Chapter 11

242 2 1
                                    

Chapter 11

 

“ Hello. . . . Ma. “ napahinga ako ng malalim pagkasagot ko ng tawag.

“ Ree anak! Kamusta ka na? “ masayang tanong ni mama. Halata sa boses niya yung excitement na nag-uusap kame. Naririnig kong may ibang boses sa background, bumubulong lang kaya di ko masyado mainitindihan pero for sure si papa yun.

“ Yes. Dear. Itatanong ko kay Ree. “ sagot ni mama kay papa. “ Ree anak! Pinapatanong ng papa mo kung kamusta ang pag-aaral mo? May kailangan ka pa ba daw? “

Napangiti ako bago sumagot. Masyadong maalalahanin talaga si Papa at laging kinakamusta ang pag-aaral ko. “ Ok lang po lahat Ma. Wala na pong p-problema. “

Wala nga bang problema Reena?

“ Mabuti naman anak. Kelan ka uuwi dito? “ sunod na tanong ni Mama.

Napatigil ako sa kinauupuan ko sa bench sa school. Kelan nga ako uuwi? Sa totoo lang di ko alam. Dahil sigurado sa pag-uwi ko kailangan ko ng sabihin kanila mama ang kalagayan ko at sigurado akong madidissapoint sila sakin.

Napapikit ako. Nai-imagine ko kung anong magiging reaksyon ni Papa pag sinabi ko na sa kanila. Hindi niya ko sisigawan ni hindi siya magsasalita. Titingnan lang niya ko, may lungkot sa mga mata niya. Punong- puno ng dissapointment yung reaksyon niya. At si Mama, maiiyak lang siya.

Gusto kong umiyak sa naiisip kong reaksyon nila kapag sinabi ko na. Lalo pa silang masasaktan kapag nalaman nilang walang ama ang magiging anak ko. Kamumuhian nila ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

“ Ree. Anak? Andyan ka pa ba? “

“ O-opo Ma. “ halos pabulong na sagot ko sa kanya.

“ Anak. May problema ka ba? “may pag-alalang tanong ni Mama.

“ Wala ho. Sa f-Friday po ang uwi ko dyan Ma. “

“ Dear! Sa Friday daw ang uwi ni Reena. “ masayang sigaw ni Mama.

Natawa ako sa naging reaksyon niya. Parang ang tagal tagal na talaga naming di nagkikita. Miss ko na sila at halata namang miss na din ako ng pamilya ko.

“ Sige anak! Sabi ng Papa mo kung gusto mo daw na sunduin ka niya dyan para hindi ka mahirapan sa byahe.”

“ Hindi na po Ma. Ok lang po. “

“ Sigurado ka ba daw anak? Ayos lang sa Papa mo. Gabi pa naman siya papasok sa opisina niya. “ naririnig ko ulit yung pagbulong ng boses ni Papa sa background.

Natawa ako. Si papa talaga. Masyadong maalalahanin at mahiyain pag nakikipag usap sakin. Strikto man si Papa pero mahahalata mong grabe siya magpahalaga sa pamilya niya lalo na samin ni Ralph.

“ Ma. Pakisabi po kay Papa. Pwede niya akong kausapin. No need na ipadaan pa sayo. “ natatawang sabi ko kay Mama.

“ Oo nga anak. Teka. Ibibigay ko sa papa mo. Nahihiya kasing makipag usap sayo. Haha. “ narinig ko yung pag-abot ni Mama kay Papa ng cellphone.

“ ehem. H-hello. “

Napangiti ako ng marinig ko yung boses ni Papa sa kabilang linya pero at the same time gusto kong maiyak hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa namiss ko talaga sila.

“Hello po, pa.”

Nagtanong lang si Papa ng ilang mga bagay tungkol sa school ko tapos binalik na niya kay Mama.

“Ree, anak. Baka may klase ka na. Sa susunod na lang. Mag ingat ka dyan. Miss ka namen. Excited na kami sa Friday. I love you nak.”

 

Napakagat ako sa labi ko. Wag kang iiyak Reena. “ I love you din po.”

***************************

Short update, sorry. Babawi ako :)

Yanie <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let me love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon