Chapter 15: The Flashback (Part 2)

255 6 0
                                    


"Why? what are you afraid of?" tanong sa kanya ni Kylie.

"Na baka pag naging sila ni Drake ay lumayo na sa atin si Michie."malungkot nitong wika.

Natawa siya sa sinabi ng kaibigan. She never even imagined herself being with Drake. Kaya imposible ang nais nitong mangyari.

"Nakakatawa ka naman pala Stef. You know how I hate that Jerk. Kaya imposibleng mangyari ang sinasabi mo." untag niya sa kaibigan.

"Bakit? bagay naman kayong dalawa Mich ha." komento naman ni Kylie.

"Bakit nung kanina lang kung pagsalitaan mo ng masasamang bagay yung tao laban sa kanya--"

"Uy! pinagtatanggol si Drake." tukso sa kanya ni Kylie.

"Tumigil ka nga diyan. It will never really happen. Mabuti pa at umuwi na tayo." aya niya sa mga ito.

"Huwag ka ngang magsalita ng tapos. Sige ka..." kahit sa paglalakad nila ay patuloy pa rin sa panunukso si Kylie sa kaibigan habang tahimik lang sa tabi sina Cath at Stef.

Lingid sa kanilang kaalaman, naikuyom ni Stef ang kanyang kamao dahil sa inis

Wala naman talaga sana siyang balak na sabihin ang totoo kaso naipit siya sa tatlong kaibigan. Kaya ang nangyari ay napaamin siya ng wala sa oras. Pero hindi siya makakapayag na ganun ganun lang ang mangyayari.

Dumaan ang mga araw ay hindi na namalayan ni Michie na napapalapit na pala ang kanyang kalooban kay Drake. Imbes nung una ay si Kylie lang yung tumutukso sa kanya pero hindi naglaon ay buong klase na nila.

Hanggang sa isang araw ay niyaya siya ni Drake na manood ng sine.

"Para saan ito?." tanong niya ng abutan siya nito ng isang kapirasong ticket.

"Syempre ticket, ano pa ba?." pabalang nitong sagot.

"Hindi naman yun eh, ang ibig kung sabihin ay kung bakit mo ako binibigyan nito." nagtataka niyang tanong rito.

"Ahm... kung okay lang sayo ay yayayain sana kitang manood ng sine mamaya." sabi nito sabay napakamot sa batok.

'Abay! namula ata ang loko'

"Paano kung sabihin ko sayong hindi ako pwede mamaya kasi may gagawin pa ako. Iba na lang ang yayain mo." sabi niya rito.

"Eh ikaw lang naman ang gusto kong makaasdfghjkl." bulong nito.

"Ha? anong sabi mo?." tanong niya ng hindi niya marining yung sinabi nito dahil abala siya sa pagkokopya sa board ng kanilang takdang aralin.

"Ahh... wala, ang sabi ko ay itatapon ko na lang itong ticket total wala na rin lang namang makikinabang."

Natauhan siya sa sinabi nito. Itatapon? sayang naman kung itatapon niya lang yung ticket. Hmp, palibhasa kasi ay anak mayaman.

Teka... anak din naman ako ng mayaman ha. Ayy! ewan nasasayangan lang talaga ako dun sa ticket.

"Sandali lang..." tawag niya rito ng akmang aalis na sana ito sa kanyang kinatatayuan.

"Oh ano?." tanong ni Drake.

"Erm.. sige na nga pumapayag na ako."

"Talaga? woah! so, it's a date then?." masaya nitong pahayag.

"Shh... huwag ka ngang maingay diyan at baka kung ano pa ang isipin ng mga kaklase natin." sabi niya habang tinatakpan ang baba nito.

Tinanggal niya na yung mga kamay niya sa pagkakatakip.

Mirror of the Past (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora