ang paningin ko sa sementeryo. Marami akong nakitang mga krus na gawa sa marmol sa paligid o di kaya ay mga lapida na nalalakaran ko.

Hindi na ako masyadong naghanap dahil natagpuan ko rin agad si Laira. Nakaupo siya sa tabi ng isang lapida. I walked towards her.
Nung nasa likod niya na lang ako ay tinitigan ko ang lapida na may kandilang alam kong siya ang nagsindi at may bouquet ng white roses. Naramdaman naman ata ni Laira na may tao sa likuran niya kaya't napalingon siya sa direksyon ko. Nag-angat siya ng tingin at na-rehistro ang gulat sa kanyang mukha.

"W-what are you.." She didn't finish her sentence.

Tahimik akong naupo sa tabi niya. Leira is on our back looking at the tombstone beside us.

"Pasensya ka na kung sinundan kita. Gusto lang kitang makausap.." Nakita ko siyang hinawakan niya ang lapida.

'Leira Scott. Born on: February 23, 19** - Died on: July 5, 20**' --yan yung nakaukit sa lapida. So I was right. This is where Leira rest.

"Wala iyon." Pagkatapos niyang sabihin yan ay wala na naman kaming naging imikan.

Nakikita ko kay Laira ang kakambal niya, at naiiyak ako dahil nami-miss ko na si Leira, nami-miss ko na siyang kausapin. Ang kakulitan niya, ang pagiging isip-bata niya, at ang kababata ko. I missed my best friend.

"You know, Leira was my first ever friend. Nasabi ko na ito noon pero hindi ako pala-kaibigan noong bata pa ako. Anti-social kumbaga. But when I met your twin sister, I mean her being a ghost, para akong nakahanap ng taong kaibigan, makakasama.. kapatid. Creepy as it seem but I am not afraid even when I became conscious of what Leira is."

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now