Chapter Thirty-Four

Start bij het begin
                                    


And if that day comes, I will promise to never ever hurt them again. I will always be there for them and protect them from any harm. I will love them unconditionally.


Kaya itong pagmamahal ko sa kanila ay hinding-hindi ko basta-basta isusuko. I'd fight for them no matter how hard the battle would be. As long as I can feel that Angel and I are meant to be, I will never give up on her.


"Dark? Bakit ka napatawag?" Bungad na tanong ni James nang masagot niya ang tawag ko.


"I just want to tell you that I'll be there tomorrow. Nasa airport na ako ngayon, waiting for my flight. If you're free tomorrow morning, can we meet somewhere? Marami akong nais ibalita sa'yo ng personal, insan." Banggit ko. Kahit hindi ko nakikita ang reaksiyon ng pinsan kong ito ay ramdam ko na masaya siya sa narinig mula sa akin.


Mula pagkabata ay kaming dalawa na ang magkasama sa lahat. Lalo na noong nasa States pa kami nila Mommy nakatira. Hindi man naging normal ang naging childhood ko gawa ng pressure sa pag-aaral para sa ikabubuti ng kumpanya naming pamilya sa future nito— ay napagaan naman kahit papaano dahil kay James. Kahit hindi na kami madalas nagkikita noon at ngayon, lalo na noong highschool hanggang sa makapagtapos na kami ng pag-aaral ay sobra pa rin ang pasasalamat ko sa kaniya.


Siya ang sumalo sa lahat ng obligasyong nais ibigay sa akin ng angkan namin— lalo na ni Dad noon. Sobrang sinalo niya ang kumpanya at nagawa pa itong patakbuhin ng mahusay. Kung may hahangaan man akong tao ay walang duda na siya iyon. Kaya tuwing naiisip ko na nagawa pa niya ako supportahan sa problema kong ito sa sarili kong pamilya sa gitna ng pagbabakasyon niya sa pagtatrabaho sa Elites ay tunay na nakahihiya't nakatutuwa.


"That's good to hear, Dark. Ibig sabihin ba niyan ay alam niyo na ang location ng asawa mo rito?" Tanong niya kaya muling napabalik sa kasalukuyan ang isip ko.


"Not yet, but I know I am getting closer. So?? Are you free tomorrow morning?"


"Yeah, sure. But I might bring someone. May gusto lang akong ipakilala sa'yo... Minsan lang kasi ako mahulog sa isang babae, kaya gusto kong ipakilala agad sa'yo ang special girl sa buhay ko ngayon." Banggit niya na mabilis kong kinangiti. Buti naman at naisipan niya rin magkaroon ng dating life. Deserve niya magkaroon ng isang babaeng kukumpleto sa buhay niya.


"I'm happy for you, insan."


"Salamat, Dark. I'm also excited to see you. Finally!" Banggit niya. Narinig ko ang saya sa kaniyang boses kaya ako rin ay napangiti. Nasundan pa ang pag-uusap namin tungkol sa babaeng tinutukoy niya habang naglalakad ako sa loob ng airport para makapag check-in. Unti lamang ang dala ko gamit kaya hindi problemang nagku-kwentuhan kami ngayon ng pinsan ko sa telepono.


Masaya ako sa mga naririnig kong kuwento niya sa buhay pag-ibig niya. Base sa mga sinasabi niya ay masasabi kong napakasuwerte ng babae sa pinsan ko. Mabuting tao si James, kaya walang duda na magiging mabuting lalake rin siya sa magiging nobya niya. Kung naging katulad lang sana ako noon ni James sa relasyon namin ni Angel ay sana masaya rin kaming dalawa ngayon ng asawa ko...




***

Loving DarkWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu