Chapter 49: Points Of View

Magsimula sa umpisa
                                    

Tapos humiga na din ako patabi sa kanya. She closes her eyes tapos lumapit sa kin. She’s hugging me.

While watching her sleep, I remember the reason why I picked her. Why I chose her to be my daughter. To be part of this family.

A few months after my full recovery from the accident, our mother passed away dahil nga sa sakit niya. Sobrang lungkot sa bahay. It's just me and Jacob, or mostly it’s just me. Si Jacob na kasi nagtake over sa business ng pamilya. Wery young. We’re both very young, I think, to lose both our parents. Hindi ko pa nakilala yung isa.

Tapos nun isang araw bigla ko na lang naisip na mag-ampon. Di ba masaya kapag may bata sa bahay? Una reluctant pa si Jacob, pero with the power of my charm, ayun napapayag na din siya. Again, we’re too young to adopt, at wala pa sa amin ang may asawa. Pero with our power, there’s always an exception to the rule.

One day pumunta kami ng ampunan para daw makapili na kami ng batang aampunin. Pagdating dun, nakuha agad ni Denise yung atensyon ko. Two years old pa lang siya nun and she’s really cute.

Naglalaro siya sa garden ng bahay ampunan. Nakatayo lang kami nun ni Jacob sa parehong garden nang lumapit siya at tinignan kaming dalawa. Hindi siya nagsasalita nun. Natrauma daw siya.

Don’t ask her story.. it’s very tragic.

Pero kahit na hindi man siya nakakapagsalita nun, her eyes tell me everything. Yung naranasan niya... yung trauma... at yung tapang na meron siya. Take note she’s only two years old pero mas matindi yung pinagdaanan niya kesa sa kin.

And now holding her like this. Naisip ko lang na I’m 20 years old. She’s only four, but she’s a lot stronger than I am. And now she’s my strength. That’s why I decided that later. I’ll go find what I’ve lost two years ago. I won’t stop until I got answers.


Erick's POV:

Tapos na kaming mag-almusal. Naka-alis na din kami sa bahay nila Nick.

"So ano Charles?"

"Huh?" Lumingon siya sandali sa direksyon ko. Siya nagdadrive. Hindi ko na kasi dinala kotse ko kahapon, nasa pagawaan.

"Anong gagawin mo sa sitwasyon?"

"I don't know." sagot niya sa'kin.

I shrugged my shoulders. Kahit naman anong isagot niya, I already made up my mind. At sasabihin ko kay Dominic ang totoo. And let everything fall to where they should have fallen two years ago.

"Ikaw anong plano mo?" tanong niya.

"You know what my plans are."

"Pero pa'no si Jac--"

"boyfriend ka ba ni jacob? Akala ko talaga si Nick ang type mo."

"Gago. I'm just thinking, siya yung kuya. At ano tayo? Bestfriend at ex-fiancé lang."

Teka. Unang-una, nagtagalog na mura si Charles?? Tss. Lakas ba ng impluwensiya namin ni Nick? Hehehe. Pangalawa.

"Ano ngayon? Parte tayo sa characters ng istoryang to. Apektado tayo sa kahit na anong mangyari." Nagbuntong-hininga siya.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Naisip mo na ba? If we tell him, he'll do everything to have her again. And... we'll lose her again.."

May point siya doon. Maski ako, ayokong mawala si Nick.

"But seeing her happy makes it worth it for me. Ewan ko lang sa'yo. May pagkamadamot ka kasi eh."

"But isn't she happy now? She has Denise."

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon