Chapter 34: The real issues

222 6 0
                                    


(A/N: Something came up, kaya ngayon lang ulit ako makakapag-update. Ang hirap pala talaga kapag nawalan ka ng mahal sa buhay frown emoticon Anyway, tuloy pa rin ang buhay kaya dapat always be happy. )

Chapter 32: The real issues

>Kylie's POV<

"WHAT?!" napasinghap ako dahil sa mga nalaman ko mula kay Sean.

So, totoo nga. I can't believe this! All this time, nililinlang pala kami ng taong akala namin ay totoo naming kaibigan. Gusto kong mapaiyak sa mga nalaman ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga napag-alaman ko kay Stef. I still can't imagine to lost her as my friend but there's nothing that I can do about it, except for accepting the fact that she's been betraying Michie.

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin Sean?" nagtatanong ang mga matang wika ko.

"I'm sorry about that Kylie, ayaw kasing ipaalam ni Drake sa inyo na mga kaibigan niya. Iniisip pa rin kasi niya yung pagkakaibigan na mayroon kayo." paliwanag niya.  

Napatampal ako sa noo ko. Hindi kaya ito yung ibig sabihin ni Drake sa sinabi niyang. "Ayokong sabihin dahil ayokong makasira ng pagkakaibigan." Bakit nga ba ngayon ko lang naisip yun?

"It's the least thing that I can do for Michie and for my friend Drake. Naaawa na rin kasi ako sa kaibigan ko, hindi naman kasi ganyan ka miserable dati ang buhay niya noong hindi pa na aksidente si Michie." nalulungkot niyang saad.

He was right, ang laki na nga ng ipinagbago ni Drake sa noon at ngayon. He is not the Drake that I've barely known anymore. Yung Drake na ngumingiti sa tuwing nagkikita sila ni Michie. Napansin kong para kasing napalitan ang lahat ng iyon ng lungkot.

"Hindi ko pa rin inaakalang magagawa niya sa kaibigan namin ito. I really felt sorry for Michie kasi wala man lang kaming ibang nagawa kundi ang pagtakpan ang katotohanan tungkol sa nakaraan nila ni Drake." Iyon ay dahil iniisip naming kasalanan lahat ni Drake ang nangyari kay Michie.  

Maling-mali nasa kanya namin ibinunton ang lahat. Mali pala talaga ang magbintang sa kapwa natin lalo na't wala naman tayong sapat na pruwebae para mapatunayan ito. Ngayong alam ko na ang lahat ay hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong ito.

"So, anong plano mo?" tanong niya.

"Kailangang malaman ni Michie ang lahat ng ito pero hindi nga lang ngayon. Siguro pag dumaan na yung araw ng birthday niya."

Naalala ko kasing malapit na nga pala yung birthday niya. Kaya ayokong malaman niya ang lahat ngayong malapit na iyon. Ayoko namang masira ang pinaka espesyal niyang araw.

"Huwag kang mag-alala Kylie, nandito lang ako palagi sa tabi mo. Kaya kung ano man ang laban mo ay laban ko rin" seryoso niyang wika.

Hindi ko alam pero parang nabura ang lahat ng pangamba ko at napilitan ang lahat ng iyon ng lakas ng loob at determinasyon. Ginantihan ko siya ng aking matamis na nginiti.

'Don't worry Mich, eveything will now going to be okay!' wika ko sa aking isipan.

>Cath's POV<

I slammed the door of my car furiously and went inside. My tears started to flow. I really can't help it anymore. Feeling ko sasabog ako sa oras na hindi ko mailabas ang sakit na nararamdaman ko. Mabuti na nga lang kanina ay napigilan ko pang mapaiyak mismo sa harapan niya.

I know that time will surely come that I, Cathlyn Dela Vega, will going to regret this for letting him go. I am so stupid for ending things so easily. Pinaghahampas ko yung manibela ng kotse ko. It's just only my way in venting out my feelings while I let myself to cry over and over again.

Mirror of the Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now