Chapter 6

232 2 0
                                    

A/n : 2 IN A ROW! hope you'll like it guys ;)

 

 

Chapter 6

“ Reena. Pwede ka ba ? Birthday kasi ni Ara. May konting handa. “ yaya ni Aireen sakin ng matapos yung klase namin. Naglalakad kami palabas na ng University.

“ oh. Nakakahiya. Wala akong regalo kay Ara. “

“ Ayos lang. Gusto ka din makita ni Ara. Kinukulit nga ako, minsan nga nagseselos na ko sayo. Ikaw pa gusto makita ni Ara kaysa sakin. “ nagkunwaring parang nasasaktan si Aireen. Pero parehas lang kami natawa sa ginawang niyang arte.

“ sige. Itetxt ko lang si Baste. “ kinuha ko yung phone ko sa bag ko. Ipapaalam ko lang kay Baste na sasama ako kay Aireen, baka kasi pumunta siya sa dorm ko mamaya wala ako dun.

“ Ahm. Reena. Pwede ba kong magtanong? “ nagdadalawang isip na tanong ni Aireen.

Nagstop muna ako magtext tsaka ko siya sinagot. “ Oo naman. Ano yun? “

“ Ah. Iniisip ko lang. Ahm. . Kayo ba ni Baste ano. Ahmm. Alam mo na.. kayo ba? “ halos di niya makuha yung tamang salita sa itatanong niya.

“ Kame ni Baste? “ ngumiti lang ako sa kanya. “ Magkaibigan lang kami. “

“ Ahh. Eh kasi.. ah wala! Masyado lang akong madaming napapansin. Siguro nga hindi. Haha. wag mo na lang pansinin yung tinanong ko. “

“ Napapansin? Aireen anong napapansin mo? “ bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Madami siyang napapansin? Ibig sabihin ba nun meron na siyang hinuhang nabubuo sa totoong kalagayan ko? Ewan ko kung bakit di ko masabi kay Aireen ang totoo eh kaibigan ko na naman siya.

“ Uh. Wala yun. Masyado lang sigurong gumagana yung imagination ko. Mahilig kasi ako sa mga romance stories. Kaya siguro ganun. Yung mga ginagawa kasi ni Baste, yung mga tingin niya, kung paano ka niya pahalagahan, yung mga reaksyon niya pag magkasama kayo.. parang.. parang gustong gusto ka niya. Para kayong inlove sa isa’t isa. May sparks. Alam mo un? Ay nako. Wag mo na ngang pansinin mga pinagsasabi ko. Nasobrahan na ata ako sa kakabasa ng romance. Hehehe. “

“ a-ah. Air-een. “ napalunok ako sa lahat ng sinabi niya. Napapansin niya ang mga bagay na ganun? Mga small gestures ni Baste towards sakin? At a-ako? G-gusto ni Baste? ha-ha-ha-ha. Gusto niya sigiuro ako bilang ka-kaibigan.

“ Ano ka ba Reena. Masyado ka namang natulala dyan. Ganun ba ka weird mga sinabi ko? Hahaha. Tara na. Itxt mo na si Baste. Baka bigla kung saan mapadpad yun pag di ka nahanap. “

Tinuloy ko yung pagtetext ko kay Baste. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkabog ng dibdib ko sa mga sinabi ni Aireen.

“ Kasama ko si Aireen. Pupunta sa kanila. Uuwi din ako aga—“ binura ko yung txt ko kay Baste.

Bakit ko ba siya itetext? Kailangan ba sa bawat gagawin ko alam niya? A-ano ba kami?

Let me love youWhere stories live. Discover now