Chapter 5

230 3 0
                                    

Chapter 5

2 weeks.

2 weeks na ang nakalipas. Isang buwan na din ang tiyan ko pero hindi pa naman ganun kahalata. Nararanasan ko pa din yung tinatawag nilang morning sickness. Nakadalawang balik na din ako sa doctor for check up at sa bawat balik ko dun kasama ko si Baste.

Binigyan lang ako ng prenatal vitamins ng doctor na kailangan kong itake everyday. Minsan sa pagpunta namin sa ospital inakala ng mga nurses na ang tatay ng anak ko si Baste. Nginingitian lang ni Baste yung mga tanong nila. Hindi niya tinatanggi, hindi rin niya sinasabing siya. Nakangiti lang siya na nakakagaan sa pakiramdam.

Sa malayong ospital din kami nagpupunta, malayo sa university para makaiwas sa pwedeng makakita samin. Hindi sa kinahihiya kong buntis ako, proud pa nga akong magkakababy na ko. Ang mahirap lang baka masuspend ako ng wala sa oras. I mean, mas gugustuhin ko ng ako mismo ang tumigil kaysa masuspend pa ako at mabalita pa sa buong University. Kasama kasi sa policy ng school ang pagbabawal sa pagpasok ng buntis na estudyante sa paaralan kaya mahirap na kung may makakaalam bukod kay Baste.

Ginawa ni Baste yung sinabi niya, hindi niya ako pinabayaan.  Lagi siyang nandyan. Nilinaw niya din sakin kung pano niya nalaman yung kay Nick. Isa kasi siyang member ng student government dito sa University namin kaya narinig niya yung usapan ng mga professor nila tungkol kay Nick. Yun yung sabi niya kaya naniwala ako. Kahit sa totoo lang hanggang ngayon naghihintay pa din akong tawagan ako ni Nick. Martyr na kung martyr pero kailangan niyang malamang magkakaanak na kami.

Masaya ako sa ginagawa ni Baste para sakin, para sa baby ko pero naiisip ko minsan, sobra na. Yung ginagawa niya hindi lang pangkaibigan. Ginagawa na niya kasi yung mga responsibilidad na dapat si Nick ang gumagawa. Baby ko to, baby namin ni Nick, wala siyang kinalaman dito pero tinutulungan niya pa din ako.

“ Ree, may gusto ka bang kainin? “ tanong ni Baste. Nandito kami sa dorm ko nanonood ng movie. Madalas na kaming magkasama ni Baste. Nagkakilala na din sila ni Aireen. Lagi kasi akong pinupuntahan ni Baste para ichek kung ano ng kalagayan ko.

Kung tutuusin ang swerte ko kay Baste. Ang swerte ko kasi naging kaibigan ko siya kahit nasa ganitong kalagayan ako. Sa totoo lang napapaisip ako, kung ganito siya kabait, mas maswerte ang babaeng mamahalin niya. Kaya minsan tinanong ko siya tungkol sa buhay pag-ibig niya, ang sinagot niya lang.  ‘ Matagal na yun. Wala na ngayon. ‘

Napangiti ako ng sabihin niyang ‘wala na ngayon’. Ewan ko pero, yung feeling na yung isang taong gusto mo solong solo mo? Ganun yung pakiramdam. Kahit selfish tingnan, mahalaga na din kasi sakin si Baste at gusto ko sa pagkakataong to... Sana ako lang muna. Naging dependent na din ako kay Baste paminsan- minsan. Alam ko mahihirapan ako pag dumating yung time na nagising na siya sa kalokohang ginagawa niya. Ang tulungan ang gaya kong hindi naman niya ka-ano ano, ni hindi kami magkaibigan ng una kaming magkakilala at ang gaya kong magkakaanak na, ay isang malaking kalokohan. Sino ba namang matinong lalaki ang uubusin ang oras niya sa pagbabantay at pagaalaga sa isang buntis na babaeng hindi naman siya ang nakabuntis? Hindi na lang siya makipag date at lubusin ang mga oras niyang single pa siya hindi katulad sa ganitong pinasok niya. Para siyang naging instant daddy, well, hindi naman talaga daddy, pero parang ganun na. Ay ewan.

“ Baste... bakit mo to ginagawa? “ tinanong ko siya habang nakatingin pa din ako sa movie na pinapanuod namin.

Let me love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon