Characters, Prologue, Chapter 1

637 8 0
                                    

Recrudescence High- eskwelahan ng mga mamamatay-taong walang pagsisisi sa kanilang mga nagawa. Mayroong tatlong batas ang eskwelahang ito:

1. Thou shall not kill anyone 'inside' the campus.

2. Thou shall not show or say any sign of remorse.

3. Thou shall follow all the rules of the school and the school leaders.

At may dalawang parusa:

1. Pagkakabilanggo

2. Kamatayan

Mga Pangunahing Tauhan:

Saint Endessa
Minus Rokua
Chro Condell
Azarel Amaranto
Blaise Yuan
Iago Lamento

Prologo:

Ang Recrudescence High ay isang kakaibang eskwelahan dahil sa mga estudyanteng mamamatay-tao na pinapapasok nila rito. Ang mga estudyante ay dapat walang pinagsisisihan sa kanilang ginawang pagpatay para matanggap sa eskwelahang ito.

Payapa ang eskwelahan nang ilang taon ngunit dahil sa isang krimeng naganap sa eskwelahan sa ilalim ng panunungkulan ng Supreme Student Government President na si Minus Rokua, magbabago ang halos lahat.

May mga patayang nagaganap sa loob ng eskwelahan na siyang lubos na pinagbabawal. Inatasan ng mga guro, principal, at may-ari ng eskwelahan na solusyunan ito ni Minus Rokua kasama ang mga piling binata para mahuli ang nasa likod ng mga pagpatay na ito.

Sina Minus Rokua, Saint Endessa, Chro Condell, Azarel Amaranto, Blaise Yuan, at Iago Lamento ay magsasama-sama, ang anim na mga binatang magkakaiba at mortal na magkaaway dahil sa nangyari sa nakaraan.

Magkakasundo ba sila?

Kanila bang matutugis ang nasa likod ng mga pagpatay?

At magbabalik pa ba ang kapayapaan sa Recrudescence High?

Kapag tapos na ang lahat, ano na ang mangyayari? May magbabago ba? O mayroong pagkakaibigan na maibabalik?

Alamin ang lahat na ito...

Sundan ninyo ang kanilang kwento...

Kwentong di-tiyak kung tama ba ang nasimulan...

Kwentong hindi alam ng karamihan...

At sabayan silang limutan ang mapait na nakaraan...

"Hmm. Halina kayo! Bukas na ang tarangkahan ng pagkakabilanggo. Halina't pumasok tayo at salubungin si kamatayan!"

Hah-Hah-Hah-Hah-Hah!

Basahin mo na.


Chapter 1-Restart
Saint Endessa


Caffeine(Recrudescence High coffee shop)
June 6, 2016
12:34 P.M.

Tumatambay na naman ako sa Caffeine at nakangising tinitingnan ang mga taong ang layo-layo sa akin.

Hmm. Halata sa mga mata nila na inis na inis sila sa aking presensya rito. Di na nasanay ang mga walang kwenta. Ito ang sangktwaryo ng isang Saint Endessa.

Nilalaro-laro ko ang bolpen sa aking kaliwang kamay habang umiinom ng malamig at maanghang na kape.

Wala bang interesanteng magaganap sa unang araw ng school year na ito? Tsk. Mamamatay na ako sa ennui na binibigay ng mga halos pabalik-balik na pangyayari sa ilang taon ng pag-aaral ko sa Recrudescence.

Hmm. Pero noong first year pa ako ay kasabik-sabik ang mga pangyayari. Sana ngayon ay ganoon din o pwede ring mas kasabik-sabik pa hanggang sa hindi na mawala ang ngisi sa mga labi ko.

Recrudescence High (Volume I)-CompletedWhere stories live. Discover now