"Umalis ka na.. Nabibwisit na ako sa'yo!" Sabi ko rito at muling umupo sa maliit na sofang inuupuan ko. "Kunin mo yung pagkain mo, ikaw na bahala!" Sabi ko pa pero maya-maya lang ay katabi ko na siya rito sa inuupuan kohabang yakap-yakap ako at nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko kaya sa bwisit ko ay nabatukan ko ulit ang isang 'to.

"Ano ba! Hindi na ako natutuwa sa'yo!" Asar na sabi ko rito. Malapit nang mag alas-otso ng umaga at ngayon ang unang araw ng pasok niya sa trabaho niya pero mukhang magpapalate pa ang isang 'to.

Kinuha niya naman ang kaliwang kamay ko at nagpaubaya na lamang ako lalo na nang halikan niya ito. "Sorry baby.." Aniya. Tumayo na ito at dumiretso sa kusina. Ready na kasi ang pagkain niya doon at nakalagay na rin sa bag niya.

Tumayo na ako at sumunod sa kanya, "Mag-iingat ka, anong oras uwi mo?" tanong ko rito.

"Past 5pm siguro nandito na ako.." Aniya. Tumango naman ako at sabay kaming naglakad patungo sa labas. "Uhh, ilock mo yung pinto ah? 'wag na 'wag mo akong kakalimutang tawagan kapag may problema, kapag hindi ako busy itetext kita ah?" Sabi niya. Naliwanagan naman ako kaya tumango na ako.

Natatawa naman akong sumagot sa kanya. "Yes tatay.." Sabi ko. Nakita ko naman ang pagkabagot sa mukha niya sa sinabi ko pero nawala din naman agad ito nang halikan ko siya sa labi niya.

"Shit!"

Natatawa lamang ako habang tinitignan ko ang gulat na reaksyon niya. "Kinikilig ako!" Saad niya habang tinatakpan ng dalawa niyang kamay ang mukha niya.

Nang makaalis siya ayagad akong pumasok sa bahay at tulad nga ng sinabi ni Zach sa akin ay inilock ko kaagad ang pinto. Wala naman akong ibang magawa kung hindi ang manood ng t.v at gamitin ang laptop ni Zach. Sa pagfafacebook ako nag-ubos ng oras ko pero hindi rin naman nagtagal dahil maya-maya lamang ay nakatanggap na ako ng text mula kay Zach.

nAnD2 nA AqO,, oK kA lAnG Ba?

Napangiti ako nang mabasa ko ang text ni Zach sa akin kaya agad akong nagtipa.

Ako:

oKaY lHanG aKo,, InGaT kA DiyaN,

Wala pang ilang minuto nang magreply siya kaya naman bugbog sa akin ang katabi kong unan dahil kinikilig na ako ng sobra.

Zach:

aNo GwA mU?

Magtatype na sana ako para magreply pero nakatanggap na naman ako ng text mula sa kanya.

gZto qO na UmuWi ://

Natawa naman ako nang mabasa ko ang text niya.

Ako:

hInDi pA TaPuS tRaBaHo mOe UuWi Ka na AgaD?, UmaYoS Ka uUPaKan KiTa! :P <3

Zach:

jOke LhAnG mAhAl Qo :P PeACe hEhEHe

Sa buong magdamag na 'yon ay wala akong ibang inatupag kung hindi ang magtext na lamang. Nakalimutan ko na ngang kumain kung hindi pa ako paaalalahanan ni Zach. Nagpaalam na rin muna ako kay zach na iidlip muna ako dahil inaantok ako bandang hapon.

"Ang init!" Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng boses sa may di kalayuan sa akin kaya naalarma ako at mula sa pagkakahiga ay napatayo ako. nakita ko naman si Zach na unti-unting tinatanggal ang mga suot niya.

"Hi baby.." Aniya at pagkatanggal ng long sleeve niya ay nilapitan ako at binigyan ng halik sa pisngi. "Miss you.." Sabi niya matapos akong halikan sa pisngi. Napatawa naman ako sat inuring niya.

"Parang kanina lang magkasama at magkatext tayo miss mo na agad ako.." Asar ko. Ngumiti lang naman ito sa akin at saka ako niyakap bago kiniliti.

"Zach hahahaha....."

Hindi ko mapigilang hindi mapatawa lalo na nang kilitiin niya ako sa may bandang tagiliran ko. Weak spot ko 'yon at malakas ang kiliti ko 'don.

"Ahhhh hahahaha.." tawa niya habang kinikiliti ako. wala naman akong magawa kung hindi tumawa at sumuko sa kung anong ginagawa niya.

"Zach t-tama na hahahha..." awat ko at bigla itong napatigil nang madako na ang kamay niya sa dibdib ko. Napaupo rin ako mula sa pagkakahiga sa kama at mabilis na inayos ang sarili ko. "Sorry.." Aniya. Tumango na lamang ako dahil wala namang may gusto 'non.

"Bakit ka ba kasi nangingiliti kaloka ka!"

"uhh i'd like to see your laugh.." patanong na sabi niya

Kunot noo ko naman siyang tinignan at napawi 'yon nang muli akong magsalita. "Wow naman! English spokening dollars na ang lola niyo oh!" Natatawang sabi ko rito at siya naman ay seryoso nang nakatingin sa akin ngayon habang nakaupo.

"Tss, Hindi 'yon!" Aniya. Kinuha niya ang kamay ko at nagulat ako nang dalhin niya ito sa gitna niya kaya nanlaki ang mata ko nang may maramdaman akong matigas na bagay 'don. Mabilis kong binawi ang kamay ko. "Tinitigasan kasi ako kapag tumatawa ka..."

"Loko ka talaga! Umuwi ka na nga sa inyo!"

Sumimangot siya. "You are my home...."

Tila ba kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Tumayo ako at dumiretso sa kusina pero ang loko ay pirming nasa likod ko lamang at tinitignan ang bawat galaw ko.

"Kain na tayo?" Saad ko na tila ba nagtatanong. Tumango naman ito at umupo na sa tabi ko.

Tahimik kaming dalawa na kumakain pero hindi rin naman nagtagal ang katahimikang iyon dahil binasag niya na ang katahimikan sa aming dalawa. "Gusto na talaga kitang ipakilala sa parents ko.."

���

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Where stories live. Discover now