Chapter 7

185 1 0
                                    

CHAPTER 7

“ Reena, hindi ka ba maimpatsyo sa dami ng kinakain mo? Halos kunin mo na lahat ng putahe kanina sa canteen. “ nag aalalang tanong sakin ni Aireen.

Nginitian ko lang sya habang patuloy pa din ako sa pagkain. Masisi niya ba ko? Kung alam lang niya na dalawa na kaming kumakain, ako at ang baby ko.

“ Hindi ka ba nakain sa dorm mo? Hindi ka na dinadalan ni Baste? “ sunod sunod na tanong sakin ni Aireen. Nakaupo lang kami sa may bench dito sa loob ng university. Meron kasi kami ditong benches na gawa sa bato na may lamesa na din kaya pwedeng kumain, natatakpan din kasi ang init ng araw ng mga punong nagkalat sa university namen.

“ Aireen hindi mo ba kakainin yan? “ nakangiti kong tanong sa kanya. Kanina pa kasi nakalabas yung pagkain niya pero wala pa din siyang nagagalaw. Di ko masyadong pinansin yung mga tanong niya sakin. Ayokong naiinterrupt yung pagkain namin ni baby, mahirap na masyadong sensitive yung palate ko eh.

Kumunot yung noo ni Aireen. “ Yung pagkain mo. “ turo ko sa pagkain niya para mas maemphasize yung gusto kong sabihin.

“ hindi na Reena. Tama na. Tataba ka niyan! Kung depressed ka wag mong daanin sa pagkain, kaw din magsusuffer niyan! “

Ako tataba? Malamang tataba talaga ako kasi buntis ako. Tanggap ko na kaya yun.

“ Andito naman ako Reena, hindi na tayo tulad ng dati. Pwede mo ng sabihin yung problema mo sakin, hindi yung... dinadaan mo sa paglamon! “

Gusto kong tawanan si Aireen sa mga pinagsasabi niya pero dahil hindi naman niya alam ang kalagayan ko exemption siya. Pero natatawa talaga ako lalo na sa reaksyon na nasa muka niya.

“ Aireen. Wala akong problema. “  inabot ko yung mineral bottle sa gilid ko tska ko uminom.

“ Eh bakit ang dami mong kinakain? Ang babae pag depressed dinadaan sa pagkain! “ naiinis na sabi sakin ni Aireen.

Hays. Aireen kung alam mo lang na hindi ako depressed, sadyang may pinapakain lang akong matakaw na bata dito sa tyan ko. Si baby kasi bawat makita kong pwedeng kainin gusto na agad.

“ Hindi nga ko depressed Aireen. Kumain ka na lang oh. “ abot ko sa kanya ng hilaw na mangga na sinawsaw ko sa bagoong.

“ Ayoko. Sabihin mo sakin kung bakit andami dami mong kinakain! “ inayawan ni Aireen yung mangga kaya sinubo ko na lang sa sarili ko.

Naku naman! Ano naman idadahilan ko ngayon? Bakit nga ba di ko na lang sabihin kay Aireen? Magkaibigan na naman kami. Pero malaki pa rin yung itatake risk ko at dapat saibihin ko muna kay Baste ang balak ko.

“ Ano Reena? “ nagcrossed arms na si Aireen. Hinihintay niya kong magsalita pero patuloy lang ako sa pagnguya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

“ REENA! “ napatingin kami parehas ni Aireen sa tumawag ng pangalan ko.

Let me love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon