Chapter 3

311 3 0
                                    

Chapter 3

Nila- lock ko yung pinto ng dorm ko ng may biglang tumawag sakin. “ Ree..”

Napalingon ako para tingnan kung sino yung tumawag. Napangiti ako nung makita ko siyang nakatayo sa tapat ko habang nakangiti, tinaas niya yung hawak hawak niyang plastic bag na for sure pagkain ang laman.

“ Ree huh? “ naglakad ako paalis sa dorm ko habang sumunod siya sakin. Ree? Nickname ko yun sa family ko. Sa tatlong taon kong andito sa Manila walang nakaisip tumawag sakin ng ganun. Kahit si Nick. Reena ang tawag niya sakin.

“ Ayaw mo? Ang haba kasi ng Reena. Mas madaling sabihin yung Ree. Mas maganda kung REE REE. “ tiningnan ko siya. Nakangiti lang siya habang nakatingin ng diretso sa dinadaanan namin. Masyado na siyang kumportable sakin ah. Di pa naman namin kilala ang isa’t isa.

“ Mmm. Ree. Ree. “ tumango tango ako. Ok lang. Cute naman. “ So, Bas na lang itatawag ko sayo? Masyado din kasing mahaba yung Baste? “ pangloloko ko sa kanya.

Napatawa siya ng mahina sa sinabi ko. Nice. Feeling ko kumakanta siya. Yung boses niya kasi maganda pakinggan. Hindi nakakairita.

“ Nickname ko lang yung Baste. No need sa pagpapaiksi pa. “

“ Oh? Ano full name mo? “ curious na tanong ko sa kanya. Baste, nickname. So ang name niya is... Bastillo? Pfft. Bastillo? Saan ko naman napulot yun!

“ Sebastian. Sebastian Marasigan. “

“ Nice name. I’m Reena, Reena Valdes.”

Tumango tango lang kami parehas matapos namin malaman ang buong pangalan ng bawat isa. Hindi talaga familiar sakin yung name niya. Wala namang nababanggit si Nick sakin about sa barkada niyang may name na Baste kaya siguro hindi talaga sila magkaibigan ni Nick. Pero kung classmate siya ni Nick.. wala lang. Hindi ko din naman kilala mga classmate ni Nick. Kung sino lang close niya, yun lang kilala ko.

Naglakad kami papasok ng univesity. Naalala ko nung freshman pa lang ako dito. Bago lang din ako sa Manila nun. I’m from Cavite. Pinili ko na lang mag dorm para less hassle sa byahe. Malayo din kasi masyado.

New surroundings. New faces. Lahat new. Kabang- kaba talaga ako sa first day ko dito. Hindi ko alam kung ano yung feeling sa college, sa totoo lang ako pa lang ang mag co-college sa family namin. I’m the oldest. Meron akong younger brother. Si Ralph, 10 pa lang. Malaki talaga yung age difference namin. Ayaw kasi nila Mama and Papa na maranasan naming hirap makapag-aral. Education kinuha kong course. Gusto ko talagang magturo. Ang sabi sabi, mahirap na daw sa college. Dapat focus ka na sa pag-aaral. Hindi na laro-laro which is not entirely true.

Once na nakapag college ka na. You’ll experience a lot! As in a lot! Inom, barkada, gala, cutting class na akala ko sa highschool lang nagagawa, pati pagbagsak sa mga subjects mo na hindi mo alam kung paano mo mahahabol dahil hindi lahat ng mga professor pumapayag sa special project, mararanasan mo.

But in my case. Hindi ako nakaranas niyan. Ang tanging naranasan ko lang ay ma-in love. Nakilala ko si Nick sa isang class ko last year. Naubusan daw siya ng slot sa isang subject kaya pumili na lang siya ng ipapalit. That day, we became friends.

Let me love youWhere stories live. Discover now