Chapter 2

349 5 0
                                    

Chapter 2 

“ Sige po Doc. Salamat. “ may narinig akong boses  ng lalaki bago ko buksan yung mata ko.

Kinusot kusot ko yung mata ko para maka adjust sa liwanag. Nasaan ba ako? Bakit masyadong maliwanag?

Teka! Pababa ako ng hagdan kanina ng ...

“ Baby! “ agad akong napahawak sa tyan ko ng mapansin kong nasa kama ako. Iba na yung damit ko. Nilibot ko yung paningin ko sa buong kwarto.

Nasa ospital ako. OSPITAL! Si-sinong nagdala sakin dito?

Biglang bumukas yung pinto ng kwarto. Pumasok siya. Si Baste, yung dorm mate ni Nick.“ Gising ka na. Nauuhaw ka ba? “ komportableng tanong niya sakin habang binubuksan ang kinuha niyang mineral bottle sa table sa gilid ko.

“ A-anong ginagawa ko dito? “ kinakabahang tanong ko sa kanya. Alam na ba niya? Reena! Malamang alam na niya! Kinausap siya ng doktor sigurado! Bakit kasi nawalan pa ko ng malay! Anong gagawin ko?!

“ Nawalan ka ng malay. Muntikan ka ng mahulog sa hagdan buti na lang at nakasunod ako sayo. “ hinila niya yung upuang nasa table at tinapat sa gilid ng kama ko tsaka siya umupo at tiningnan ako.

“ S-salamat. Pero aalis na ko. Di dapat ako nandito. “ patayo na ko sa kama ng bigla siyang tumayo sa pagkakaupo at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Tinulak niya ko ng dahan dahan pabalik sa kama na agad ko namang sinunod.

“ Alam ko na Reena. Wag kang matakot. Wala kong pagsasabihan kung yun ang inaalala mo. Kailangan mong magpahinga sabi ng doktor. Kelan ka huling kumain? “ malumanay na tanong niya sakin.

Napakasincere ng pagkakasabi niya sakin. Bakit parang feeling ko concern siya o akala ko lang?

“ Bakit mo to ginagawa? Hindi ka kaibigan ni Nick at hindi mo rin ako kilala, pero bakit mo ko tinutulungan? “ tiningnan ko siya sa mata. Kailangan kong malaman kung bakit niya to ginagawa.

“ Sabihin na lang nating. . . mahilig ako magkawanggawa. “ nginitian niya ko. Unang beses na ngumiti siya sakin at bigla na lang gumaan ang pakiramdam ko.

“ Ano? Sasagutin mo ba ang tanong ko? Kelan ka huling kumain? “ inabot niya yung nakaplastic sa table at nilabas ang isang container.

“ Kahapon ng umaga. “ matipid na sagot ko sa kanya. Kahapon ko lang nalaman ang kundisyon ko. Bigla na lang ako nasuka ng maamoy ko yung peanut butter na aalmusalin ko sana at naalala kong delayed na ang menstruation ko ng dalawang linggo.

“ Tsk. Tsk. Dalawa na kayong dapat kumain, lagi mo yang isipin. Oh. “ dissapointed na sabi niya sakin habang pinapasubo niya sakin yung lugaw na binili niya.

Inabot ko yung kutsara para ako na lang magsubo sa bibig ko. Sino ba tong lalaking to at bakit parang kumportable na siya sakin at kumportable na din ako sa presensiya niya. Pinagmasdan ko yung muka niya hanggang sa mapansin kong naka uniform siya ng university namin.

“ Hala! May pasok ka diba? “ gulat na tanong ko sa kanya.

Kasalanan ko to! hindi siya nakapasok ng dahil sakin!

“ Ayos lang. Wala namang kaming gagawin. “ pag a-assure niya sakin.

“ Sorry. Dahil sakin umabsent ka pa. “ nahihiyang sabi ko sa kanya. Mahirap makahabol sa mga lessons pag college ka na. Masyadong mahigpit ang mga professor sa pinapasukan naming university.

“ Tss. Ayos nga lang. Oh kain na. Sabi ng doktor pwede ka ng lumabas mamaya. Saan ka ba nakatira? Hahatid na kita.”

“ Ah. hindi na. Ako na lang uuwi mag- isa. masyado na kong madaming abalang ginawa sayo. Atsaka. Nagdodorm lang din ako. Sa west wing ako. “  nagpatuloy lang ako sa pagkain. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Masyado kasing napuno ang utak ko ng mga problema.

“ Ihahatid na kita. Wag ng makulit. May kasama ka ba sa dorm mo? “

“ Si-sige. Wala. Mag isa lang ako. “ sagot ko sa kanya sabay abot ko ng naubos kong lugaw. Inabutan niya ko ng mineral water.

“ Ah. Magpahinga ka na. Mamaya gigisingin na lang kita pag ayos ko na lahat ng papel mo para makalabas. Tapos ihahatid na kita sa dorm mo. “ tumayo siya at lumabas sa kwarto.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa magsara na ang pinto.

Sino ka ba Baste?

Bakit mo ko tinutulungan?

Hanggang sa makatulog na lang ako sa kakaisip kung sino nga ba tong lalaking to.

***********************************

Hinatid ako ni Baste hanggang sa pinto ng dorm ko. Binayaran niya lahat ng hospital bills ko, sinabi kong babayaran ko siya pero sabi niya wag ko ng alalahanin pa yun.

May sasakyan siyang dala at medyo malayo sa university ang pinagdalhan niya saking ospital. Siguro naisip din niya na madaling makakarating sa university ang balita pag may naospital na estudyante.

Kinuha ko yung susi sa bulsa ng pantalon ko at binuksan ang pinto ng kwarto ko.

“ S-salamat ulit. Ang laki ng utang na loob ko sayo. Sobra ng abala ang ginawa ko.“

Ginulo niya yung ibabaw ng buhok ko habang nakangiti. “ Ayos nga lang. Sige na. Pahinga na. Kumain ka. May pagkain ka naman diyan diba? “ tuloy tuloy na pagsasalita niya.

“ O-oo. Meron. “ matipid na sagot ko sa kanya. Ganito ba talaga siya sa lahat ng taong tinutulungan niya? Masaydong kumportable agad?

“ Buti naman. Pasok na. Bukas na lang. “ paatras siyang naglakad palayo sa dorm ko habang nakangiti.

Hindi ko alam pero ngumiti na din ako sa kanya. Hinintay ko siyang mawala sa paningin ko ng isara ko yung pintuan ko tska nagregister sa utak ko yung sinabi niyang huli.

Bukas na lang. “

 

Bukas? Meron pang bukas? Pupuntahan niya ba ko?

Iniling iling ko yung ulo ko habang nakangiti. Niyakap ko yung tyan ko tska ko siya kinausap. “ Baby. . Ang bait niya no? Tinulungan niya tayo kaya paglabas mo sa mundong to, maging mabait ka kagaya niya huh. I love you baby. . Sana umuwi na Daddy mo. Excited na kong ipakilala ka sa kanya. “

 

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox

Enjoy :)

<3 Yanie

Let me love youWhere stories live. Discover now