EPILOGUE - Part 2

Start from the beginning
                                    

"Kahit hindi mo sabihin ikaw lagi napapanaginipan ko. Minsan nga nakakaumay na---DENIRO!" Bigla siyang pumaibabaw sa akin and gave me his infamous grin.

"Nauumay ka na misis? Ha, nauumay na pala ah.. hmm... bango naman ni misis.." Inaamoy-amoy niya ang leeg ko at nakikiliti na naman ako.

"Deniro ano ba! Inaantok na ako. Okay sige na, hindi na ako nauumay, sawa lang--"

"Misis, gusto mong maglaro ulit tayo para maging twins ang baby natin. Now, thats a great idea what do you think?" He seductively look at me and kiss me.

Natawa ako sa ginagawa niya pero nagugustuhan ko naman.

"No its not. Masakit manganak no! Ikaw kaya magdala nito ng nine months at ipanganak?" Hindi siya sumagot instead he give me a peck on my lips and laid his back beside me.

Bigla naman akong nag-alala kasi naging seryoso siya bigla. "Hubby what's wrong? May nasabi ba akong masama, then I'm sorry--"

"Wala kang sinabing masama. Napaisip lang ako sa sinabi mo.." He cupped my face and kiss my forehead. "Kung pwede lang na ako ang masaktan when you deliver our baby, aakuin ko para hindi ka masaktan, you know that I won't let anything to hurt you. Pinangako ko iyan sa harap ng parents mo, sa mga friends natin at sa diyos hindi ba?" Tears starts to fall and I could't hold it anymore.

He just said something touching and sweet. Mapipigilan ko pa ba ang luha ko ? Niyakap ko nalang siya at hinarap siya. "I love you hubby. Hindi ko alam kung ano ako ngayon kung hindi ka dumating sa buhay ko. Siguro single pa rin ako hanggang ngayon kasi alam kong walang magmamahal sa akin eh. Isa nga raw akong prinsesa na mahirap maabot eh."

"Shhh.. stop crying na wifey. Hindi rin naman ako papayag na maabot ka nila, kasi ako lang wifey.. ako lang ang prinsipeng aabot sa prinsesa. nagpapasalamat lang akong maaga kitang nakilala. Miss sunget." Napalo ko ang balikat niya. Tawa lang siya ng tawa.

Para na kaming tanga dito. Tatawa, iiyak, matutulog pero tatawa ulit at iiyak.

"Matulog na nga tayo. And this time for real na!" I heard him chuckled pero niyakap na niya ako ulit at pumikit na nga rin siya. Tiningnan ko muna siya at mabilis na hinalikan sa labi bago ako pumikit at masayang nakatulog. Thank you Lord.


[End of Pran's POV]

****

ATE MIGUELLE/MIG

"Nanay, may project kami tapos nag-suggest si Karynna, yung classmate ko, na sa bahay nalang daw nila gagawin. So sleepover po kami, okay lang po nay?"

"Papayag ako.. pero promise me na project talaga iyon and ipapahatid kita kay kuya Mario mo. Nagkakaintindihan ba tayo ate?"

"Opo naman nanay!"

Nagluluto ako ng pang-dinner namin habang nagsasalita ang anak kong babaeng si Riley, na nasa grade-seven na sa ngayon. Ganun din ang kakambal niyang si Mario at talaga namang ang tatalino ng mga anak ko. Mana sa ama nila. I smiled at the thought.

Seven years had passed.. sobrang bilis na lumipas at hindi pa rin ako makapaniwala na isa na akong ganap na housewife at mother of four children ngayon. Yes, Kelly and I got married one year after all of that happened. Anim na taon na kaming mag-asawa at ganun na rin katagal na housewife nalang ako. Nag-quit na ako sa trabaho ko sa company ng family ko at naintindihan naman ako ni mama noon. Lalo pa at buntis ako noon sa unang anak namin ni Kel.. si Kellan, ang pangalawang lalaking anak ko. He's five years old now at two years ago, nabiyayaan ulit ako ng anak na babae, si Kerry. Oo, nasusunod talaga sa pangalan ni Kel ang mga pangalan nila.. parang si Mario at Riley lang sa una kong asawa.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now