Chapter 76: Pagtatapos (Last part)

Start from the beginning
                                    

At parang may sumabog na bomba sa utak ko at sinalubong ko ang nanlilisik na titig ni Laira. "Oh? Titingin mo ng ganyan, Rodney? Nagi-guilty ka na ba sa pagpatay sa kapatid ko?"

"Fuck! Ilang beses ko bang sasabihin sayo, sa inyo!" Sabay turo ko sa kanila. "Na hindi ko pinatay ang kahit na sino! If you were hurt when Lei died, sa tingin ninyo ba kayo lang ang nagluksa at umiyak!? Sa tingin niyo ba hindi rin ako nasaktan at hindi ko sinisi ang sarili ko sa nangyari!? Fuck! If I knew that would happen, do you think I'll fucking let that to happen to my best friend!? Yes, nawalan kayo ng kapatid, " tiningnan ko si Laira na naluluha pero may galit pa rin sa mga mata niya. "Nawalan ka ng kakambal, pero ako, pano naman ako!? Nawalan rin naman ako ng matalik na kaibigan!! Nawalan rin ako.. kung alam ko lang na mangyayari yun, ako nalang sana ang namatay at hindi si Leira. Ako nalang sana ang nawala dito sa mundo."

Wala akong narinig na ingay kahit sa mga tao sa baba ng stage na parang may play at manunuod sila doon. Tanging ang pagsinghot ko ang naririnig dahil naiiyak na ako sa sobrang galit, paninisi sa sarili, at sobrang pagod sa mga nangyayari. Para akong bulkan na sumabog nalang bigla.

"PERO DAHIL SAYO NAMATAY SI LEIRA!! NAMATAY ANG KAKAMBAL KO, NASIRA ANG PAMILYA KO AT NGAYON WATAK-WATAK NA KAMING PAMILYA AT IYON AY DAHIL SAYO!!"

"Walang kasalanan si Rodney o ang kahit na sino Laira." Napatingin ako kay Kayla. Wala akong mabakas na emosyon sa mata niya, tila nanlamig ang buong paligid sa cold ng pagkakatingin at pagkakasalita niya kay Laira.

"And what do an 'insane' and 'demonic' girl know about this? Haha. Porket ikaw ang mahal ni Rodney magyayabang ka ng ganyan? To be honest with you, ako ang unang minahal ni Rodney at ako ang girlfriend niya bago ka pa man niya makilala. I'm sure sa hitsura mong yan, " tiningnan niya si Kayla mula ulo hanggang paa and smirk, "nagalit sayo si Rod.. why? Kasi ganyan na ganyan ang histura ko noon.. nerd, tahimik, lampa at mahina."

Kayla also smirk, na ikinataka ni Laira. "Yes, nagalit siya sa akin nung una because of my 'nerd' looks na nagpapaalala raw sa kanya ng 'ex' na iniwan siya noon ng walang paalam. also tama ka, tahimik nga ako but a little correction.... I'm not lampa and mahina."

"And i'm what? Insane? Demonic? Sa tingin mo, sino sa atin ngayon ang 'demonic' and 'insane'? Hahaha.. Sorry for saying this to your twin Leira but I'm already pissed and nothing can stop me from saying things that I wanted to say." Saglit na tumingin si Kayla sa gilid niya. Si Leira siguro nasa tabi niya.

"W-what are you saying? L-leira? Y-you're speaking to Leira..?" Hindi makapaniwalang nabulong ni Laira at tutumba na sana ito buti at nasalo ng kapatid niyang napatulala na rin.

Agad na inutusan ni Liam na paalisin na muna ang mga tao at nagpahingi ng paumanhin sa lahat.


****

LIAM RAVE

Nandito na kaming lahat sa office of the principal at kanina pa kaming tahimik dito at walang may gustong umimik. Kinabahan ako kanina nung dumating sina Rodney at nagkasagutan pa, pero on the other side, nagpapasalamat na rin ako dahil mukhang maaayos na rin ang lahat.

Pero may isang bagay akong gustong kumpirmahin.

Tiningnan ko si Kayla na seryosong nakatingin sa gilid ko.. tapos parang maluluha pa nga. Hindi kaya...

"At a very young age, may abilidad na akong hindi maipaliwanag at siguradong hindi ako mapapaniwalaan ng ibang tao.. haha, kahit sarili kong magulang natakot sa akin dahil dito sa ability ko. Alam niyo na naman siguro kung ano iyon diba?" Nag-nod naman iyong iba pero naguguluhan naman ako sa sinasabi niya. "When I was six years old, kakalipat lang namin sa bagong bahay namin sa isang province dahil na rin sa work ni papa ko.. doon nakakilala ako ng dalawang kasing-edaran ko.. their names are Che-che and Sharry. They were my first 'friend'. I introduced them to mommy pero nagtaka ako nung mahintakutan siya at biglang tinawagan ang papa ko. Inisip ko nalang nun na siguro may biglaan siyang sasabihin sa papa ko kaya biglang umalis so I continued playing with my new found friends. At that time, I'm not aware of my ability, hindi ako aware na yung mga 'friends' ko ay hindi na pala nag-e-exist sa mundong 'to."

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now