Prologue:

1.4K 29 7
                                    


Nanlumo ako sa aking nasaksihan kung paano siya yakapin ng isang pamilyar na babaeng nakatalikod. Ngunit ang mas nagpagulantang sa aking katauhan ay ang mga sumunod na eksena.

Ang sumunod na pangyayaring aking nasaksihan ay ang syang nagpaguho sa aking mundo at nagpadurog ng aking puso.

Bumigat ang aking pakiramdam sapagka't sinalubong siya nito ng isang mariin na halik. Hindi ko mawari ang aking gagawin sa mga oras na iyon. 'Tila ba naging isa akong bato sa kinatatayuan ko kaya napayuko na lamang ako.

Nagsimula ng pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Napasinghot ako dahilan upang pareho silang mapatangin sa aking gawi.

"Michie?!" bulalas ng dalawang taksil na ngayon ay aking kaharap.

Tila ba'y hindi mawari ang pagkagulat na nakaukit sa kanilang mga mukha.

Mga taksil! hindi ko aakalaing magagawa nila ang bagay na ito sa akin. Sila na lubusan kong pinagkatiwalaan ay siya pa lang mananakit ng aking damdamin. hiyaw ng aking isipan.

"A-anong ibig sabihin nito?" nauutal kong tanong ng makabawi mula sa pagkagulat.

"It's not what you think. Please let me explain ..." akmang hahawakan na sana niya ako ng iwinaksi ko iyon.

"Huwag mo akong hahawakan." pagtataboy ko sa kanya na para bang nandidiri.

"Mga walang hiya kayo! Mga walang utang na loob. Paano niyo nagawa sa akin ang bagay na ito? at kailan pa?" bulalas ko.

"Matagal na." sagot ng babaeng kasama niya.

"Stop it!" saway niya rito.

"Bakit totoo naman diba? we planned this aren't we?"

Nagtaka ako sa kanyang sinabi.

"We planned this aren't we?"

"We planned this aren't we?"

"We planned this aren't we?"

Parang sirang plaka na nag pabalik balik ang mga salitang iyon.

"Isn't this exciting? pinagplanohan lang naman naming dalawa na paibigin ka."

"Bakit?" mahina at mahinahon kong tanong.

Tinignan ko lamang sila na para bang naghahanap ng kasagutan. Nanggagalaiting naikuyom ko ang aking kamao habang nanginginig ang aking mga kamay.

"Matagal niyo na pala akong nilolokong dalawa. Ang tanga ko naman, lalong lalo na sa'yo." matigas ngunit may halong pait na wika ko.

Hindi ko na kinaya pa kaya aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan. Para bang any time ay sasabog na ako sa galit at pighati na aking nararamdaman. Kung maari lang sanang maglaho ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay baka naging manhid na ako.

Napaharap ako sa kanya at inboluntaryong sinampal ang kabila niyang pisngi.

*PAK*

Nakita ko kung paano iyon mag marka.

"I-I'm sorry." iyon lamang ang kanyang naisambit at tuluyan na ring bumagsak ang kanyang mga luha.

Nakaramdam ako ng pagkirot sa puso ko pero tama lang din naman sa kanya yan kasi isa siyang manloloko. Kung tutuusin nga ay kulang pa ang ginawa kong pagsampal sa kanya.

Pagkatapos ay saka ako napatakbo habang walang tigil ang pag-agos ng aking mga luha sa magkabila kong pisngi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya hinayaan ko na lamang kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Dahil sa natatakpan ng mga luha ko ay amh aking paningin ay hindi ko napansin na nasa gitna na pala ako ng kalsada.

Mirror of the Past (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant