Chapter 1 - Crush

997 21 8
                                    

~ Chapter 1 - Crush ~

*JUSTEINE'S POV*

Pagdilat pa lang ng mata ko, isa lang ang nasa isip ko. At ano yun? Yun ay: AYOKO PANG PUMASOK.

Eh sino ba naman kasi gustong gumising ng ganitong kaaga para lang umupo at makinig sa boring na guro? Wala diba? Or sadyang tamad lang ako? Oo nga. Sadyang tamad nga lang ako.

*yawn* Parang kelan lang sembreak pa lang tapos eto nanaman tayo, hirap na hirap sa gisingan.

"Justeine! Bumangon ka na diyan! Mala-late na tayo!!!" Tinakpan ko pa ng unan yung tenga ko. Napakalakas naman kasi ng boses eh. Ano yun? Nakalunok ng megaphone? Siguradong si Kuya Shone 'yon.

'Eh Justeine hindi ka naman kasi magigising kapag hininaan niya diba? Diba?' sabi naman ni konsensya. Commercial lang ng Joy?

Ako nga pala si Justeine Nicole Rendez ang nag-iisang babae dito sa bahay namin. Pale skin, long hair, pero ang porma ko.. hindi niyo na gugustuhing malaman.

"OO NA KUYA!! SANDALI!!" sigaw ko at hirap na tumayo sa kama. Anong magagawa ko? Sadyang malakas ang gravity tuwing umaaga eh.

As soon as nakatayo na ko, naglakad na ko papunta sa banyo ko. Naligo, nag toothbrush at yung mga ginagawa niyo pagkagising.

After all my morning rituals I went downstairs. Nandun na rin sila Kuya Jeremy, Kuya Renzo, Kuya Lance at Kuya Shone.

"O bunso kain ka na!" sabi ni Kuya Renzo habang nginunguya yung tinapay sa bibig niya.

Si Kuya Renzo? Paano ko ba siya idedescribe? Basta gwapo siya. Siya rin ang pangalawa at pinaka basagulero sa amin. Lapitin yan ng away eh. Trouble magnet. Diyan ako natututong makipag-away! Pero siyempre hindi naman kami umaabot sa point na duguan na yung kaaway namin.

"Sige Kuya Renz, salamat." sambit ko habang umuupo sa tabi ni Kuya Shone at Kuya Jeremy.

Sinimulan ko nang kumain, or lumamon? Pasensya na, nasa lahi namin ang pagiging matakaw.

Pagkatapos kong kumain hindi pa rin tapos si Kuya Shone. And let me tell you, mala-late na kami.

"Dalian mo naman Shone! baka malate na tayo oh!" Inis na sabi ni Kuya Lance sabay tingin sa wall clock.

Si Kuya Lance, pangatlo, ang pinaka masungit at pinaka mahilig mambara! Medyo nag-mana rin ako diyan.

Si Kuya Jeremy naman ang siga at pinaka matanda sa amin takot kaming lahat diyan. Bad tempered kasi yan eh. Pag may ginawa kang masama at nakita ka niya, takbo hanggang may lupa!

"Kuya Shone naman! Ikaw kanina nagmamadali tapos babagal bagal ka ngayon? Ano ba naman yun?!" Sigaw ko kay Kuya Shone.

Hah! Si Kuya Shone pang-apat sa amin. Pinaka-matinik sa babae. Babaero yan! -__-

"Nga naman Shone!" Pagsang-ayon sakin ni Kuya Renzo.

"Shandali yang naman!" Sabi ni Kuya Shone habang may lumilipad pang pagkain mula sa bibig niya. Eewwww.

"Don't talk when your mouth is full!" Sabi ko.

Kuya Jeremy hissed. Ayan, naiinis na. "Hoy Shone! bilisan mo nga malalate na nga kayo eh. Ang KUPAD mo talaga!!" sigaw ni Kuya Jeremy sa kanya.

"Sorry naman po. Halika na nga!" at after 48 years tumayo rin siya. Like what I said, lahat kami takot pag dating kay Kuya Jeremy.

Naglakad lang kami papuntang school. Napakalapit lang naman kasi ng school namin sa bahay eh. After 15 minutes of walking, nakarating na rin kami.

My "Cool" Love [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon