Chapter 3: During the Incident

641 13 0
                                    

 See the multimedia above ------> Starring: Korean actress Honey Lee as Cathleen Dela Vega

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


See the multimedia above ------> Starring: Korean actress Honey Lee as Cathleen Dela Vega

>Cathlyn's POV<

"Kasi gusto ko lang sana siyang mapasalamatan sa personal dahil kung hindi niya ako tinulungan ay baka wala na ako dito ngayon." sabi niya na may halong lungkot.

"Huwag kang mag-alala Mitch. Kami na ang bahalang magpasalamat sa taong yun." pagsisinungaling ko.

Sorry! po taga Lord at nagawa pa talaga naming magsinungalang. Maging ang paglilihim namin tungkol sa tunay na nangyari. Para din naman ito sa ikabubuti ng kaibigan namin.

Iyon din kasi ang habilin ng kanyang mga magulang na huwag na huwag daw naming mabanggit ang tungkol sa taong naging mitsa ng kanyang buhay.


Eto kasi talaga yung totoong nangyari...

*8 months ago*

Naglalakad kaming dalawa ni Kylie sa may quadrangle ng school kasi kanina pa namin hinahanap sina Mitchie at Stef. Kanina pa kasi umalis yung dalawa pero mas nauna si Stef na umalis.

Halos nilibot na nga namin yung buong school pero hindi parin namin sila mahagilap. Wala din kaming ideya kung saan pumunta yung dalawang yun. Basta ang alam lang namin ay magkaiba sila ng pinuntahan.

Kanina pa din namin sila tinatawagan at tinetext pero hindi naman nila kami sinasagot o nirereplyan man lang. Sa tingin ko ay lowbat yung phone ni Stef habang naka silent mode naman yung kay Mitchie.

Nakaramdan kami ng gutom kaya napagpasyahan naming dalawa ni Kylie na kumain sa cafeteria. Hindi pa kasi kami kumain ng tanghalian nung time na yun dahil nasanay kaming apat na magkakasabay. Pero no choice! kesa naman gutomin namin yung mga sarili namin at baka mabaliw pa kami kahit na hindi naman sigurado kung makikita namin sila kaagad.

Habang tahimik kaming kumakain ni Kylie ay may marinig kaming naguusap-usap sa katabi naming mesa. Hindi po ako chismosa kasi hindi naman po ako yung tipo ng tao na nakikinig sa usapan ng iba pero kasi ewan ko ba pero parang may nag titrigger sakin na dapat akong makinig.

"Kawawa talaga yung babaeng nasagasaan noh." sabi ng isang bakla.

"Yun ba yung naganap kanina sa labas ng school natin? " nagtataka namang tanong ng babaeng kasama nito.

"Oo, yun nga!" sagot naman nito.

Sa totoo lang ay naninibago ako ngayon kay Kylie kasi ang tahimik niya ngayon. Kadasalan naman kasi ay napakaingay nito na halos hindi na maubusan ng sasabihin kaya alam kung nakikinig rin siya sa usapan.

"Sa pagkakaalam ko ay sikat daw yun sa ibang department." patuloy na kuwento ng isa ng babae.

"Oo, yun nga yung naririnig ko." sang-ayon naman nung kausap nito.

Mirror of the Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now