Chapter 33: The revelation

211 5 0
                                    


(A/N: Iniaalay ko po ang Chapter na ito sa mga readers ko na walang sawang sumusubay ng istoryang ito. and if ever na hindi ko matapos ang Chapter na ito. Pagpasensyahan niyo na lang kasi black-out po sa amin ngayon. Thanks! smile emoticon )

Note: This is the continuation of Drake's POV.

Chapter 33: The revelation

>Drake's POV<

Sa bawat pagbagsak ng butil ng ulan ay hinayaan ko lang na sumabay sa pagtulo ang mga luha ko. Nanginginig na ako ngayon dahil sa ginaw pero wala akong pakialam. Nanatili pa rin akong nakatayo sa lugar na iyon. Umaasang magpapakita sa akin si Michie.

Pero sarili ko lang ang niloloko ko kung talagang sisiputin nga niya ako. Sino nga ba naman ako sa buhay niya ngayon? hindi ko alam kung ano ang tamang sagot. Kahit masakit, kailangan ko na nga talagang tanggapin na wala na talagang pag-asa para sa amin. Total kasalanan ko naman talaga ang lahat.

Ang dahilan kung bakit gusto kong makipagkita sa kanya ngayon yun ay dahil gusto kong linawin sa kanya ang lahat.  Gusto kong sabihin sa kanya ang totoong nangyari bago man lang mahuli sa amin ang lahat.

*Flashback*

This is it! today's our first anniversary. Nandito ako ngayon sa tagong hardin at hinihintay si Michie. Hindi na ako makapaghintay pa na makita siyang muli upang sabay naming idaraos ang pinaka espesyal na araw para sa amin.

Excited na rin akong matikman ang paborito kong pagkain na iniluto niya. Napangiti ako, parang kailan lang ang lahat. Kung noonay pinapangarap ko lang siya at tinatanaw mula sa malayo pero ngayon ay kapiling ko na siya at nahahagkan.

Ang suwerte suwerte ko sa kanya dahil nagkaroon ako ng isang girl na mabait, maganda, maalaga, maaalahanin at higit sa lahat ay mapagmahal. Wala na nga ata akong mahihiling pa kaya hindi ko na pakakawalan pa ang babaeng bumuo ng buhay ko at ang babaebg pinakamamahal ko.

"Drake?" napatigil ako sa pagliliwaliw ng isang boses ang tumawag sa akin. Napaharap ako sa gawi nito at hindi ko inaasahang makita si Stefany.

 Ang babaeng akala ko noon ay ang siyang tutulong sa akin upang mapalapit kay Michie ngunit nagkamali pala ako dahil nilinlang niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig kong turan.

"I'm sorry, I'm sorry sa lahat ng nagawa ko" she apologized without any hint of sincerity in her voice.

"Kalimutan mo na iyon" sagot ko. Napabuntong hininga siya.

"I-I just want you to know that I like you Drake. If you only knew, matagal na kitang gusto"

I was very shocked at her sudden confession. I've never been expecting this.

"What?" gulat kong wika.

"I think, I like you is not the right word. Mahal na nga ata kita" habol niya. Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Why is she saying this to me?

"Pero alam mong may mahal na akong iba"

"Oo, alam ko. Handa naman akong maging second choice mo eh"

"WHAT? are you insane? couldn't you even consider if how your friend Michie might feel the moment she finds ouT what you've been saying" asik ko sa kanya.

"I don't care! Wala akong pakialam" sigaw niya.  

I greeted my teeth. This girl must be crazy! She doesn't even have a care kung ano man ang mararamdaman ng kaibigan niya. Michie always tell me something about their friendship. She tells me about how lucky she is for having a friend like her who can stand her despite of her flaws.

Mirror of the Past (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum