Chapter 20: Stay away from that guy

246 5 0
                                    

>Drake's POV<

"Boom! Sapul!" hiyaw ni Oliver na may kasama pang pagsuntok sa hangin.

"Ano ba yan! Kunti na lang talaga at maaabutan na sila ng kalaban." inip na sabi ni Bryle.

"Go! Golden Stake. Hahaha akin na yung isang libo mo siguradong talo na yang bias mo."

"Huwag ka ngang pakakasiguro maaabutan din ng Houston Rocket yang Golden Stake mo." singhal sa kanya ni Bryle.

"Ano ba! ang ingay niyo talagang dalawa." reklamo ni Denver.

Tss... ang ingay-ingay talaga ng mga kumag na ito. Nagpustahan pa talaga kung sinong team ang mananalo. Kung hindi lang ako makapagtimpi ay baka kanina ko pa sila nasipa palabas ng bahay.

Oo, nandito nga pala kami ngayon sa bahay ko. Pagkatapos kasi ng klase namin ay nagyaya silang manood ng basketball. Kung makapagyaya ang mga kumag parang walang sariling mga bahay na inuuwian.

Buti na lang talaga at wala si Dad ngayon kaya malaya kaming gawin ang lahat ng gusto namin. Isa pa, hindi na din naman bago pa sa kanila na mamalagi dito.

Pero sa tingin ko talaga ay namimihasa na ang mga kumag. Porke't kilala na sila ng Dad ay okay lang sa kanilang pumunta rito.

Isang tunog ng bell ang nakapukaw sa atensyon ko.

'Sino kaya iyon? kung si Dad man yun. Takte! lagot talaga ako nito.'

"Sir, may bisita po kayo." wika ng aming katulong na kagagaling lang sa labas.

"Sino daw?" kunot noo kong tanong.

"I'm hooooomme." sigaw ng isang matinis na boses.

"Ate Cheska?" gulat kong wika.

"Yess!!!! my handsome cousin." nakangiti niyang pahayag saka ay lumapit sa akin upang ako'y yakapin.

"Kailan ka pa nakabalik galing States?" tanong ko rito.

"Well, actually kanina pa. Oh, kumusta na pala kayo boys?" saka ay ibinaling ang atensyon sa mga kaibigan ko.

"Okay lang ate Cheska." sagot nina Oliver at Denver.

"Heto, gwapo pa rin." mayabang naman na sagot ni Bryle.

"Hahaha hindi ka pa rin talaga nagbabago Bryle." natatawa niyang saad.

"Bakit hindi mo ako tinawagan kanina at nasundo na sana kita."

"Hahaha hindi ka pa rin talaga nagbabago Bryle." natatawa niyang saad.

"Bakit hindi mo ako tinawagan kanina at nasundo na sana kita."

"Haay! naku pinsan, no need na 'coz I have roamed around the city together with my long time friends." paliwanag niya.

Tumango lang ako at tinawag yung kasambahay namin.

"Manang Felicia, pakihatid nga po ng mga gamit ni ate sa guests room." utos ko rito.

"Sige po Sir." sabi nito at umakyat na dala-dala ang mga gamit ng aking pinsan.

Ate Cheska has been so close to me ever since when we were just a kid. Though, her dad and my mom were siblings. She was always the one who's been there for me when my mom died. Not until when my Dad decided to went home here in the Philippines. After that, we just barely communicate through chat.

-------------------

Niyaya ko siyang sa may garden na lang namin ipagpatuloy ang aming pakikipagkumustahan. Baka kasi ay maingayan lang siya dun sa dalawa na hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin sa pinapanood.

Mirror of the Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now