Epilogue:

352 6 0
                                    


Her P.O.V.


-After 4 years-


"Excited na talaga ako Mitch." kinikilig na wika ni Kylie.

Tinignan ko siya gamit ang repleksyon niya sa salamin. She's wearing a soft pink gown with matching flower designs at the top of her head. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot at hindi ko maipagkakailang ang ganda ganda niya.

"Hindi ko aakalaing darating ang araw na ito. Parang kailan lang ay inaayusan ko pa kayo noong masquerade ball ninyo." ani ni Vinier habang abalang-abala sa paglalagay ng kolorete sa aking mukha.

"Ano ba yan! hindi pa ba tapos yan Vinier?" naiinip na tanong ni Kylie.

"Halata ngang excited ka masyado Kylie, ano?" sarkastikong sabi ni France na siya namang nag-ayos sa kanya.

Hindi lang din naman ako excited medyo kinakabahan din nga ako sa araw na ito.

"Mukhang excited ka pa nga kesa sa bride." nakangiting komento naman ni Lorenz.

Dahilan upang mapanguso siya at natawa na lang din kami sa naging reaksyon niya.

"Sandali na lang madam ... itong flower pot na lang ang kulang at isasabit ko na lang sa ulo ng kaibigan mo."

Inipit na niya ito sa aking buhok na kung saan ay nakalagay sa kaliwang bahagi ng aking ulo.

"Oh diba, tapos na. Haay naku! nakakainggit talaga kayo mga bakla. Kung pwede lang din maging bridesmaid ay hindi na ako nag-atubiling ipresenta ang sarili ko." dagdag niya.

"Thanks Vinier." nakangiti kong sabi na siya namang sinuklian niya ng ngiti.

"As if! namang papayag ang mga yun noh. Mga magaganda lang naman kasi ang pupuwede." nagbibiro namang sabi ni France.

"Oo nga! kaya malabong kuhanin ka bilang Bridesmaid." sang-ayon naman ni Lorenz.

"Che! ang chachaka niyo! Ang sabihin niyo ... Inggit lang talaga kayo dahil mas maganda naman ako kesa sa inyo." nakapamewang niyang sabi at sakay ay umirap sa dalawa.

Napuno ng tawanan sa loob ng kwarto. Tumayo na ako at tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Wala talaga akong masabi pagdating sa paglalagay ng make up sa akin ni Vinier. Bumagay kasi sa make up ko sa damit na suot ko. Magaling naman kasi silang mga beauticians kaya hindi na kami nagsisising sila ang kinuha namin. Halatang mga propesyonal.

Tulad ng kay Kylie ay nakasuot din ako ng kulay pink na gown habang nakalugay naman ang maikli kong buhok. Maikli na ngayon ang dating mahaba kong buhok na lagpas hanggang balikat.

Marami na kasi ang nagbago sa apat na taon na nakalipas. Sabay kaming nakagraduate nina Kylie sa kursong aming kinuha. Though nagtatrabaho na ako sa kompanya namin. I'm actually helping my brother in managing our company which is the Hotel and Restaurant.

Nakatitig pa rin ako sa sarili kong repleskyon sa salami. Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari noon. Hindi mo nga naman talaga matatakasan ang nakaraan. Mas lalong hindi ko inakala noon na mauungkat pa rin ang nakaraan ko. Isang masama at magandang nakaraan.

Napatingin ako sa pintuan ng bigla itong bumukas at iniluwa niyon si mama. Tapos na din pala siyang maayusan. Ang ganda talaga ng mama ko. Kaya nga manang-mana ako sa kanya.

#SelfPraised!s

"Michie sweetheart." nakangiti niyang salubong sa akin.

Napansin ko si Kylie sumesenyas mula sa likuran ni mama. Agad ko namang naintindihan ibig niyang sabihin na sa labas lang daw siya maghihintay sa akin. Kaya tumango ako bilang tugon.

Mirror of the Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now